Chapter 23

51 17 7
                                    

Third Person's P.O.V

Masayang nagkukwentuhan sina Lord Dystan at Lord Phoenix. Mahigit ilang taon rin silang hindi nag-usap ng matino dahil panay ang bangayan nila kapag sila ay nagkikita. Naputol lamang ang kanilang kwentuhan ng pumasok si Deianira sa eksena.

"Lord Drystan?"

Napalingon ang dalawang ginoo sa bagong gising na Deianira. Namangha ang dalawa dahil kahit hindi pa ito nakakapag-ayos ng mabuti ay hindi parin nawawala ang angkin nitong ganda.

"It's me, your cousin. Don't be so formal princess." naaaliw na saad ni Drystan sa pinsan.

Napatango naman si Deianira at pagkatapos ay umupo sa tabi ng kaniyang pinsan.

"Maiwan ko muna kayonh dalawa." paalam ni Phoenix upang mabigyan ng oras ang magpinsan.

Sabay naman silang tumango bago tiningnan ang isa't isa.

"Paano kita naging pinsan?" agad na tanong ni Deianira.

"Anak ako ng kapatid ng nanay mo." kaswal na sagot ni Drystan.

"Alam ko yun! Bakit ngayon lang kita nakita?" naiinis na tanong ni Deianira.

"Magmula ng ako'y isilang, dito na ako sa mundo ng mga tao tumira. Ito ang napiling lugar ng aking mga magulang para aking pamahalaan habang ikaw ay pinaparusahan."

Nagulat si Deianira sa kanyang nalaman.

"Alam mo ang nagawa ko? hehe" kamot-ulong tanong ni Deianira.

"Usap-usapan ang ginawa mo sa buong angkan kaya imposibleng hindi ito umabot sa'kin."

Naputol ang kanilang usapan nang tawagin sila ni Phoenix para kumain. Ibinilin ni Phoenix si Deianira kay Drystan. Nagpaalam din itong may aasikasuhing misyon pero ang totoo ay gustong magpahinga ni Phoenix lalo na't unti-unti na siyang nawawalan ng lakas.

"Maghahatid lang ako ng bata, ibon." birong paalam ni Drystan pero tinawanan lang siya ni Phoenix.

"Bye Flynn! Umuwi ka mamaya ha."

Pagkaalis ng dalawa, hindi napigilan ni Phoenix ang sariling mapadaing sa sakit na kanyang iniinda. Kanina niya pa ito tinatago para lang hindi malaman ni Deianira at para hindi ito mag-alala.

Sa kabilang dako naman ay ang nag-aalalang Deianira. Hindi parin mawala sa kanyang isipan ang nakita sa likod ni Phoenix. May kutob siyang may nangyayaring hindi maganda sa kaibigan pero hindi niya ugaling makealam sa buhay ng iba.

"I'll pick you up later Theá tou pónou." (Goddess of pain.)

Napalingon si Deianira sa pinsang natutuwa sa kanyang reaksiyon. Kung dati ay gusto niyang tinatawag siyang Diyosa ng sakit, ngayon ay naiinis siya lalo na't marami ang natatakot sa kanya at dahil dito ay hindi na siya nagkakaroon ng bagong kaibigan.

"Tawagin mo pa ako sa ganyang palayaw at talagang makakatikim ka sa'kin."

Naisipan ni Drystan ang asarin ang pinsan. Agad na naglabas si Drystan ng isang kumot na gawa sa ulap bilang proteksiyon kay Deianira.

"Malaki ang tiwala sa akin ng iyong mga magulang at ipinagbabawal sa ating angkan ang magkaroon ng relasyon sa kaparehong pamilya kaya sana ay pag-isipan mong mabuti ang iyong desisyon, THEÁ TOU PÓNOU."

Isang malakas na batok ang ibinigay ni Deianira sa naglolokong pinsan na agad namang dumaing sa sakit.

"Waaahh! Isusumbong kita sa iyong ama!" naluluhang saad ni Drystan.

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon