Chapter 24

51 17 1
                                    

Third Person's P.O.V

Habang umiiyak si Deianira ay nakatingin sa kanya si Acheros. Hindi maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ni Acheros habang yakap ng iba si Deianira.

Nang makita ni Acheros na paalis na ang dalawa ay agad niya itong sinundan upang kunin si Deianira sa lalaking kasama nito.

"Ako ang nagdala sa kanya dito kaya ako ang mag-uuwi sa kanya sa kompanya." saad ni Acheros habang hawak ang braso ni Deianira na agad kinuha ni Deianira.

"Samahan mo si Cath, Ache." seryosong saad ni Deianira bago hinigit si Drystan papunta sa sasakyan nito.

"Ikaw ang gusto kong makasama Nikolette kaya sa ayaw at sa gusto mo ay sasama ka sa'kin pabalik sa kompanya." striktong saad ni Acheros na agad hinarangan ni Drystan.

"Siya? Ayusin mo kung sino ang sasaktan mo dahil hindi ako magdadalawang isip na baguhin ang kaarawan mo." banta ni Drystan kay Acheros at pagkatapos ay hinigit si Deianira papunta sa kotse at tuluyang nagmaneho papalayo.

Naiwang nakatulala si Acheros habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. Nabalik siya sa kanyang wisyo nang may humawak sa kanyang braso.

"I think we need to go na. Late na tayo sa work natin Dark." maarteng saad ni Cath na agad sinamaan ng tingin ni Acheros.

"Sa oras na hindi ako patawarin ni Nikolette, ikaw ang sisirain ko." banta ni Acheros kay Cath bago pumasok sa sasakyan.

Hindi ito pinansin ni Cath at dali-daling sinundan si Acheros. Hindi na rin siya pinansin ni Acheros at tahimik na nagmaneho pabalik sa kompanya.
Puno ng selos ang puso ni Acheros pero dapat niya itong isantabi upang makapagpaliwanag siya ng maayos kay Deianira.

Walang kaalam-alam si Acheros na nasa likod ang sasakyan nina Drystan at Deianira. Sinadyang paunahin ni Drystan ang dalawa upang ipakita kay Deianira kung ano ang gagawin niya.

Isang malalas na kulog ang pinakawalan ni Drystan at pagkatapos ay pinalakas ang aircon ng sasakyan ni Acheros upang lamigin sila.

"Anong ginagawa mo?" kunot noong tanong ni Deianira habang nakatingin sa sasakyan ni Acheros.

"Wala naman." saad ni Drystan sa pinsan.

Sa mga sandaling iyon, nakalimutan ni Drystan ang bilin sa kaniya ng kanilang angkan na hindi dapat ipakita kay Deianira ang kaniyang kapangyariyan lalo na't may kapangyarihan si Deianira na kopyahin ang lakas at abilidad ng kahit sino at itinuturing na pangalawa si Drystan sa pinakamalakas sa kanilang angkan.

"Gotcha!" nakangiting saad ni Deianira habang inaaral ng mabuti ang kapangyarihan ni Drystan.

Pagdating nila sa harap ng kompanya ay agad na bumaba ang lahat mula sa kotse. Seryosong nakatingin si Drystan kay Acheros na nakatingin naman kay Deianira. Naputol lang ang pagtingin ni Drystan nang biglang dumaing si Cath dahil sa malakas na hangin.

Napatingin si Drystan kay Deianira at doon niya napagtanto ang ginawa niya. Nilapitan niya ang pinsan upang pakalmahin at upang ipaalala dito na maraming tao ang nakatingin sa kanila.

"Pumasok kana sa loob theá tou pónou." seryosong utos ni Drystan dito na agad namang sinunod ni Deianira.

Hindi katagalan ay sumunod na rin si Cath na malapit ng umiyak dahil sa kahihiyang natamo. Pagkaalis ni Cath ay nilapitan ni Drystan si Acheros gamit ang nakakatakot na mukha.

"Hindi ko alam kung bakit nababaliw sa iyo ang pinsan ko. Halata namang wala ka sa kalingkingan ng mga lalaking nababagay sa kanya."

Hindi nagsalita si Acheros dahil napagtanto niyang hindi siya karapat-dapat sa babaeng mahal niya.

"Pero wala naman akong magagawa sa nararamdaman niya." saad ni Drystan bago lumapit pa ng husto kay Acheros upang bumulong. "Take good care of my cousin or else, I'll change your birthday." bulong ni Drystan at pagkatapos ay binigyan ng kuryente ang katawan ni Acheros bago sumakay sa kotse at umalis.

Hindi na rin nag-aksaya ng oras si Acheros at agad na tinahak ang daan papunta sa kanyang opisina upang makausap si Deianira.

Pagpasok niya sa opisina ay nagulat siya dahil walang anino ng isang Deianira. Walang kaalam-alam si Acheros na nagtatago lang si Deianira sa pamamagitan ng pagiging invisible nito at panay ang iyak habang nakatingin sa kaniya.

"Nikolette, bumalik kana please." malungkot na saad ni Acheros bago umalis sa loob ng opisina.

Pagkaalis ni Acheros ay mas lalong lumakas ang iyak ni Deianira.

"K-kung s-sana ay pinatawad na k-kita dati edi sana h-hindi kita u-ulit n-n-nakita." malungkot na saad ni Deianira habang sinusubukang patahanin ang sarili.

Sa pag-iyak ni Deianira, sumasabay ang kidlat at ang langit ay nababalot ng maiitim na ulap. Nakikisama ang langit sa kaniyang hinanakit na kahit anong gawin ni Drystan upang ito'y mawala ay hindi niya kaya.

"Don't cry Deia."

Napalingon si Deianira sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang nakangiting Phoenix sa kaniya.

"Walang sino man ang pwedeng magpaiyak sa'yo tandaan mo yan." pagpapagaan ni Phoenix dito bago nilapitan at niyakap.

"I-I wan't to go home Flynn. Pagod na akong masaktan sa m-mundo nila." naiiyak na saad ni Deianira habang yakap ni Phoenix.

"I know baby, I know...pero hindi pa ito ang tamang oras para umuwi tayo. Kailangan mong harapin ang problemang ito." nasasaktang saad ni Phoenix.

"Flynn, natatakot a-akong m-mahalin siya ulit. H-hindi ko gugustuhing b-bumalik sa d-dating a-ako."

Sa bawat pag-iyak ni Deianira ay mas lalong nasasaktan si Phoenix pero hindi niya kayang iwan ang diyosang umiiyak.

"It's your choice Deia. Ikaw ang gagawa ng paraan upang maiwasan ang mahalin siya ulit." seryosong saad ni Acheros habang pinipilit itago ang sakit na iniinda.

"Kung s-sana hindi siya minahal ko." malungkot na saad ni Deianira bago nakatulog.

Sa pagpikit ni Deianira ay hinaplos ni Phoenix ang kanyang mukha.

"Kung sana ako ang pinili mo Deia." naluluhang saad ni Phoenix bago inayos ang posisyon ni Deianira.

Buong hapon ay hinanap ni Acheros si Deianira pero hindi niya ito nakita kaya napagdesisyunan niyang bumalik sa opisina, nagbabakasakaling bumalik si Deianira.

Gabi na ng siya ay bumalik kaya pauwi  na rin ang mga tao ng kompanya. Hindi ito pinansin ni Acheros at diretsong bumulik sa opisina pero laking gulat niya nang matanaw ang papalayong bulto nito at sa mga oras na iyon ay may napagtanto si Acheros.

"May kapangyarihan ka nga palang magtago." malungkot na saad ni Acheros habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Phoenix.

Napagdesisyunan ni Acheros na umuwi na lang sa kaniyang bahay upang itulog ang problema.

!FLASHBACK START!

Hapon na nang umuwi si Acheros galing sa isang kasiyahan. Sa mga oras na iyon, naisipan niyang magliwaliw sa likod ng kanilang bahay at doon niya nakita ang isang magandang babae.

"Anong pangalan mo?" tanong ni Acheros dito.

"I'm Deianira and I'm not interested." supladang saad ng babae bago tuluyang pumasok sa kanilang bahay.

Napangiti si Acheros sa pagiging suplada nito at pagkatapos ng araw na iyon, palagi ng nanatili sa bahay si Acheros upang abangan ang paglabas ng babaeng si Deianira sa kanilang bahay upang ayain itong kumain sa labas.

Hindi nagtagal ay nakabisado ni Acheros ang mga gustong pagkain ng dalaga at doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan.



Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon