Chapter 13

106 48 0
                                    

Third Person's P.O.V

Naunang umuwi si Deianira na agad namang sinundan ni Acheros.

"Mag-ingat ka nga sa pagmamaneho mo Phoenix!" sigaw ni Deianira nang muntik nilang matamaan ang isang sasakyan.

Ngumiti lang si Phoenix dito at hindi pinansin ang sigaw ni Deianira. Hindi alam ni Deianira na sinadya ni Phoenix ang nangyari para ipakita kay Acheros si Deianira at para na rin makasunod ito.

"Bilisin mo na at matutulog kaagad ako!" muling sigaw nito at ipinikit ang mata.

Agad namang sinunod ni Phoenix ang saad ng dalaga kaya mabilis silang dumating sa hotel.

Pagdating nila sa hotel ay agad tinahak ni Deianira ang kanilang kwarto na agad namang sinundan ni Phoenix.
Lingid sa kaalaman ng dalawa na sinusundan sila ni Acheros ngunit naputol ang pagsunod nito nang makitang sabay na pumasok si Deianira at si Phoenix at pagkatapos ay hinalikan ni Phoenix ang kamay ni Deianira.

Agad na nagtanong si Acheros sa front desk kung magkasama ba ang dalawa sa iisang kwarto. Labis na nanlumo si Acheros matapos marinig ang sinabi ng nasa front desk.

"Yes sir, actually they are our VVIP customer"

Hindi na nagawang magtanong pa ni Acheros dahil pakiramdam niya ay natalo siya sa isang paligsahan na kung saan si Deianira ang premyo.

Blangko ang mukha ni Acheros habang tinatahak ang restaurant ng hotel kung saan gaganapin ang dinner.

Sa kabilang dako naman ay ang natatarantang Deianira.

"Sabihin mo kaya kay Acheros na may sakit ako?" saad ni Deianira na parang nag-iisip pa ng ibang palusot.

"Tapos?" walang ganang tanong ni Phoenix.

"Tapos hindi nila ako makikita. Tapos ang problema! " masiglang saad ni Deianira.

Naging seryoso ang mukha ni Phoenix bago tinignan si Deianira.

"Akala ko ba gusto mo siyang patayin?" tanong ni Phoenix.

"Oo naman!"

"Bakit hindi mo gamitin ang pagkakataong ito upang maisagawa ang plano mo?" tanong ni Phoenix na naging dahilan upang mapaisip si Deianira.

"Maraming tao dun at dahil ako ang bago sa grupo eh malamang ako ang agad na maiisip nilang pumatay kay Acheros." paliwanag ni Deianira.

Umiling si Phoenix sa kanya bago ito lumapit at tumabi sa kanya.

"Para saan pa at may kapangyarihan ka? Isipin mo Deianira ha. Hindi basta-basta lumalabas yang si Acheros kaya mahihirapan ka lang kumuha ng bagong pagkakataon,  kaya habang umaayon ang panahon, gawin mo na ang dapat mong gawin.  " saad ni Phoenix sabay kontrol sa pag-iisip ni Deianira.

"Bakit ka ba nagmamadali?" tanong ni Deianira na tila naiinis sa pamimilit ni Phoenix.

"Ako pa ngayon ang nagmamadali? Sino ba sa ating dalawa ang nagmamadaling sundan si Acheros upang maisagawa ang plano?" balik na tanong ni Phoenix at tila bumalik sa isipan ni Deianira ang kanyang mga ginawa.

Tumayo si Phoenix at mahinang naglakad papalayo kay Deianira upang ipakita kay Deianira na naiinis siya dito. Hindi naman naging mahirap kay Phoenix ang gawin ito lalo na't hindi siya kayang tiisin ni Deianira.

"Hoy Flynn bumalik ka dito!" sigaw ni Deianira pero hindi niya ito sinunod.

Nainis si Deianira kaya naglabas siya ng mga baging upang buhatin si Phoenix pabalik sa dati nitong pwesto.

"Ano bang plano mo?" tanong ni Deianira pagkalapag kay Phoenix. Agad namang umaliwalas ang mukha ni Phoenix sa narinig.

'Ang galing ko talaga!' sigaw ni Phoenix sa kanyang isipan.

"Ang isagawa ang plano mo" kaswal na sagot ni Phoenix na naging dahilan upang kumunot ang noo ni Deianira.

"Seryoso ako Flynn. So, ano nga?" saad ni Deianira at pilit pinapakalma ang sarili.

"Plano ko? Wala naman akong plano eh. Alam mo na hindi ko ugaling magplano. Lahat naman ay ginagawa ko agad kapag naisipan kong gawin." balewalang sagot ni Phoenix kay Deianira.

"So, pupunta ako dun at pagkatapos ay papatayin ko siya. Tama ba?" naguguluhang tanong ni Deianira at tumango naman si Phoenix.

Tumayo si Deianira at naglakad papunta si pintuan. Bago niya ito mabuksan ay nag-iwan si Phoenix ng babala sa kanya.

"Huwag mong kakalimutan na dapat walang makakaalam na magkasama kayo upang hindi ka magkaroon ng gusot." paalala ni Phoenix sa kanya.

Paglabas ni Deianira ay agad itong naglakad papunta sa restaurant at eksakto namang nakita siya ni Tavarious.

"Deia!" sigaw ni Tavarious na naging dahilan upang mapalingon si Deianira.

"Sabay na tayo" dagdag nito nang makalapit kay Deianira.

Hindi na siya nag-abalang magsalita lalo na't may iniisip siya. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit siya nakumbinsi ni Phoenix.

"Saan ka pala dumaan? Hindi kasi kita nakita kanina sa main entrance"  saad ni Tavarious.

"Kanina pa ako dito at nakitambay lang ako sa kaibigan ko." sagot niya dito at bumalik na naman sa pag-iisip.

Hindi namalayan ni Deianira na nasa tapat na pala sila ng pinto ng restaurant. Bumalik lang siya sa wisyo nang hawakan ni Tavarious ang kamay niya upang siya ay makapasok.

Pagpasok nila sa loob ay walang makikitang tao na hindi kabilang sa kompanya. Sadyang binayaran ni Acheros ang buong lugar upang pasiyahin ang kanyang mga empleyado.

"Deia, kain lang ako ha. Enjoy yourself." paalam ni Tavarious sa kanya na hindi niya nagawang sagutin dahil sa pagkamangha niya sa nakikita.

Binusog muna ni Deianira ang kanyang mata at pagkatapos ay pinuntahan niya ang nakahilerang pagkain. Lalong nalula si Deianira sa kanyang nakita dahil lahat ng nakahain ay mga paborito niya.

"Try this food ma'am" masayang saad ng caterer sa kanya. Agad siyang kumuha ng chocolate and strawberry crumble.

Napangiti si Deianira ng malasahan ang cookie nito. May cookie base kasi ang crumble na pinatungan ng chocolate bowl na nagsisilbing bowl ng ice cream na pinatungan ng pinatigas na chocolate syrup kaya masarap itong kainin.

Pagkatapos kumain ni Deianira ay napagdesisyunan niyang pumunta sa rooftop na agad namang sinundan ni Acheros.

Kanina pa ito nakatingin sa bawat kilos niya na tila naghihintay ng tamang oras upang masolo ang babae.

Pagdating ni Deianira sa rooftop ay naglabas siya ng mga alitaptap na nagsisilbing ilaw sa kanya.

Hindi naramdaman ni Deianira ang paglapit ni Acheros sa kanya at napansin niya lang ang binata ng magsalita ito.

"Pumasok kana sa loob at baka lamigin kapa."

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon