Chapter 14

83 40 0
                                    

Pagkarinig ni Deianira sa boses ay agad na lumakas ang ihip ng hangin. May kung anong tumutulak sa kanya upang patayin si Acheros pero mabuti na lang at naalala niya ang bilin ni Phoenix.

'Huwag mong kakalimutan na dapat walang makakaalam na magkasama kayo upang hindi ka magkaroon ng gusot.'

Napalingon si Deianira dito at agad niya itong binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Bakit ka pala nandito?" panimula ni Acheros at pagkatapos ay tumabi sa kanya.

Ibinalik ni Deianira ang paningin sa kalangitan bago siya sumagot.

"Bawal pala ako sa dinner na ito. Aalis din naman ako agad." saad ni Deianira gamit ang mapait na boses.

Napatingin si Acheros dito habang nanatiling nakatingin si Deianira sa kalangitan.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin. Bakit ka nagpapalamig?" tanong ni Acheros gamit ang mahinahong boses.

"Nagpapahangin lang naman. Ikaw ba?"

Saglit na napatingin si Acheros kay Deianira bago ito sumagot.

"I just want to watch my star" saad ni Acheros na naging dahilan upang mapatingin si Deianira sa kanya na may nagtatakang mukha.

"You can't own a star"

Biglang nanlaki ang mata ni Deianira sa susunod na ginawa ni Acheros.
Hinawakan ni Acheros ang bewang niya bago siya iniharap at tinignan ng seryoso.

"You are my star"

Isang halik ang dumapo kay Deianira na agad naman niyang sinuklian ng sampal. Napangiwi si Acheros pero hindi niya ipinahalatang nasaktan siya sa sampal.

"How dare you!" sasampalin na sana ulit ni Deianira si Acheros nang bigla nitong hawakan ang dalawa niyang kamay at pagkatapos ay siniil siya ng halik.

Sa una ay nagpupumiglas si Deianira pero nakaramdam siya ng labis na pangungulila na naging dahilan upang siya ay mapapikit.

Ilang minuto pa ang lumipas bago pinakawalan ni Acheros si Deianira at pagkatapos ay tumingin sa kalangitan.

"Hindi ako bastos" pagtatanggol ni Acheros sa kanyang sarili kahit hindi naman nagsasalita si Deianira.

"I just want you to feel my love, Nikolette" saad ni Acheros.

Ilang minuto ang hinintay ni Acheros para makarinig ng sagot pero wala siyang nakuha. Napatingin siya sa dalaga at nakita niyang nakatulala parin ito kaya naisipan ni Acheros na halikan ulit ito at sa ikatlong pagkakataon ay si Deianira na ang humawak sa kanyang ulo. Nagulat si Acheros sa ginawa ni Deianira pero kalaunan ay nagpaubaya siya sa dalaga.

Tumigil lang silang dalawa dahil sa biglaang tunog ng restaurant. Agad na tumalikod si Deianira habang si Acheros naman ay nakangiti habang nakatingin sa kanya.

Dahan-dahang lumapit si Acheros sa kanya at niyakap siya galing sa likod.

"Shy?"

Tumango si Deianira dito at pilit na itinatago ang namumulang mukha.

"Don't be. Alam ko naman na medyo wild ka kaya ayos lang yun." saad ni Acheros na naging dahilan upang masuntok siya ni Deianira sa dibdib.

Mahinang hinaplos ni Acheros ang kanyang dibdib bago binalingan ang dalaga.

"Masaya ka ba kapag nasasaktan ako?" pabirong tanong ni Acheros na naging dahilan upang mag-iba ang timpla ni Deianira.

"Ayusin mo ang pananalita mo Acheros." madiing saad ni Deianira.

"Nagtatanong lang naman ako. Bakit ba palagi mo akong sinasaktan? Masaya ka ba?"

Biglang lumakas ang hangin at ang kalangitan ay napalitan ng makakapal na ulap.

"Palagi ba kitang sinasaktan? Sa tingin mo ba, tama ang mga sinasabi mo?" saad ni Deianira at pagkatapos ay biglang ngumisi ng nakakatakot.

Hindi maipaliwanag ni Acheros ang kanyang nararamdaman. May parte sa kanya ang gustong yakapin si Deianira at pakalmahin ngunit may parte din sa kanyang sarili ang gustong umalis dahil sa takot.

"I'm sorry" tangging saad ni Acheros pero hindi parin kumakalma si Deianira.

"Sa tingin mo ba, sapat ang sorry mo? Gusto mo bang iparanas ko sayo ngayon ang tunay na sakit? I'll give you a wonderful night, baby" saad ni Deianira at pagkatapos ay naglakad papalapit kay Acheros.

"Galit ka ba?" tanong ni Acheros habang umaatras.

"I'm not mad. I'm hot!" pagkatapos ay sinakop ang pagitan nila ni Acheros at siniil ng halik ang lalaki. Hindi makapaniwala si Acheros sa ginawa nito kaya nakabukas lang ang mga mata niya.

Pipikit na sana si Acheros ng maramdaman niyang may kung anong pumupulupot sa kanyang kamay at nang ihihiwalay na ni Acheros ang kanyang labi ay agad na hinawakan ni Deianira ang kanyang mukha bago ngumiti ng nakakatakot.

"Masakit ba?"

Naguguluhan si Acheros sa inaasta ng babae pero hindi parin nababawasan ang nararamdaman niya dito.

"Kung sasaktan mo lang din naman ako, sana sa kwarto na lang. Hahayaan kita kahit abutin tayo ng umaga."

Ngumisi si Deianira at pagkatapos ay sinuri ang mukha niya.

"So sweet naman Ache pero nah I don't want to be with you. Mas gugustuhin ko pa si Phoenix kaysa sayo."

Sa sinabing iyon ni Deianira ay biglang nag-iba ang itsura ni Acheros. Napalitan ito ng seryosong mukha na kahit anong oras ay maaaring pumatay.

"Try mentioning his name and I'll impregnate you." banta ni Acheros sabay wasak ng mga nakapulupot sa kamay niya.

"Hindi mo gugustuhing makita ang masamang ako Nikolette." saad niya bago umupo sa railings.

"Bakit ba ang oa mo? Pinapaalala ko lang po na walang tayo kaya huwag kang feeling na pagmamay-ari mo'ko!" sigaw ni Deianira sa kanya.

Napangiti naman si Acheros sa inasta nito.

"Hindi pa ba? So, anong tawag mo sa ginawa mo?"

"Gustong-gusto kitang patayin ngayon Acheros kaya huwag mo akong sampulan"

Pilit na pinapakalma ni Deianira ang sarili dahil hindi niya alam kung maaabutan pa ba ng umaga si Acheros.

"Patayin mo'ko kung yun ang gusto mo pero sa isang kondisyon."

Agad na napatingin si Deianira dito na tila hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Carry my child."

Agad na sinugod ni Deianira si Acheros at pilit na itinutulak ito upang mahulog.

Labis na nagtataka si Deianira dahil kahit anong lakas ang gawin niyang pagtulak ay nakaupo parin ito. Hindi mahahalata sa mukha nito ang takot at sa halip ay makikita sa mukha nito ang saya.

Nasa ganun silang posisyon ng biglang bumukas ang pintuan.

"Anong---"

Agad na lumayo si Deianira dito at  inayos ang sarili.

"Aalis na ako at baka mapatay kita" saad ni Deianira at nang eksaktong pagtalikod nito kay Acheros ay hinawakan ni Acheros ang kamay nito at binigyan ng halik.

"Goodnight Nikolette. Patayin mo'ko ha"

Hindi na sumagot si Deianira at sa halip ay nagmamadali itong umalis.

Habang paalis si Deianira ay nakasunod ang mata ni Cath sa kanya. Mahahalata sa mata nito ang disgusto at pagkainis.

Lingid sa kaalaman nilang tatlo na may isang pares pa ng mga mata ang kanina pa nanunuod sa kanila at habang nanunuod ito ay unti-unti rin itong nanghihina.

"How can I confess, if my friend loves you.....



my lady."

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon