Matapos ang nangyari malapit sa elevator ay bumalik si Acheros sa meeting na lutang. May mga bagay siyang iniisip at may mga memoryang pilit kumakatok sa kanyang isipan.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay may bumubulong sa kanya na dapay ay puntahan niya ang babae. Nagtataka siya dahil napakaimposibleng mahulog siya kaagad sa taong hindi niya lubusang kilala.
Sa patuloy niyang pag-iisip ay napagtanto niyang hindi takot ang naramdaman niya nung makita niya ang babae sa mall kundi pangungulila sa hindi malamang dahilan.
"What is your opinion about this project Sir Acheros?"
Hindi narinig ni Acheros ang tanong ni Tavarious dahil sa malalim niyang pag-iisip. Patuloy parin siyang nagtataka kung bakit pakiramdam niya ay matagal na niyang kilala ang babae at parang may kasalanan siya dito.
"May I know your opinion Sir?" tanong ulit ni Tavarious sa lutang na Acheros.
Napabalik sa sarili si Acheros matapos siyang sipain ni Catherine na agad naman niyang tinignan ng masama.
"Anong p--"
Hindi na natapos si Acheros sa pagsasalita nang ngumuso si Catherine kaya agad siyang napatingin sa inginuso nito at agad niyang napagtanto na nasa meeting pa pala siya.
"Mukhang lutang ang boss natin ngayon. Pagpsensyahan niyo na sana." hinging paumanhin ni Catherine sa mga board of directors.
"Ilagay niyo na lang sa opisina ko ang proposal niyo at ako na ang bahalang magbasa. Sasabihin ko na lang sa inyo kung naaprobahan ko ito. Dismissed!" saad ni Acheros at hinintay na magsialisan ang mga tao.
Paalis na sana si Tavarious nang makita siya ni Acheros ata agad itonh inutusan.
"Tavarious? Pwede mo bang kunin ang ibang papeles sa stocks and marketing? Nasa second floor yun." saad ni Acheros na naging dahilan upang kumunot ang noo ni Tavarious.
"Noted sir."
Hindi magawang magreklamo ni Tavarious dahil kahit anong gawin niya ay boss parin ang kaharap niya.
Pagkaalis ni Tavarious ay agad na nagsalita si Catherine."Bakit lutang ka kanina?" tanong nito.
"May iniisip lang. Masyado bang halata?" pikit matang tanong ni Acheros.
Kumunot naman ang noo ni Cath dahil sa tanong niya. Masyado kasing halata ang pagiging lutang nito at nababahala siya kung ano ang problema ni Acheros.
"Ayos ka lang ba? Masyadong halata ang pagiging lutang mo Dark. May problema ka ba?" nag-aalalang tanong ni Cath.
Umiling naman si Acheros bago ito nginitian upang ipakita na ayos lang siya.
"I'm fine Cath. Siguro napagod lang ako kaya ganito" saad ni Acheros at hindi naman nagsalita si Cath na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa kanya. "You can leave now. Magpapahinga lang ako sa office"
Sa sinabing iyon ni Acheros ay tumayo si Cath at nagpaalam sa kanya. Naiwan naman siyang nakatingin sa pintong nilabasan nito. Matapos ang ilang minutong pagtitig sa pintua ay nakaisip siya ng gagawin. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa lamesa at agad tinungo ang opisina ni Tavarious.
Habang naglalakad siya papunta sa opisina ay panay ang yuko ng mga empleyadong nadadaanan niya. Ang iba naman ay nagtataka dahil hindi niya ugaling bumisita sa opisina ni Tavarious habang ang iba naman ay agad nagsibalikan sa kanilang pwesto mula sa pagchichismisan.
Malapit na siya sa glass window ni Tavarious nang kinuha niya ang kanyang cellphone at nagpanggap na may kinakalikot. Humina ang lakad niya at inobsrbahan ang mga taong nandun at nang makita niyang walang nakatingin ay dahan dahan niyang inilagay sa kanyang tenga ang cellphone at nagpanggap na may kausap. Nilakasan niya ang boses upang malaman ng mga empleyado na may kausap talaga siya.
Matapos ang ilang minuto ay ibinaba niya ang cellphone at agad na ibinalik sa bulsa at nakangiting tinungo ang elevator papunta sa kanyang opisina.
"Good Morning!" saad niya pagdating sa kanyang opisina.
Sound proof ang opisina niya kaya ayos lang kung ano ang sabihin niya. Hindi naman siya nag-aalala sa mga reaksiyon ng mga empleyado dahil tinabunan niya ang glass window.
Umupo siya sa upuan at nakangiting tinitigan ang larawan ng dalaga na nakakunot ang noo. Hindi maipaliwanag ni Acheros ang saya niya habang tinititigan ang larawan nito. May kung anong kiliti siyang nararamdaman na may halong lungkot.
Patuloy lang siya sa pagscroll nang makita niya ang isang litratong nagbigay ng sakit sa kanyang puso.
Aksidente niya palang nakunan ng litrato ang nagyayakapang Deianira at Phoenix. Alam ni Acheros na si Phoenix ay hindi isang normal na tao at may posibilidad na kaya nitong maging invisible.
"I really wish you're mine"
Nagulat si Acheros sa salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya kailanman naisip na kaya niya palang maging corny para sa isang babae.
Naputol ang pag-iisip niya nang biglang pumasok si Catherine na may malaking ngiti.
"Anong kailangam mo?" agad na tanong niya dito na ang atensyon ay nasa larawan parin ni Deianira.
"Mr. Acheros! Remind lang po kita na lunch na at wala akong kasabay kumain kaya samaham mo'ko." masiglang saad ni Cath.
"Busy ako Cath. Sa iba ka na magpasama tutal kaibigan mo din naman ang ibang empleyado." usal ni Acheros.
"Busy? Sa palagay ko nga ay nakatingin ka lang ng larawan ng isang babae ngayon. Saan ka naging busy?" nakataas na kilay na saad ni Cath.
"Wala kang ebidensya" walang ganang saad ni Acheros.
Akmang hahablutin ni Cath ang cellphone niya nang mapigilan niya ito. Agad namang niyang inilagay sa bulsa ang cellphone bago tinignan ng masama ang kaibigan.
"Ano bang problema mo?" masungit na tanong niya.
"Magpapasama lang naman akong kumain sa labas pero kung busy ka talaga ay hindi na kita pipilitin. Pasensya sa abala." nadidismayang saad ni Cath.
Nakaramdam naman ng konsensya si Acheros sa ginawa ni Cath kaya agad niya itong pinigilan.
"Saan ka kakain?"
Humarap si Cath sa kanya na may nakakaawang mukha pero halata naman sa mata nito ang saya.
"Sa malapit na resto sa labas. Sige alis na ako." saad ni Cath at akmang tatalikod na nang magsalita ulit si Acheros.
"Fine, I'll come with you pero hindi tayo magtatagal dahil may trabaho pa ako." saad niya at humarap si Cath sa kanya na may malaking ngiti.
"Sabi ko na nga ba at hindi mo ako matitiis eh. Kaya nga love na love kita." saad ni Cath at akmang yayakap kay Acheros nang umiwas ito at kinuha ang susi ng kotse niya na nakapatong sa lamesa.
"Huwag mo na akong yakapin at baka magusot mo pa."
Ngumuso si Cath at naiinis na tinignan si Acheros na ikinatawa naman nito.
"Napakasama mo talaga sakin. Bagay ang itim na pangalan sayo dahil maitim ang budhi mo!"
Kumunot ang noo ni Acheros dahil sa itim na sinabi ni Cath.
"My name is cool and my soul is white." kontra ni Acheros.
"Umalis na lang tayo at nagugutom na ako" Inikot lang ni Cath ang paningin niya bago naunang naglakad palabas na agad namang sinundan ni Acheros.
BINABASA MO ANG
Coquettish Nonpareil
FantasyAcheros is the reincarnation of the Goddess first love 100 years ago na nagbigay sa kaniya ng hindi malilimutang sakit at pighati na naging dahilan upang ipadala siya ng kaniyang ama sa mundo ng mga tao para makalimutan ang sakit. Maayos na sana ang...