Chapter 28

43 9 0
                                    

Deianira's P.O.V

"Samahan mo'ko sa meeting ko ngayon. I'll wait for you in the car."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at tumambad sa akin ang papalayong Acheros. Talagang hindi man lang niya ako hinintay. Hindi talaga siya ang dating Acheros na nakilala ko. Napakawalang modo ng lalaking 'to!

Binilisan ko na lang ang lakad ko upang maunahan siya sa sasakyan pero nang magkapantay na kami ng pwesto ay hinawakan niya ang braso ko at dahan-dahang pinadausdos papunta sa aking kamay.

Hindi ganito makipagholding hands si Sky!!!

"Stop thinking of any romantic thoughts. Mabagal kang maglakad kaya dapat kitang hilahin."

Binigyan ko ito ng nanunuring tingin pero hindi niya ito pinansin at agad na tumalikod sa akin at walang pasabing hinila ako.

Palusot ka pa Acheros. Alam ko namang hindi mo matitiis ang ganda ko.

Napangisi ako sa naiisip kong ideya. Baka isipin niyang napakarupok ko sa kaniya. Dapat niyang malaman na hindi ako madaling suyuin!

Nagpalabas ako ng mahinang boltahe sa aking kamay na hawak niya, sapat lang upang mabitawan niya ang kamay ko.

Kunot noo siyang napalingon sa akin na tila nagdadalawang isip kong magtatanong sa akin o hindi.

"Akala ko pa naman po napakaimportante ng meeting ninyo ngayon sir. Hindi ko naman alam na may oras ka pa po palang huminto." nakangiting saad ko dito.

Binigyan niya ako ng naiiritang tingin bago nagpatuloy sa paglalakad. Naging mas mabilis ang kaniyang paglalakad kumpara kanina kaya mas nauna siyang pumasok sa sasakyan.

Tahimik na lang akong napailing sa kaniyang inasta bago tinakbo ang natitirang pagitan namin ng kotse.

Pagdating sa kotse ay agad kong binuksan ang passenger seat pero hindi ko talaga ito mabuksan. Hindi naman ako pwedeng gumamit ng kapangyarihan lalo na't magtataka sila kung paano ko ito nabuksan ng walang kahirap-hirap.

AKO TALAGA ANG HINAHAMON MO HA!

Nilapitan ko ang pintuan sa likod at hinampas ito ng malakas. Naalarma ang ibang tao, pati na rin ang ibang security guard pero hindi sila nagtangkang umawat sa'kin.

Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa hanggang sa lumabas si Acheros sa sasakyan na sana ay hindi niya na lang ginawa dahil talagang nakakahiya ang ikinilos niya.

Tumingin muna ito sa'kin na may halong ngisi bago humarap sa mga taong nanunuod at yumuko. Ilang sandali pa ay umayos ito ng tayo at naging seryoso.

"Please don't mind my fiance and enter the company silently. Let's all work hard!" saad nito at lumapit sa akin.

Aatras na sana ako ng buksan niya ang pintuan sa likuran at ipinasok ako at pagkatapos ay nagnakaw ng halik.

Sasampalin ko na sana ito nang bigla niyang isinarado ang pinto.

Kapag nalaman 'to ng pamilya ko, talagang pagtatawanan nila ang katangahan ko.

"Huwag kang mag-alala, aalagaan kita ngayon kaya smile my Nikolette."

Napalingon ako dito at binigyan siya ng masamang tingin pero ngumiti lang siya sa'kin.

Hindi ko siya pinansin buong biyahe at itinuon ko ang atensiyon sa mga nadadaanan namin pero naputol iyon ng may maramdaman akong basa sa aking braso.

Nagpalinga-linga ako upang siguraduhin na sa akin talaga nanggaling ang tubig dahil hindi naman ako basta-bastang umiiyak nang walang dahilan at isa pa, hindi ako pwedeng malungkot dahil magdudulot lamang iyon ng problema sa palasyo.

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon