Chapter 11

124 63 3
                                    

Third Person's P.O.V

Maagang inihatid ni Phoenix si Deianira upang makapag-isip ito ng tama. Gusto kasing iparating ni Phoenix kay Deianira na may nararamdaman pa ito kay Acheros.

Pagbaba ni Deianira sa kotse ay taas noo siyang naglakad papasok sa entrance. Lahat ng tao ay nakamasid sa bawat kilos niya. Naging dahilan ito upang mas lalong tumaas ang tingin niya sa kanyang sarili.Pagpasok niya ay ang eksaktong pagdating din ni Acheros at Tavarious. Ang dalawang binata ay seryosong nakatingin sa kanya.

Inihinto ni Deianira ang takbo ng oras at agad bumaling kay Acheros pero laking gulat niya nang makitang gumagalawa parin si Acheros. Walang nagawa si Deianira kundi ibalik sa dati ang lahat dahil sa takot na baka ay magduda sa kanya si Acheros.

"Ano pang hinihintay mo diyan?"

Agad na napatingin si Deianira sa kanyang kanan at agad na tumango kay Tavarious.

"Bilisan na natin at may ipapagawa ako sayo"  saad ni Tavarious at sabay silang naglakad ni Deianira papunta sa elevator.

Bago sumara ang elevator ay nahagip niya ang seryosong tingin ni Acheros sa kanya. Isinantabi niya na lang iyon dahil sa tuwing naiisip niya si Acheros ay umiiral ang pagiging masama niya.

Pagpasok nila sa loob ng opisina ay agad na umupo si Deianira sa kanyang pwesto. Napailing na lang si Tavarious habang umuupo sa upuan para sa mga kliyente.

"Anong gagawin ko?" agad na tanong ni Deianira.

"May alam ka bang gawin?" nagdududang tanong ni Tavarious.

"Syempre naman! Kaya ko atang gawin ang lahat!" masiglang saad ni Deianira na ikinangiwi ni Tavarious. Wala kasing tiwala si Tavarious sa sinabi nito lalo na't palagi lang naman itong nakatutok sa cellphone.

"Sure ka ba talaga sa pinasok mo?" tanong ni Tavarious.

"Duda ka parin sakin? Bigyan mo na lang kaya ako ng gagawin upang matapos na 'to" diretsong sagot ni Deianira.

Duda man ay walang nagawa si Tavarious kundi bigyan ito ng trabaho. Napiling ibigay ni Tavarious ang pinakasimpleng trabaho, ang pag-eencode.

"Ito na ba lahat?" tanong ni Deianira habang nakatingin sa makapal na papel.

"Sa ngayon ay yan muna. Siguro matatapos ka niyan mamayang hapon kaya bukas na ang iba." kaswal na sagot ni Tavarious at itinutok ang atensyon sa laptop.

"Ikaw bahala, pero nais ko lang sabihin sayo na matatapos ko kaagad ito." saad ni Deianira habang nakangisi.

Hindi ito pinansin ni Tavarious at tahimik na nakatutok sa ginagawa.

Ginamit ni Deianira ang kanyang matalas na memorya at binasa ang lahat na nakasulat sa papel. Hindi naman siya nahirapan dahil mas makapal pa sa papel na hawak niya ang kanya binabasa sa kanila.

Ilang minuto pa ay natapos ni Deianira ang kanyang ginagawa pero hindi niya gustong ipaalam ito ni Tavarious dahil inaantok na siya. Isa kasi sa kabayaran ng paggamit ng kanyang isipan ay ang mahimbing na pagkakatulog. Maingat na itinungo ni Deianira ang kanyang ulo sa lamesa na eksaktong hindi siya makikita ni Tavarious.

Habang natutulog si Deianira ay panay naman ang pagmumura ni Tavarious. May hinahanap kasi siyang file pero hindi niya makita kung saan inilagay ng staff.

"Deianira, pwede bang pumunta ka sa second floor at tanongin mo yung staff na naka assign sa meeting kahapon?" tanong ni Tavarious habang nakatuon parin ang atensyon sa laptop.

Ilang sandali ang lumipas pero hindi parin sumasagot si Deianira kaya napatingin si Tavarious dito at tsaka niya nilapitan.

"Deia---" napatampal si Tavarious sa kanyang noo nang makitang natutulog pala si Deianira.

Tumabi siya dito at tinignan ang computer kong tapos na ba ito. Laking gulat niya nang makitang tapos na ito at detailed pa lahat. Napangiti si Tavarious habang pinapatay ang computer.

Tinignan ni Tavarious ang kanyang relo at nang makitang tangahali na ay napagdesisyunan niyang gisingin si Deianira.

Maingat niya itong tinapik bago nagsalita. "Deia, gising na. Kain na tayo" puno ng lambing ang boses ni Tavarious.

Napamulat si Deianira sa kanyang mata at matamlay na tinignan si Tavarious.

"Bakit?" tanong nito kay Tavarious.

"Kain na tayo sa labas. Bilisan mo ang pag-aayos." saad ni Tavarious at agad na lumapit sa sariling gamit.

May iba kasing nararamdaman si Tavarious at nahihiya siyang malaman ito ni Deianira.

Tahimik namang nag-aayos si Deianira at nang matapos na ito ay agad itong lumapit kay Tavarious na may ngiti sa labi. Tahimik silang dalawa habang tinatahak ang daan papunta sa restaurant.

Masaya na sana si Deianira pero nawala iyon nang makita niya si Acheros at Catherine na masayang nagkukwentuhan. Makikita sa mga  mata ng dalawa ang pagmamahalan kaya agad na nandilim ang paningin ni Deianira.

"Upo ka muna doon at ako na ang mag-oorder" saad ni Tavarious habang itinuturo ang bakanteng lamesa. Isang tango lang ang isinukli ni Deianira bago pumunta sa bakanteng lamesa.

Pagkaupo ay seryoso niyang tinignan si Acheros. Napansin ni Deianira ang kape sa tabi nito kaya agad siyang nakaisip ng masamang plano. May sinabi si Deianira at agad na ipinatangay ng hangin.

"Kain na tayo!" napabalik sa ulirat si Deianira nang marinig ang boses ni Tavarious.

Ngumiti siya dito bago tahimik na kumain. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa gawi nina Acheros upang tignan kung nainom ba nito ang tubig.

"Kumain ka kaya ng maayos?" napatingin siya kay Tavarious na nakakunot noo sa kanya.

"Syempre naman. Sige kain lang" saad niya kay Tavarious at pagkatapos ay tinignan ulit si Acheros.

Napangiti si Deianira matapos makitang kinuha ni Acheros ang baso at akmang iinom na nang pigilan ito ni Catherine at may ibinulong na naging dahilan upang mapatingin ito sa kanya.

Agad naman niyang ibinaling ang atensyon sa kanyang pagkain. Ilang minuto pa at may aninong lumapit sa kanya at sa kanyang tantya ay si Acheros ito.

"Bumalik ka kaagad sa office Tavarious." saad nito.

Si Tavarious ang kausap nito pero pakiramdam niya ang siya ang dahilan ng paglapit nito.

"I will" simpleng saad ni Tavarious.

"Huwag kang magpapakasaya sa date mo Tavarious. Work is work kaya unahin mo ang trabaho" saad ni Acheros kaya napatingin siya dito na eksaktong nakatingin din pala sa kanya.

"Huwag mong sirain ang lunch namin ni Deianira, Ache. May Catherine kana kaya bumalik kana sa office. Diba Deia?" saad ni Tavarious kaya napatingin siya dito at agad na napatango.

"See you in the office Tavarious and also Ms. Nikolette" saad ni Acheros bago umalis.

Lutang si Deianira sa kanyang narinig. May parte sa kanyang katawan ang natutuwa dahil tinawag siya nito sa pangalang gusto niyo pero may parte din sa kanya ang naiinis dahil hindi niya nagawa ang dapat niyang gawin.

"Bakit ka nakasimangot?" tanong ni Tavarious nang mapansing malungkot si Deianira.

"1st attempt failed"

---------------------------------

I just want to say thank you sa mga nagbabasa at patuloy na sumusuporta sa story na ito. Sa mga silent readers dyan baka naman mag send kayo ng emoji.

GOOD DAY AND TAKE CARE ALWAYS MY VANILLA!!

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon