Third Person's P.O.V
Napuno ng hagulhol ang silid ni Deianira. Hindi niya alam kung ano ang unang gagawin ngayong wala na si Phoenix sa kaniyang tabi.
"Bakit ikaw pa F-Flynn? B-Bakit mo i-inako ang kasalanan k-ko?!" tanong ni Deianira sa kaniyang sarili habang sumisigaw.
Naalarma si Drystan sa kaniyang narinig kaya dali-dali siyang pumasok sa silid ni Deianita at naabutan niya ang dalagang umiiyak at sabog ang buhok.
"Lady~" nag-aalalang saad ni Drystan habang nilalapitan ang pinsan.
"ALIN SA MGA NAGAWA KO ANG NAKITA NG MGA NAKAKATAAS?!" tanong ni Deianira habang nakataas ang boses.
Napabuntong hininga si Drystan at pagkatapos ay niyakap ng mahigpit ang pinsan.
"Wala kang kasalanan Deianira. Wala na rin namang saysay ang buhay ni Phoenix dahil may pinili ka na sa puso mo." saad ni Drystan habang yakap ang pinsan.
Napakunot noo si Deianira at pagkatapos ay itinulak ng mahina si Drystan.
"Anong sabi mo? Anong kinalaman ng puso ko sa pagkamatay niya?" naguguluhang tanong ni Deianira.
Napabuntong hininga si Drystan at pagkatapos ay tumingin sa bintana.
"Fiance mo si Phoenix at alam mo naman siguro kung ano ang mangyayari sa lalaking itinakda para sa'yo kung hindi mo siya pipiliin hindi ba?"
Ang kaninang naguguluhang Deianira ay biglang natulala na parang hindi makapaniwala sa nangyari.
"Pero wala kayong sinabi sa'kin Drystan! Hindi ko alam na totoo pala ang sumpa!"
"Bakit Deianira? May magbabago ba kung sakaling sinabi namin sayo?" kalmado ang boses ni Drystan pero mahihimigan ang paninisi.
"Nakapili ka na Deia at wala ng magagawi si Phoenix. Siya rin ang nag-utos sa aming lahat na ilihim ang tunay niyong relasyon para sa sarili mong kapakanan dahil alam niyang sa huli, si Acheros pa rin ang pipiliin mo." dagdag ni Drystan.
Deianira's P.O.V
"I'm so sorry Drys. Hindi ko talaga alam na mahal ako ni Phoenix. Kung sana sinabi niya sa--"
Nagulat ako sa biglaang pagkulog kaya napatingin ako dito at sa unang pagkakataon ay natakot ako sa pinsan ko.
"ANONG GUSTO MONG GAWIN NIYA?! HA! LAHAT NG GUSTO MO AY IBINIGAY NIYA KAHIT ANG KAPALIT NITO AY ISANG PARUSA! Nagpakita na siya ng motibo pero hindi mo pa rin nakikita."
Nanlilisik ang mga mata nito na kahit anong oras ay maaari itong manakit.
Hindi ko nagawang magsalita dahil totoong naging manhid ako sa nararamdaman ni Phoenix. Hindi ko naman kasi alam na seryoso pala siya sa mga ginagawa niya. Ang buong akala ko kasi, wala siyang planong magmahal dahil marami siyang ginagawa.
"Nasa kabilang kwarto si Acheros."
Tumango lang ako sa sinabi ni Drystan at nang lumabas ito ay napatingin ako sa pintuang nilabasan niya.
"I'm so sorry Flynn. Kung sana ay nakinig ako sa payo mong kalimutan na lang si Acheros, edi sana buhay ka pa ngayon. Please forgive me."
Iyak lang ako ng iyak sa loob ng kwarto nang biglang nakaramdam ako ng init sa aking likuran na para bang may yumayakap sa'kin.
'Flynn'
Mas lalong bumuhos ang iyak ko nang biglang masunog ang kurtina pero agad din namang nawala.
Nilapitan ko ito at tila napako ako sa aking nakitang hugis puso.
"Pati ba naman ngayon itutulak mo'ko papunta sa iba?"
Nagbabakasakali akong may sasagot sa tanong ko pero sino ba namang multo ang sasagot sa tanong ko.
Patuloy lang ako sa pagtingin sa hugis puso nang biglang pumasok si Drystan.
"Bisitahin mo muna si Acheros at baka mapagaling mo siya."
Tumango ako dito at agad na lumabas upang puntahan ang nasabing Acheros. Wala naman akong balak gamutin siya, sadyang gusto ko lang makita ang lalaking pinili ko kaysa sa matalik kong kaibigan at kapag hindi ko siya nagustuhan ngayon, iibahin ako ang kaarawan niya.
Bago ko pa mabuksan ang pinto sa silid ni Acheros ay pinigilan ako ni Drystan.
"Huwag kang magtangkang saktan si Acheros dahil katulad ni Phoenix, handa kong ialay ang buhay ko para lang mabuhay ka."
Biglang nawala ang masama kong balak at napalitan ng takot at kaba.
Tumango ako sa kaniya at pumasok sa silid ni Acheros. Agad bumungad sa akin ang apat na babaeng gumagamot sa kay Acheros.
"Lady Deianira" sabay na bati nilang apat na tinugunan ko ng isang ngiti.
Nagpaalam silang aalis muna upang makapag-usap kami kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang manatili sa loob.
Dahan-dahan akong pinapalapit ng aking mga paa papunta sa gilid ng kama ni Acheros. Kitang-kita ko kung gaano karami ang sugat na natamo niya dahil sa'kin.
"I'm sorry Acheros."
Hindi ko kayang tingnan si Acheros na nahihirapan kaya napagdesisyunan kong umalis pero akmang tatalikod na ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"B-b-bab-b-y"
Hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil nag-uunahan na namang tumulo ang aking luha.
"L-look a-at me p-p-please."
Dahil sa sinabi niyang iyon ay agad akong pinunasan ang aking luha at humarap sa kaniya na may malaking ngiti.
"Ache"
"I-I love y-you"
Ang kaninang galit ay napalitan ng lungkot at pagsisi. Hindi ko mapagilang hindi mapaiyak dahil kahit sinaktan ko siya, ako pa rin ang mahal niya.
"Please, don't love me Ache." pagmamakaawa ko dito habang hinahaplos ng aking kabilang kamay ang kaniyang mukha.
Mahina itong umiling at ngumiti sa akin.
"I'm so sorry Ache. I'm so sorry kung nagpadala ako sa selos ko. Hindi ko lang talaga kayang isipin na sa ikalawang pagkakataon ay maaagawan na naman ako at ang mas masama, sa iisang babae pa talaga."
Napatawa ako sa aking naiisip. Mapait man ang katotohanan pero wala na akong magagawa dahil nangyari na ang lahat.
Magsasalita na sana ulit si Acheros nang biglang pumasok si Drystan kaya agad akong napabitaw sa kaniyang kamay.
"I need to talk to you Deianira. Kailangan ng matulog ni Acheros kaya lumabas ka muna."
Nilingon ko si Acheros at tumango naman siya kaya sa huli ay sumama ako kay Drystan palabas ng silid.
Pagkalabas namin ng silid ay agad akong iniharap ni Drystan. Ang mukha nito ay walang halong saya at sa halip ay makikita sa kaniyang mukha ang pagbabanta.
"Alam kong may hinanakit ka sa kaniya, pero sana ay huwag mo siyang sasaktan."
Napakunot ako ng noo dahil sa kaniyang sinabi.
Masyado ba talagang halata sa hitsura ko?
"Pag-isipan mo sana ang mga hakbang na gagawin mo kung gusto mong hindi ka mawalan ulit ng pamilya." saad nito at iniwan ako.
BINABASA MO ANG
Coquettish Nonpareil
FantasyAcheros is the reincarnation of the Goddess first love 100 years ago na nagbigay sa kaniya ng hindi malilimutang sakit at pighati na naging dahilan upang ipadala siya ng kaniyang ama sa mundo ng mga tao para makalimutan ang sakit. Maayos na sana ang...