<3 DAYS AFTER>
Third Person's P.O.V
Tatlong araw ang lumipas pero hindi pa rin nagpaparamdam si Acheros kay Deianira. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay palaging galit ang dalaga na halos araw-araw ay biglang uulan ng malakas o 'di kaya ay biglang magkakaroon ng malalakas na kulog na naging dahilan upang mangamba ang mga tao. Iniisip ng mga tao na baka katapusan na ng mundo dahil kahit ang mga weather forecaster ay hindi kayang basahin ang takbo ng panahon.
Sinubukan siyang pagsabihan nina Phoenix at Drystan pero mas lalo lamang itong lumala. Umabot na sa tahanan ng mga Diyos at Diyosa ang ginawang pinsala ni Deianira kung kaya't binalak ng mga nakakataas na pabalikin si Deianira sa palasyo upang parusahan pero hindi ito natuloy dahil inako ni Phoenix ang lahat kapalit ng isang pangakong kalayaan.
Walang nagawa ang mga nakakataas kung hindi ang pabayaan si Deianira dahil sa usapan nila ni Phoenix. Inutusan lamang si Phoenix na mas bantayan si Deianira upang hindi ito makagawa mg mas malalang pinsala sa mga tao.
Agad na pumayag si Phoenix dito at bumalik sa mundo ng mga tao kung saan naglalagi si Deianira.
Umaga na nang makabalik si Phoenix sa mundo ng mga tao at bigla siyang kinabahan nang hindi niya makita ang diyosa kaya pinuntahan niya ang kompanya ni Acheros.
Itinago ni Phoenix ang kaniyang sarili sa lahat at tahimik na hinanap ang diyosa na kasalukuyang nagtatrabaho.
"Miss Deianira ako na po diyan." suhestisyon ng kaniyang kasamahan.
"Huwag na. Wala naman akong magawa sa loob kaya tutulong na lang ako sa inyo." nakangiting saad ni Deianira dito habang ipinagpatuloy ang ginagawang pagpprint.
"Kaya nga po eh. Wala na po kayong trabaho kaya dapat po kayong magpahinga. Alam naman po naming lahat kung gaano karami ang mga papeles na kailangan niyong basahin lalo na't wala si sir." nag-aalalang saad ng kaniyang kasamahan.
"Ayos lang talaga ako dito. Pabayaan mo na lang ako at tapusin mo na ang ibang nakaatas sa iyo."
Tumango ang empleyado bago iniwan si Deianira. Maayos lang sana ang naging takbo ng trabaho ni Deianira nang aksidente niyang marinig ang usapan ng dalawang babaeng empleyado.
"Narinig ko sa HR kanina na malapit na raw ikasala sina Miss Cath at Sir Acheros."
"May relasyon ba sila? Hindi naman ata si Miss Cath ang makakatuluyan ni sir."
"Gaga! Wala namang ibang Cath sa kompanyang ito at isa pa, pareho silang mayaman kaya hindi na iyon nakapagtataka."
"Bahala ka pero ako, hindi ako boto sa kanilang dalawa."
"Bahala ka rin kasi kahit hindi ka boto sa kanilang dalawa, sila pa rin ang magkakatuluyan."
Sa inis ni Deianira ay pinalipad niya lahat ng mga papel sa loob ng opisinang iyon na naging dahilan upang magsigawan ang lahat ng tao kaya dali-daling nilapitan ni Phoenix si Deianira at agad itong niyakap ng mahigpit.
"Dark loves you my lady. Huwag mo sanang isipin ang simpleng usapan ng mga tao."
Mabuti na lang at natauhan si Deianira sa bulong ni Phoenix kaya binawi niya ang kapangyarihang inilabas.
BINABASA MO ANG
Coquettish Nonpareil
FantasyAcheros is the reincarnation of the Goddess first love 100 years ago na nagbigay sa kaniya ng hindi malilimutang sakit at pighati na naging dahilan upang ipadala siya ng kaniyang ama sa mundo ng mga tao para makalimutan ang sakit. Maayos na sana ang...