Chapter 36

46 7 0
                                    

Deianira's P.O.V

"Flynn!"

Agad akong tumayo para sana hanapin si Phoenix nang may nakita akong sulat sa gilid ng aking kama.

"Good morning my lady! I do not intend to soften you with this letter, because I know that when I leave, I have caused you too much sadness so that you do not try to hide it under a cold attitude. The truth is that I feel I deserve it, because I am hurting you and that is what I would never have wanted. Please, even if I have to say goodbye, never forget that I have a great affection for you and that I still hope that time makes you remember me in the same way that I will.And please tell Acheros everything he needs to know about you. I love you. "

-PHOENIX

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan pagkatapos basahin ang sulat. Hindi ako makapaniwalang nagpakita lang siya para pormal na magpaalam sa akin.

Kung hindi ako nakatulog kagabi, edi sana nasulit ko ang oras na nandito siya.

Sa aking pagkatulala ay bigla kong naalala ang huling hiling ni Phoenic.

"Please tell Acheros everything he needs to know about you."

Napangisi na lang ako habang iniisip na kahit sa huling sandali ay hindi niya pa rin magawang magsinungaling kay Acheros.

Inilagay ko sa lamesa ang sulat at pagkatapos ay kinuha ang aking selpon upang tawagan si Acheros.

Nakakailang ring pa ito bago may sumagot.

"Who's this?" namamaos na tanong nito.

"Ache"

Wala akong ibang masabi maliban sa pangalan niya. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa lahat ng ginawa ko sa kaniya.

"Nikolette! Where are you? I'll take you home!"

Halata sa boses nito ang saya at galak na nararamdaman na naging dahilan upang mas lalo akong mahiya sa kaniya.

Hindi ko lang alam kung bakit napakabilis niya akong pinatawad na para bang napakaliit lang ng naging kasalanan ko sa kaniya.

"Baby? Where are you?"

Napabalik ang atensiyon ko pagkatapos marinig ang kaniyang nag-aalalang boses.

Nag-aalala pa talaga siya kahit nasaktan ko na siya.

"I need to talk to you." walang emosyon kong saad.

"Sure sure. Tell me where you are para masundo kita."

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang tumulo ang aking luha.

"I-I'm so sorry."

"No need Nikolette. Are you crying?"

Dahil sa tanong niyang iyon ay agad kong inilayo sa akin ang selpon at pinunasan muna ang aking mukha bago muling bumalik sa tawag.

"Nasa bahay lang ako. Ako na lang ang pupunta sa opisina mo."

"Okay. Pupunta na ako sa opisina. Take care and I love you Nikolette."

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon