Masaya na sana ang diyosa habang nagpapahangin sa kanilang malaking hardin nang biglang lumapit sa kanya ang isang batang lord at bigla siyang niyakap ng mahigpit.
"Please don't leave me my lady!" pagmamakaawa ng isang batang lord.
Naiinis na ang babae sa pagiging isip-bata ng kaharap niya. Hindi kasi matanggap ng batang lord na wala na sila at kailangan pa talagang pumunta dito para lang sirain ang araw niya. Hindi naman literal na bata ang nasa harap niya sadyang nauna lang siyang isilang dito. She is 125 years old and the lord is 25 years old.
Tumayo ang babae sa pagkakaupo nito at tumalikod sa lalaki. Agad naman siyang niyakap ng lalaki mula sa likuran at lumuhod.
"Gagawin ko ang lahat para hindi mo'ko iwan Lady Deianira." Ngumisi naman kaagad ang babae at hinarap ang lalaki na kasalukuyang nakaluhod.
"Pahirapan mo ang pamilyang Villacruz at bilang kapalit mananatili ako sa tabi mo." Tumayo kaagad ang lalaki na may kunot sa noo.
"Hindi ko inaakalang totoo pala na dati ikaw ay n-----"
Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nito nang biglang lumakas ang hangin at itinapon ang lalaki sa malaking sanga ng kahoy.
"Bata ka lang sa paningin ko at wala kang karapatan na ungkatin ang naging karanasan ko." Itinaas ng babae ang hintuturo nito at itinuro ang kaliwang balikat ng lalaki.
"A-aaaaarrrraaayyy!!"
"T-ttttumigil ka na!!!"
Ipinagpatuloy ng babae ang ginagawa niya hanggang sa tinapik siya ng kasama niya kaya napatigil siya. Galit ang mga mata niya nang ibaling niya ang tingin sa kasama niya.
"Hindi ka maaaring pumatay my lady." Ngumisi lang ang babae at akmang itataas ulit nito ang daliri niya pero napatigil ito nang hawakan ito ng kasama niya.
"Ano ba Phoenix! Baka gusto mong gamitin ko sayo ang kapangyarihan mo?"
Tumawa lang ang kasama niya bago binitiwan ang kamay ng babae.
"Hindi ka ba nag-iisip? Mas lalo mo lang akong pinapalakas my lady." Tinalikuran ng babae ang kausap nito at agad na nagmartsa palayo. Tinawag naman ni Phoenix ang mga nakatingin na katulong para tulungan ang batang lord.
"Ipinapatawag ka ng iyong ama. Nasisiyahan daw siya sa mga nakikita niya." Bumaling ang babae kay Phoenix at agad na ngumiti ng malaki.
"Nasaan daw siya?" Mahahalata sa boses ng babae ang saya sa narinig niya.
"Nasa kanyang silid." Tumango ang babae at dali-daling naglakad patungo sa silid ng ama. Napailing na lang si Phoenix sa inasal ng dalaga.
Pagdating ng babae sa tapat ng silid ng ama ay kumatok lang ito at agad na pinapasok.
"Magandang umaga ama! Ano po ang ibibigay niyo sakin?" Bungad niya kaagad sa ama.
Palaging may ibinibigay ang ama niya kapag ito ay nasiyahan sa ginawa niya.
"Ang saya mo ata Deianira. Wala ka bang ideya kung ano ang naiisip ko?" Nakangiti ang ama nito at diretsong nakatingin sa kanya.
Kumunot kaagad ang noo niya sa sinabi ng ama. Masaya siya pero may kung ano sa loob niya na bumubulong sa kanya na isa itong masamang pangitain.
BINABASA MO ANG
Coquettish Nonpareil
FantasyAcheros is the reincarnation of the Goddess first love 100 years ago na nagbigay sa kaniya ng hindi malilimutang sakit at pighati na naging dahilan upang ipadala siya ng kaniyang ama sa mundo ng mga tao para makalimutan ang sakit. Maayos na sana ang...