Chapter 21

60 23 0
                                    

Deianira's P.O.V

Hindi ako nakatulog ng maayos dala ng aking nakita kanina. Nababahala ako sa kanyang ginagawa dahil ngayon lang siya nagsinungaling sa akin.

Bigla akong napapikit nang bigla siyang tumayo at inayos ang higaan. Pinakiramdaman ko ito sa kanyang ginagawa.

"You always sleep like a baby." saad niya bago ko naramdaman ang kanyang haplos sa aking ulo.

Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig ko ang pagsirado ng pinto kaya agad akong sumilip upang tingnan kung ano ang gagawin niya.

Hinubad niya ang kanyang pang-itaas bago isinuot ang apron. Lantad na lantad sa aking mata ang maskulado niyang katawan na alam kong paglalawayan ng mga babae.

Bago pa ako makapag-isip ng iba, sinuri ko ang kanyang likod at unti-unti ng naghihilom ang kanyang mga sugat.

"The prince healing power~"

Minadali ko ang paglapit sa kanya at pagkatapos ay kinurot ang peklat sa kanyang likuran na naging dahilan upang siya ay mapasigaw.

"What the F---Food!"

Ngumiti ako ng napakalapad upang mas lalo siyang asarin. Kitang-kita ko naman ang pagdaan ng kaba sa kanyang mukha.

"Ayos ka lang?" kaswal na tanong ko dito, kunwari hindi ko nakita ang likod niya.

"O-oo naman! Punta kana sa lamesa at maghahain na ako." saad niya at ibinalik ang atensiyon sa niluluto.

"Kinakabahan ka ata? Patingin nga!"

Binalot niya ang kanyang sarili ng apoy kaya bigla akong napaso. Dahil sa inis ko ay naglabas ako ng isang malakas  a hangin upang mawala ang apoy. Mabuti na lang at medyo nanghihina pa siya kaya hindi ako nahirapan.

"Anong nangyari sa likod mo?" tanong ko sa kanya matapos kong makita ang kanyang likod.

"Nadaplisan ng kutsilyo."

'Magsisinungaling na nga lang, halata pa.'

"Saan? Paano?"

"Pumunta kana sa lamesa at tapos na akong magluto." saad niya bago ako tinalikuran.

Wala naman akong magagawa kung ayaw niyang sabihin sa akin ang rason.  Hindi ko lang talaga matanggap na naglilihim na siya sa'kin.

"Anong gagawin mo sa opisina ngayon?" panimula niya habang kami ay kumakain.

"Hindi ko alam."

Hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi parin siya nagsasalita. Hindi ko naman gustong simulan ang usapan lalo na't nasira ata ang mood niya.

"Ihahatid na kita!" sigaw niya sa labas ng kwarto.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong dumiretso sa kwarto upang magbihis habang siya ay dumiretso sa kusina upang maghugas ng pinagkainan namin.

Kung iisiping mabuti, mapagkakatiwalaan si Phoenix at talagang matapat siya sa kanyang tungkulin kaya hindi ko alam kung sinong damuho ang nanakit sa kanya at talagang nagdulot sa kanya ng labis na panghihina.

Naputol ang aking pag-iisip dahil sa biglang pagkatok ng pintuan.

"Shall we go?"

Napatingin ako sa salamin at nang pasado na ang aking hitsura ay agad akong lumabas. Naabutan ko naman siyang nakapikit habang nakasandal sa gilid ng pintuan.

"Hoy!" 

Napatingin siya sa akin bago naunang lumabas ng bahay. Minsan talaga, hindi ko mawari kung bakit nag-iiba ang kanyang ugali.

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon