Chapter 31

37 7 0
                                    

Third Person's P.O.V

Pagkatapos marinig ni Acheros ang tanong galing sa kaniyang ina ay agad pumasok sa kaniyang isipan ang mga bagay na nagustuhan niya kay Deianira. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad na sinagot ang tanong ng ina.

"I love everything about her. Siya yung tipo ng babaeng bibigyan mo lang ng tamang atensiyon at pagmamahal ay sapat na para sa kaniya." napangiti si Acheros habang inaalala ang paggala nilang dalawa.

"Mahilig siya sa mga Greek Cuisine pero hindi siya mapili sa pagkain. Minsan naman ay suplada siya pero dahil sa ugali niyang 'yon ay mas lalo akong nabighani sa kaniya. Hindi siya perpekto at hindi rin ako perpekto kaya kapag magkasama kami, ramdam ko talaga na siya ang bubuo sa akin."

Imbes na matuwa ang ina ni Acheros ay mas lalo lamang itong nagalit sa kaniya.

"Roman!" tawag ng kaniyang ina sa isang bantay.

"Tell your men to keep an eye of my son! We're going back to Philippines so double the security!" utos nito sa kaniyang mga tauhan.

"How could you do this to your own son? Ganito ka ba magpalaki ng anak? Itatago mo'ko sa lahat hanggang sa maikasal ako kay Cath?NO F*CKING WAY!"

Kitang-kita ang klarong ugat sa leeg ni Acheros. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniyang ina.

"Pagod na 'ko sa buhay na palaging dinidektahan kaya pabayaan ni'yo 'kong mamuhay sa paraang gusto ko. I'M YOUR SON NOT YOUR TOY!"

Dahil sa pagkabigla ay hindi kaagad nakapagsalita ang kaniyang ina. Hindi na rin nag-aksaya ng oras si Acheros upang makaalis sa silid na iyon na agad namang sinuportahan ng kaniyang kapapasok lamang na ama. Pinigilan ng kaniyang ama ang mga tagabantay sa pagsunod sa kaniya at hinarap ang kaniyang galit na asawa.

"What have you done?! Alam mo ba na nababaliw na si Acheros? Hindi niya pwedeng talikuran ang kasal nila ni Cath para lang sa hampaslupang babaeng 'yon." galit na may halong pangambang saad ng ina ni Acheros.

Tahimik lang ang kaniyang ama habang niyayakap ang kaniyang ina. Hinihintay ng kaniyang ama na makatulog ang kaniyang ina upang makasunod sila kay Acheros bukas ng umaga.

"Sleep tight mi amor." saad ng kaniyang ama matapos marinig ang maliit na hilik ng kaniyang asawa.

Kinaumagahan ay ang pagdating ni Acheros sa Pilipinas. Natataranta si Acheros habang tinatawagan ang numero ni Deianira na kasulukuyang hindi makontak.

May iilang tao ang napapatingin sa kaniya dahil sa kaniyang ayos at kahit isang bagahe ay wala siyang dala.

Nakakailang dial na si Acheros pero hindi pa rin makontak si Deianira kaya nagpasya si Acheros na magpatulong sa isang kakilala upang hanapin ang nawawalang nobya.

"Please inform me kapag nahanap mo na siya dude."

"Don't worry Dark, akong bahala sa kaniya."

Pagkatapos niyang tawagan ang kakilala ay napagpasyahan niyang pumunta sa opisina sa pagbabakasakaling pumunta si Deianira doon upang kunin ang kaniyang mga gamit. Dahil sa biglaan ang pagdating ni Acheros, hindi na siya nagkaroon ng oras na tawagan ang kaniyang mga driver upang ipahatid ang sasakyan at sa halip ay sumakay na lamang siya ng taxi.

Binayaran niya ng doble ang taxi driver para lang mas bumilis ang takbo nito kaysa sa orihinal na takbo nito. Sa mga oras na iyon ay kinakabahan si Acheros habang iniisip ang posibilidad na baka ay iniwan na siya ni Deianira. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag naiwan na naman siyang mag-isa.

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon