Third Person's P.O.V
Tahimik na bumalik sina Tavarious at Deianira sa opisina. Hindi na nagawang magtanong ni Tavarious kung ano ang ibig sabihin ng kanyany sinabi dahil bigla itong lumabas. Ramdam na ramdam ni Tavarious ang pagkainid ni Deianira at hindi niya alam kung bakit.
"D-Deia? P-Pwe-Pwede bang i-ihatid mo papers office?" dahil sa kaba ay hindi na nakapagsalita ng maayos si Tavarious.
Tumingin si Deianira sa kanya na nakataas ang kilay at parang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
"What?! Nakapag-aral ka ng mabuti tapos mabubulol ka?" masungit na saad ni Deianira kay Tavarious.
Gustong maging masungit ni Deianira dahil gusto niyang maging matapang si Tavarious kapag kaharap siya pero hindi niya alam na mas lalo lang natakot Tavarious sa kanya.
"Don't be scared Tava. Ako lang naman 'to" pagpapagaan ni Deianira kay Tavarious.
"Eh sa nakakatakot ka. I don't know but I'm afraid Deia" saad ni Tavarious.
Naiinis man ay pinigilan ni Deianira ang magalit at sa halip ay ngumiti ito.
"Ano bang utos mo?" mabait ang mukha ni Deianira pero ang tono niya ay galit.
"Galit ka?"
"Hindi ah! Bilisin mo na kasi." saad ni Deianira na may halong pagtitimpi.
"Ihatid mo itong mga papers sa meeting room at gagamitin nila ngayon. Ingatan mo ito dahil dito nakasalalay ang kompanya." kalmadong saad ni Tavarious na sinuklian lang ng ngiti ni Deianira.
Tahimik na naglalakad sa pasilyo si Deianira papunta sa meeting room. Panay ang tingin ng mga empleyado sa kanya. Sinusuri siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. May ibang naiinggit sa kanya habang ang iba naman ay naiinis sa angkin niyang ganda.
Pagkatapat ni Deianira sa meeting room ay agad siyang kumatok sa pintuan. Pinagbuksan naman kaagad siya nito.
"Ito na po pala ang pinapakuha niyo kay Tavarious" saad ni Deianira habang hindi tumitingin kay Acheros.
Katatapos lang ng meeting at ang tanging nasa loob ng meeting room ay si Acheros, Deianira at ang sekretarya ni Acheros. Sinenyasan ni Acheros ang kanyang sekretarya na lumabas para makapag-usap sila ni Deianira. Ngumiti ng nakakaloko ang sekretarya nito bago lumabas.
"Ganyan ka ba makipag-usap sa boss mo?" seryosong tanong ni Acheros.
Tila nagulat si Acheros sa malamig na tingin ni Deianira sa kanya. Parang may kirot siyang naramdaman sa kanyang puso.
"Pasensya na po kayo. Ito na po ang lahat kaya aalis na po ako." magalang na saad ni Deianira at akmang tatalikod na nang hawakan ni Acheros ang kanyang palapulsuhan.
"Bakit?" nagtitimping tanong ni Deianira sa nakatulalang Acheros.
"HOY!" sigaw ni Deianira na naging dahilan upang bumalik sa wisyo si Acheros."Ah, oo nga pala. Sabihin mo kay Tavarious na imbitado ang team niya sa dinner ngayong gabi sa Lux**** Hotel" saad ni Acheros habang hawak parin si Deianira.
Hinigit ni Deianira ang kanyang kamay bago tumalikod.
"Noted po" saad ni Deianira at pagkatapos ay lumabas na."Sh*t! Anong nangyari sayo Dark!" saad ni Acheros habang sinasabunutan ang kanyang sarili.
Hindi niya lubos akalain na magiging ganun kalala ang interaksyon niya sa babae. Hindi kasi siya yung tipo ng lalaki na biglang hahawak sa babae kahit hindi niya ito kakilala.
"Ano ng status niyo sir?" napatingin si Acheros sa kapapasok niyang sekretarya.
"What do you mean?" seryosong tanong niya na pilit na itinatago ang kilig.
"Nakangiti kasi si Ms. Deianira paglabas kaya naisip ko na baka may nangyari dito so ano na nga sir?" halata sa tono nito ang saya.
"Inimbitahan ko sila sa dinner mamaya at pwede ba hindi ko siya gusto." naiinis na saad ni Acheros na naging dahilan upang mas lumaki ang ngiti ng kanyang sekretarya.
"Okay sir pero wala naman akong sinasabi na gusto mo siya diba? Ikaw sir ha, napaghahalataan kana masyado~" kantyaw sa kanya ng kanyang sekretarya pero binalewala niya na lang ito at sa halip ay kinuha ang mga gamit at lumabas.
Hindi napansin ni Acheros na tinatahak niya na pala ang daan papunta sa opisina ni Tavarious. Nagulat na lang siya nang biglang may humigit sa kanyang braso at nang lingunin niya ito ay ang sekretarya niya lang pala.
"Sa office niyo po ang punta natin sir. Hindi po sa office ng kaibigan niyo kung saan naglalagi ang crush niyo" bulong nito sa kanya na agad naman niyang sinamaan ng tingin.
Lumayo si Acheros sa pagkakahawak ng kanyang sekretarya at binuksan ang pinto ng opisina ni Acheros. Agad na tinignan ni Acheros ang natutulog na Deianira at parang may tumutulak sa kanya upang haplusin ito.
"May utos kana naman?" tanong ni Tavarious na naging daan upang makaisip siya ng paraan upang mahawakan ang babae.
"Samahan mo ang sekretarya ko sa Lux**** Hotel and please follow up everything kung ayos na ba." seryosong utos ni Acheros.
"Ako na naman palagi~" saad ni Tavarious at umalis.
Pinakiramdaman muna ni Acheros kung nakaalis naba si Tavarious at ang kanyang secretary. Nang maramdaman ni Acheros na wala na ang mga ito ay agad niyang nilapitan ang natutulog na Deianira at pinakatitigan ang maamong mukha nito.
"Sana palaging ganyan ang mukha mo. Ewan ko ba pero natatakot ako kapag galit ka." saad ni Acheros sa kanyang isipan.
Tinignan ni Acheros ang bintana at nang nakita niya na malapit ng gumabi ay dahan-dahan niyang ginising si Deianira.
"Gising na mahal kong Nikolette" saad ni Acheros habang mahinang inaalog si Deianira.
Umungol lang si Deianira at nanatiling nakapikit ang mga mata. Bumuntong hininga muna si Acheros bago muling inalog ito.
"Gising kana. May dinner ang team ngayon." mahinang saad ni Acheros dito at agad namang bumuka ang mata ni Deianira na amy halong gulat.
Hindi alam ni Acheros pero may pangungulila siyang nararamdaman dito.
"A-anong oras na ba?" kinakabahang tanong ni Deianira dahil sa lapit ng mukha ni Acheros sa kanya.
"Almost 6 na and we will be having our dinner tonight kaya umalis na tayo." saad ni Acheros at bahagyang lumayo.
Tumingin si Deianira sa bintana at dali-daling kinuha ang kanyang gamit.
"I need to go. Thank you for waking me up!" sigaw ni Deianira habang palabas ng opisina.
Hindi kaagad nakasunod si Acheros dahil sa nagulat siya sa mabilis na pangyayari. Nang makabalik na siya sa wisyo ay agad niyang sinundan ang babae pero hindi na niya ito nakita kaya nagdesisyon siyang pumunta na lang sa nasabing hotel.
Habang tinatahak niya ang daan papuntang hotel ay biglang may sasakyang tumabi sa kanya kaya napatingin siya dito at laking gulat niya nang makita niya si Deianira sa loob nito pero hindi niya makita kung sino ang nagmamaneho. Sinubukang silipin ni Acheros ang nagmamaneho pero biglang bumilis ang takbo nito kaya wala siyang nagawa kundi sundan ito.
"Gotcha baby!" saad ni Acheros at agad na sinundan ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Coquettish Nonpareil
FantasíaAcheros is the reincarnation of the Goddess first love 100 years ago na nagbigay sa kaniya ng hindi malilimutang sakit at pighati na naging dahilan upang ipadala siya ng kaniyang ama sa mundo ng mga tao para makalimutan ang sakit. Maayos na sana ang...