Third Person's P.O.V
"Nagmahal kana ba?"
Biglang nagseryoso ang mukha ni Deianira at pinipilit iwasan ang mga titig ni Tavarious.
"Ofcourse. Anong akala mo sa'kin walang puso?" mataray na sagot ni Deianira habang nakatingin sa malayo.
Napatigil sa pagkain si Tavarious at natatawang pinagmamasdan ang nahihiyang Deianira.
"Kwento ka naman kahit yung mga bagay lang na gusto mo sa kanya." natutuwang saad ni Tavarious pero isang iling ang ibinigay ni Deianira.
"Wala akong nagustuhan sa kanya." seryosong saad ni Deianira habang nakatingin ng matalim kay Tavarious.
"Wala? Eh, paano mo siya nagustuhan?" naguguluhang saad ni Tavarious habang umaasang sasagutin siya ng maayos ni Deianira.
Uminom muna si Deianira bago sumagot sa kanya.
"Pake mo? Ang layo niya kaya sa ideal ko." nandidiring saad ni Deianira pero ang totoo ay umaapaw ang saya niya dahil pagkatapos ng isang daang taon ay may nagtanong tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.
"Describe mo na nga. Malay mo kilala ko pala at matulungan kita." sabay kindat kay Deianira.
Walang nagawa si Deianira sa pagiging mapilit ni Tavarious at kanyang napagtanto na wala namang mawawala kung sasabihin niya kung ano ang mga katangian nito.
"Magtanong ka." utos ni Deianira sa nakangiting Tavarious.
"Anong nagustuhan mo sa kanya?" simpleng tanong pero biglang napangiti si Deianira.
"Ugali niya." nakangiting saad ni Deianira habang inaalala ang ugali ng taong minahal niya.
"He's like a hero for me. Yung tipong pwede siyang maging kaibigan at jowa mo, tapos kung ano ang gusto mo ay ibibigay niya sayo." dagdag ni Deianira.
Napangiti si Tavarious ng nakakaloko dahil sa biglaang pag-iiba ng ugali ni Deianira. Hindi kasi siya makapaniwalang nagmahal ito lalo na't napakataray niya.
"Kwento mo naman Deia kung saan kayo nagkakilala tapos paano siya manligaw. Baka pwede kong gayahin." pang-iintriga ni Tavarious.
"Akala mo ba maiisahan mo'ko?" nakataas kilay na tanong ni Deianira pero agad din namang nawala nang makita niyang nalungkot si Tavarious.
"Nakilala ko siya noong nagbakasyon ako dito sa Pilipinas at siya lang ang nag-iisang taong hindi ako nilulubayan kahit napakataray ko sa kanya. Palagi niya akong sinusundan at handa siyang maglabas ng pera para lang makita ako. Later on, nalaman ko na lang na mahal ko na pala siya at wala na kaming sinayang na panahon at agad naming pinag-usapan kung ano ang tunay na namamagitan sa amin." diretsong saad ni Deianira habang hinihintay ang reaksyon ni Tavarious.
"Wala siyang ginawang pakulo? Diretsong tayo na?" gulat na tanong ni Tavarious na sinuklian naman ng tango ni Deianira. Hindi kasi siya makapaniwalang mapapasagot ang isang Deianira ng walang pakulo.
"Asan na pala siya ngayon? Huwag mong sabihing iniwan ka niya?"
Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Deianira. Ang kaninang masayang mukha ay biglang napalitan ng galit na mukha.
"Nagmahal siya ng iba tapos namatay siya." seryosong saad ni Deianira na tila nagagalit sa ala-alang matagal niya ng ibinaon.
"Bitter mo masyado Deia. Nagmahal lang ng iba, patay agad? Move on ka na lang. I'm sure maraming may gusto sayo lalo na si Acheros." mapait na saad ni Tavarious.
BINABASA MO ANG
Coquettish Nonpareil
FantasyAcheros is the reincarnation of the Goddess first love 100 years ago na nagbigay sa kaniya ng hindi malilimutang sakit at pighati na naging dahilan upang ipadala siya ng kaniyang ama sa mundo ng mga tao para makalimutan ang sakit. Maayos na sana ang...