Chapter 10

151 70 0
                                    

"Paano ko ba ito sisimulan Flynn?!" naiinis na tanong ni Deianira sa nakahigang Phoenix.

Hindi sumagot si Phoenix at sa halip ay nag 'ok sign' lang ito. Napatingin si Deianira sa kanya at agad na pinalibutan ito ng nyebe na naging dahilan upang tumayo si Phoenix at inilabas ang kanyang apoy.

"Ano bang ginagawa mo?! May plano ka bang patayin ako?!" pasinghal na tanong ni Phoenix sa kanya.

Tinanggal ni Deianira ang nyebe at ngumisi kay Phoenix bago ito binalot ng apoy. Isa kasi sa pinakamalakas na kalaban ng kapangyarihan ni Phoenix  ang nyebe at kung mapapalapit si Phoenix sa nyebe ay maaari niya itong ikamatay.

"Bakit ba kasi ganyan ang kapangyarihan mo Deianira? Nakakatakot kana minsan." saad ni Phoenix habang nilalasap ang apoy na nakabalot sa kanya.

Natahimik si Deianira sa sinabi ni Phoenix at napansin naman kaagad ito ng binata.

"I mean..Baka kasi ikapahamak mo pa ito. Alam naman nating pareho na kapag nakopya mo ang isang kapangyarihan ay maaaring maging mas malakas kapa sa angkan na nagtataglay nito at baka yun ang maging dahilan upang patayin ka nila. I'm just concern my lady." pagpapaliwanag ni Phoenix.

Isa kasi sa pinakaayaw ni Deianira ay ang makarinig na nakakatakot ang kanyang kapangyarihan. Para kasi sa kanya ay isa itong biyaya lalo na't siya na lang ang kaisa-isang diyosang nagtataglay ng ganitong kapangyarihan.

Labis na kinatatakutan si Deianira sa tuwing maglalabas siya ng kapangyarihan kaya kung maaari ay ginagamit niya na lang ang kapangyarihan ng kalikasan dahil ito ang pinakamahina sa lahat.

Napansin ni Phoenix ang biglang pagtahimik ni Deianira kaya hinigop niya ang apoy bago nilapitan si Deianira.

"I'm sorry Deia. Hindi ko naman intensiyon na saktan ka. I'm just concern my lady. Alam mo naman kung gaano ka kaimportante sakin diba? I can't lose you Deianira."

Napatingin si Deianira sa kanya at ngumiti ng masigla bago tumawa ng malakas.

"HAHAHA! Hindi parin talaga nawawala ang galing ko sa pag-arte. Nadali kana naman Phoenix! HAHAHAHA!" saad ni Deianira.

Hindi alam ni Deianira na nahalata ni Phoenix na peke ang kanyang tawa, pero ngumiti na lang si Phoenix para hindi na sila mag-away.

Isang katahimikan ang bumalot sa kanila matapos ang asaran. Hindi nagawang makaimik ni Deianira dahil kahit anong pilit niyang pagpapagaan ng loob ay hindi parin mawala sa kanyang isipan ang sinabi ni Phoenix.

"Anong plano mo ngayon?" basag ni Phoenix sa katahimikan.

Napatingin si Deianira sa kanya na tila bumalik siya sa kanyang ulirat.

"Hindi ko din alam?" patanong na sagot ni Deianira.

Sasagot na sana si Phoenix nang nay biglang kumatok sa pintuan kaya wala siyang nagawa kundi tignan ito.

Habang naghihintay si Deianira ay inilatag niya ang listahan ng kanyang mga plano. Iniisip niya parin kung tama ba ang ginagawa niya o di kaya ay mapapahamak ba siya sa gagawin niya.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang bumalik si Phoenix at naglatag ng maraming pagkain sa kanyang harapan. Tila naman kumulo ang kanyang sikmura sa nakita.

"Thank you!" masiglang saad niya kay Phoenix na tahamik na nanunuod sa kanya habang siya ay kumakain.

Pagkatapos niyang kumain ay agad niyang iniligpit ang pinagkainan at bumalik sa kanyang ginagawa. Lumapit si Phoenix at dumungaw sa kanyang munting plano.

"So ang goal mo ay ang mapatay si Acheros?" tanong ni Phoenix habang tinignan ang mga larawan ni Acheros na may nakatatak na punyal.

"Yes! pero hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Hindi ko siya gustong mamatay pero may part sa sarili ko ang nasisiyahan habang iniisip ang walang buhay na Acheros." kaswal na sagot ni Deianira.

"Paano mo siya papatayin?'

Ngumiti si Deianira at agad na ipinakita ang tatlong paraan upang mapatay si Acheros.

"Sa tingin mo ba ay mapapatay mo siya gamit yan?" dudang tanong ni Phoenix.

Mabilis na tumango si Deianira na para bang may tiwala siya sa kanyang naisip.

"Oo naman! Kabisado ko ang kilos at galaw ni Acheros kaya paniguradong tama ang plano ko."

"Paano kung may mangyari sayo?" pag-aalalang tanong ni Phoenix.

"Bahala na yun basta ang importante sa ngayon ay ang mapatay ko si Acheros." desididong saad ni Deianira.

Hindi alam ni Deianira na tulad niya ay nagpaplano din si Phoenix kung paano niya maililigtas si Acheros. Alam kasi ni Phoenix na lubhang nakakatakot si Deianira kapag nagseryoso at sa nakikita niya ngayon ay sobrang desidido itong patayin si Acheros.

"Paano kung malaman ito ng iyong ama?"

Biglang natahimik si Deianira at maingat na iniligpit ang board.

"Paniguradong alam na ito ng aking ama at paniguradong naghihintay na din sa akin ang parusa." malungkot na saad ni Deianira at humikab.

"Huwag mo na lang ituloy ang plano mo my lady. Nakikiusap ako sayo." pagmamakaawa ni Phoenix dito pero isang pilit na ngiti lang ang isinukli nito.

"Kung sana ay pwedeng matutunan ang magpatawad Flynn..baka ginawa ko na pero sa kasamaang palad ay hindi ko alam kung paano iyon isasagawa."

Hindi kayang tignan ni Phoenix ang nakakaawang mukha ni Deianira kaya lumayo siya dito at umupo sa malapit na sofa.

"I can teach you how to forgive my lady. Hindi naman mahirap ang magpatawad kung iyon ang nais mo." paliwanag ni Phoenix habang hindi tumitingin kay Deianira.

"Paano? 25 years ang hinintay ko upang mapatawad sila pero mas lalo lang akong nagalit nang malaman kong nabuhay pala silang lahat. Parang naging isang kahihiyan ang ginawa ko Flynn." saad ni Deianira sa mahinang boses.

Napatingin naman kaagad si Phoenix at dali-daling tumayo at naglakad palapit sa pintuan.

"Alis muna ako. Kailangan ko pang magbayad ngayon. Huwag kang lalabas dito." saad ni Phoenix at diretsong lumabas kahit hindi pa naririnig ang sagot ni Deianira.

Hindi kaya ni Phoenix ang makitang nahihirapan si Deianira. Kapag nakikita niyang may problema ang dalaga ay agad nagwawala ang kanyang sarili at gustong saktan ang may sala kaya iniwan niya muna si Deianira dahil hindi niya kayang saktan si Acheros.

Pagkalabas ni Phoenix ay umupo ito sa gilid ng kanilang pintuan habang pinapakinggan ang hikbi ni Deianira. Hindi namamalayan ni Phoenix na may luha din palang lumalabas sa kanyang mata. Ikinuyom niya na lang ang kanyang kamao habang patuloy sa pakikinig.

Gumaan lang ang pakiramdam niya nang marinig niya na tumahimik na ang loob. Dali-dali siyang pumasok at agad na pinuntahan si Deianira sa kanilang kwarto.

Naabutan niya itong nakahiga habang yakap ang kanyang unan. Agad niya itong nilapitan at nilagyan ng kumot bago tumabi dito.

"Sana lang talaga ay palagi tayong magkasama my lady. Hindi ko gustong maparusahan ka ng iyong mga magulang lalo na't responsibilidad kita. You're my owner my lady and please allow me to protect you." saad ni Phoenix sa natutulog na Deianira habang hinahaplos ang buhok nito.

Hindi nakatiis si Phoenix at binigyan ng mabilis na halik si Deianira bago muling nagsalita.

"Please control yourself my lady"






Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon