Chapter 16

81 31 0
                                    

Third Person's P.O.V

Maagang nagising si Deianira dahil sa naamoy niyang pagkain. Halata sa kanyang mukha ang pagod pero hindi ito naging dahilan upang hindi niya malaman na wala sila sa tinutuluyang hotel.

"Kaninong bahay 'to?" tanong niya sa kanyang sarili habang sinusuri ang paligid.

Biglang naputol ang kanyang ginagawa nang may sumigaw at agad niyang napagtanto kung sino iyon.

"I know you're awake!"

'Naghotel pa kami tapos may bahay pala siya.' reklamo ni Deianira sa kanyang sarili.

Kahit nanghihina pa ang kanyang katawan ay pinilit niyang tumayo at lumabas ng kwarto.

Agad na tumambad sa kanya ang naglulutong Phoenix na tanging apron lang ang suot pang-itaas habang bakat na bakat ang maskuladong katawan. Hindi niya alam kung magtatakip ba siya ng mata o sa pagkain na lang titingin.

"Good morning my lady!" masiglang bati ni Phoenix habang nakangiti ng malapad sa kanya.

Hindi alam ni Deianira kung matatakot ba siya o kikiligin. Napaginipan niya kasing ikinasal sila ni Phoenix na imposibleng mangyari kasi kung siya ang tatanongin, mas pipiliin niya ang pagkakaibigan kaysa maging sila.

"Ganyan na ba talaga ako ka gwapo at hindi kana makapagsalita?" pang-aasar sa kanya ni Phoenix bago hinubad ang apron at ngayon ay nakabandera sa kanyang harapan.

"Magsuot ka ng damit Phoenix." striktong saad ni Deianira at sinubukang maging seryoso.

Hindi natinag si Phoenix at sa halip ay lumapit ito sa kanya na naging dahilan upang mapaatras si Deianira.

"Hoy! Alis!" pagtataboy niya kay Phoenix at pilit na itinutulak ito.

"Why? Hindi mo kaya? Akala ko ba malakas ka? Try me, my lady." mapang-asar na saad ni Phoenix at pagkatapos ay tinignan siya ng malagkit.

"Pagod lang ako Phoenix kaya pwedeng-pwede kitang patayin ngayon." saad ni Deianira at pilit na umiiwas ng tingin.

"Kill me." Inilapit ni Phoenix ang kanyang mukha sa tenga ni Deianira at may ibinulong. "with your stone heart."

Pagkatapos sabihin iyon ni Phoenix ay lumayo ito sa kanya at dumiretso sa lamesa.

"Bilisan mo at baka mahuli ka sa trabaho." seryosong saad nito.

Kumunot ang noo ni Deianira sa paiba-ibang ugali ni Phoenix. Hindi niya kasi alam kung anong dapat gawin at kung ano ang iisipin sa mga ipinapakita ni Phoenix.

Tahimik lang na kumakain si Deianira habang si Phoenix ay sinasadyang lagyan ng tunog ang kanyang bawat pagnguya. Napansin iyon ni Deianira kaya naglakas siya ng loob upang tanongin ito.

"Hoy. Anong problema mo?" maangas na tanong ni Deianira upang itago ang kanyang pagkabahala.

"Bilisan mo at ihahatid na kita sa kanya." saad ni Phoenix at sinadyang hindi iparinig kay Deianira ang kanyang huling sinabi.

"Ba't ang moody mo ata ngayon? May nangyari ba habang tulog ako?"

Hindi na napigilan ni Deianira ang kanyang sariling hawakan ang mukha ni Phoenix at iharap ito sa kanya.

"Nagiging panget ka kapag galit Flynn." nakangiting saad ni Deianira.

"Don't mind me. I'm just busy doing some stuffs." sagot ni Phoenix at bahagyang inilayo ang mukha sa pagkakahawak ni Deianira. Napansin iyon ni Deianira kaya si Deianira na lang ang lumayo.

"I don't know what's going on but I'm always here Flynn." saad ni Deianira bago umalis at dumiretso sa kwarto.

Napabuntong hininga na lang si Phoenix habang nakatingin sa kwartong pinasukan ni Deianira.

'I really hate this my lady. I'm jealous even though I'm your fiance' saad ni Phoenix sa kanyang isipan.

Ilang minuto pa ay napagdesisyunan ni Phoenix na hugasan na lang ang mga pinggan. Eksakto namang kakaligo pa lang ni Deianira at nang natapos siyang maghugas ay ang eksaktong paglabas ni Deianira sa kwarto.

Labis na namangha si Phoenix sa ganda nito na naging dahilan ng kanyang pagkatulala. Napailing na lang si Deianira sa kanyang nakikita.

"Akala ko ba nagmamadali ka?"

Biglang natauhan si Phoenix pero hindi niya sinagot si Deianira at sa halip ay nauna itong lumabas na agad namang sinundan ni Deianira.

Paglabas ni Deianira ay naghihintay si Phoenix sa kanya habang nakasandal sa pintuan ng kotse.

"Get in my lady."

'Abnormal talaga kahit kailan.'
Napailing na lang si Deianira sa kanyang naisip at tahimik na sumakay sa kotse. Hindi naman naging matagal ang byahe nila lalo na't malapit lang ang bahay sa kompanya ni Acheros.

"I'll pick you up later and if I'll be late, please wait." biglang saad ni Phoenix nang akmang lalabas na si Deianira.

"Ako paghihintayin mo? Hindi ako yung tipo ng tao na naghihintay Flynn." masungit na saad ni Deianira.

"May aasikasuhin lang akong importante pero hindi naman kita kakalimutang sunduin." saad ni Phoenix habang nakatingin sa unahan.

"Ano naman ang aasikasuhin mo aber?" tanong ni Deianira at ilang sandali ay napatakip ito ng bibig dahil sa kanyang naiisip.

"Wait, may date ka ngayon? Pakilala mo naman ako. Para sa kanya ba ang bahay na yun?" mapang-asar na saad ni Deianira.

Biglang nagsalubong ang kilay ni Phoenix at umigting ang kanyang panga bago hinarap si Deianira.

"Date agad? Hindi ba pwedeng normal na gala lang? Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano dahil para sa iyo ang bahay na yun kaya kung maaari ay bumaba kana." saad ni Phoenix na tanging tango lang ang isinagot ni Deianira.

Hindi kasi siya makapaniwalang bibigyan siya ni Phoenix ng bahay lalo na't nabasa niya sa internet na kapag binigyan ng isang lalaki ng bahay ang isang babae, gusto daw ng lalaki na pakasalan ito.

'I can't marry my bestfriend." pagtutol niya sa naiisip.

Patuloy lang siya sa pag-iisip habang naglalakad papasok sa loob ng kompanya.

May ibang napapatingin sa kanya dahil sa paminsan-minsan niyang pag-iling pero hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-iisip ng mga rason kung bakit siya binigyan ng bahay.

"Deia!"

Naputol ang pag-iisip niya dahil sa sigaw na narinig niya at nang napagtanto niya kung kanino galing ang sigaw ay agad na lumiwanag ang kanyang mukha.

"Waahh!! I miss you Tava!" saad niya at niyakap ng mahigpit si Tavarious na naging dahilan upang kiligin ito.

"I miss you too." saad ni Tavarious at bahagyang inilayo si Deianira at pagkatapos ay sinuri ito.

"Saan ka ba galing? Kumain lang naman ako, pero pagbalik ko wala kana at hindi ko inakalang tatlong araw kang mawawala."pagtatampo ni Tavarious.

Kinurot ni Deianira ang tagiliran ni Tavarious dahil naaaliw siya dito. Hindi nila alam na may isang pares ng mata ang kanina pa nakatingin ng masama kay Tavarious.

"Sabay tayo ulit mamaya Deia. I'll ta----"
Naputol ang pagsasalita ni Tavarious dahil sa seryosong boses na narinig nila.

"Get the hell out of my sight Tavarious."





Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon