Chapter 22

58 19 0
                                    

Deianira's P.O.V

Seryoso ang mukha ko pabalik sa kompanya. Naiwan kasi akong mag-isa dahil may aasikasuhin si Phoenix at hindi naman ako pwedeng sumama dahil hindi pa ako tapos sa aking misyon.

Pagpasok ko ay panay ang bulongan ng mga empleyado habang nakatingin sa akin. Napakaswerte nila at hindi ako maaaring manakit ng tao. Hindi ko na lang sila pinansin at sa halip ay sumakay na sa elevator na sana ay hindi ko na lang ginawa.

"Why can't you choose me?" nagmamakaawang saad  ng babae sa lalaking nakatingin sa akin.

'Kaya pala hindi bumalik.'

"Nikolette, let me explain." saad ni Acheros habang pinipilit hawakan ang aking kamay na pilit ko namang tinatago.

"Fine. May meeting tapos babalikan na sana kita kaso lang gusto ni Dad na kumain kami ng sabay at alam ko naman na hindi ka pa handang makipagkita ulit sa kanila." paliwanag niya sa akin.

Akala ko ba may flight na hahabulin?Baka naman hahabulin nila ang anak nilang nahihibang sa akin?

'Taray!Ang hangin masyado self!'

"Okay."

Hindi na siya nag-abalang kulitin ako kaya mas lalo akong nainis sa kanya. Talaga bang susuko na siya kaagad? Kung alam niya lang talaga!

Hanggang sa bumukas ang elevator ay walang nagsalita sa aming tatlo. Aalis na sana ako ng hawakan ni Acheros ang aking kamay.

"Sabay na tayo."

Akmang maglalakad na sana kami nang pigilan siya ni Cath at basta-bastang hinalikan sa labi. Agad kong nabitawan ang kamay ni Acheros at dali-daling pumasok sa opisina.

"Deianira calm down! Bawal kang magalit, diba? Please, cooperate naman!"

Pinipigilan ko ang sarili kong magalit dahil kapag hinayaan ko ito ay maaari kong mapatay silang dalawa.

"Baby~"

Ipinikit ko ang aking mga mata matapos marinig ang kaniyang boses.

Isipin mo lang Deianira na hindi mo nakita ang pangyayaring iyon. Kaya mo naman sigurong maging tanga kahit ngayon lang.

Biglang nanlaki ang aking mata nang maramdaman ko ang paghawak niya sa akin.

"I'm so sorry. Hindi ko siya napigilan sa plano niya. Promise, walang namamagitan sa amin."

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatayo ng matuwid habang siya ay nanatiling nakayakap sa akin.

"I'm so sorry Nikolette. Ipapangako ko sayong hindi na mauulit iyon."

Pagkatapos niyang magsalita ay agad niya akong iniharap sa kanya kaya bigla akong napakapit sa kanyang dibdib.

"Hindi mo talaga ako kakausapin?"

Iniiwasan kong tingnan siya dahil alam ko sa sarili ko na bibigay ako. Parang unti-unti akong bumabalik sa dating mapagmahal na Deianira at hindi ko iyon gusto.

"Baby~ Baby Nikolette~" malambing na saad niya.

Kahit anong pigil ko sa sarili ko ay hindi ko parin talaga maiwasang hindi mapatingin sa kanya lalo na't naglalambing ito at isang daang taon ko na ring hindi nakikita ang paglalambing niya.

"I need to work sir kaya kung maaari ay pwede bang bitawan ninyo ako?" magalang kong saad pero hindi ko alam kung magalang ba ang dating.

"No! Baka kung saan ka pa magpunta at iwan ako."

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon