Chapter 32

43 7 0
                                    

Third Person's P.O.V

Ilang araw ang lumipas pero hindi pa rin nagpapakita si Deianira. Walang sino man ang nakakaalam kung saan siya nagtatago kahit na ang kaniyang pamilya.

Habang tumatagal ay mas lalong papalapit ang nasabing kasal nina Acheros at Cath. Gustuhin mang umangal ni Acheros ay hindi niya magawa dahil binantaan siya ng ama ni Cath na sasaktan nito ang sariling anak kapag hindi natuloy ang kasal nila.

Walang planong tumigil si Acheros sa paghahanap kay Deianira hanggang sa dumating ang araw ng engagement nila ni Cath. Muli niyang nakita ang babaeng pinakamamahal ngunit iba ang katangian nito sa dating Deianira.

"Good evening everyone! We are gathered here tonight to witness the engagement of Miss Cath and Mister Acheros! Let us all welcome the couple!" masiglang pahayag ng MC.

Lahat ng tao ay nakangiti. Nakangiti sila habang pinagmamasdan ang nakaupong Acheros at Cath habang magkahawak kamay. Walang kaalam-alam ang mga tao na parehong napipilitan ang dalawa.

Inaamin ni Cath sa kaniyang sarili na gusto niyang maikasal kay Acheros dati pero nabago iyon ng makaharap niya ang ama ni Deianira.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya noong nakaharap ang ama ni Deianira kaya basta basta na lang siyang umalis sa silid na iyon. Pagkalabas niya sa silid na iyon ay naramdaman niya na parang may kumukontrol sa kaniyang sarili upang mapadpad siya sa isang tagong isla. Doon siya naglagi ng ilang araw at sa bawat araw na pananatili siya sa islang iyon ay wala siyang ibang nakikita kung hindi ang masasayang ala-ala nina Acheros at Deianira.

Noong una ay hindi naniwala si Cath sa kaniyang nakikita pero muling nagpakita sa kaniya ang ama ni Deianira at inilagay siya sa isang mundong puno ng ilusyon. Dahil sa karanasang iyon ay mas lalong natakot si Cath pero mas naintindihan niya na kahit kailan ay hindi sila magiging masaya ni Acheros dahil alam niyang hindi niya kayang palitan ang posisyon ni Deianira sa puso ni Acheros.

Ilang araw matapos ang pagpapakitang muli ng ama ni Deianira ay pinabalik si Cath ng kaniyang ama upang makipag-usap sa nalalapit na kasal nila ni Acheros.

Balak ng tumanggi ni Cath sa nasabing kasal pero pinagbantaan siya ng ina ni Acheros na sasaktan ang kaniyang pamilya kapag hindi siya tumuloy. Walang nagawa si Cath kung hindi ang magpatuloy sa kasal kahit labag sa kaniyang kalooban.

Habang idinaraos ang kanilang engagement party, pilit na pinasasaya nina Cath at Acheros ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagtingin-tingin sa paligid.

Patuloy lang sa paglilibot ng paningin si Acheros nang makita niya si Phoenix. Nagtaka si Acheros kung bakit pumunta sa Phoenix doon kaya hindi na siya nag-aksaya ng oras at dali-daling sumunod sa daan na dinaanan ni Phoenix.

Patuloy lang sa pagsunod si Acheros hanggang sa dinala siya sa pinakamadilim na parte ng kanilang bahay. Nakaramdam na rin ng pangamba si Acheros dahil sa tinagal tagal nilang magkaibigan ni Phoenix, hindi niya pa nakikitang pumupunta si Phoenix sa mga madidilim na lugar. Alam ni Acheros na may takot sa dilim ang kaibigan pero ang Phoenix na kaharap niya ngayon ay matapang.

"PHOENIX FLYNN!" sigaw ni Acheros dahilan upang huminto sa paglalakad si Phoenix.

"Kailan mo pa nagustuhan ang dilim? Anong ginagawa mo dito?" matapang na tanong ni Acheros dito upang kompirmahin ang kaniyang hinala.

Saglit na tumawa si Phoenix bago ito humarap sa kaniya ng nakangisi at sa eksaktong pagharap nito ay ang pag-iba nito ng anyo.

"Hi baby~"

Naestatwa si Acheros sa kaniyang kinatatayuan, hindi dahil sa pagkabigla kung hindi sa mga baging na gumagapos sa kaniya na lumalabas sa kaniyang paanan.

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon