Tavarious P.O.V
Kakauwi ko pa lang sa Pilipinas kaya naisipan kong magliwaliw. Naisipan kong pumunta sa isang bahay-aliwan upang guminhawa naman ang pakiramdam ko.
Pagpasok ko ay agad kong nakita ang isang babaeng tahimik na nagmamasid sa isang gilid. Mahahalata sa mukha niya na ito ang unang beses na tumapak siya sa lugar na ito.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na nilapitan ito. Napatingin naman siya kaagad sakin at ako naman itong natulala sa kanyang ganda. Masasabi kong maraming maganda sa Spain pero iba parin ang taglay niyang ganda.
"Can I sit beside you?" hindi ito sumgot sa akin at sa halip ay tumango lang ito.
Ibinalik niya ang tingin sa mga taong nagsasayawan habang ako ay tahimik na nakatingin sa kanya. Ngayon lang ako nakakita ng isang dyosa. Maputi ang kanyang balat, mahaba ang kanyang kulay brown na buhok,may maliit din siyang mukha, matangos na ilong at mahabang pilik-mata. Mula sa aking pwesto ay masasabi ko na para akong may katabing diyosa.
"Anong pangalan mo?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya. Kating-kati na akong malaman ang pangalan ng babaeng isasama ko sa aking hinaharap.
Tumingin ito sakin at sinuri ang aking mukha. Tila ako'y nabahala dahil baka hindi ako pumasa sa mga lalaking dumaan sa buhay niya. Naniniwala kasi ako base sa ganda niya na mataas ang standards niya.
Unti-unting nawala ang kaba ko nang siya ay ngumiti sakin at inilahad ang kanyang kamay na agad ko namang tinanggap.
"I'm Deianira, call me Lady Deianira." saad niya gamit ang mahinhing boses.
"I'm Skyler, Skyler Tavarious."
Kinuha niya ang kanyang kamay at tumayo. Ako ay nagtaka dahil sa bigla niyang kilos. Aalis na ba siya? Marami pa akong tanong na nangangapa ng sagot mula sa kanya.
"Ikinagagalak kitang makilala Tavarious. Pasensya kana pero kailangan ko ng umalis." magsasalita na sa ako nang bigla itong tumakbo palabas.
Agad ko siyang hinabol pero pagdating ko sa labas ay wala akong nakitang bakas niya. Tanging isang maputing ilaw ang bumungad sa akin. Ilang minuto pa ay nawala din ito, kasabay nang pagkawala ng pag-asa sa aking puso na makausap pa siya ngayon.
Wala na din akong ganang magsaya lalo na't si Deianira na ang bago kong kasiyahan. Kinuha ko ang susi sa aking bulsa at agad na pinatakbo ang aking sasakyan.
Pagdating ko sa tapat ng aming bahay ay nakita ko na naman ang puting liwanag kaya napapikit ako. Ilang minuto pa ay may kumatok sa bintana ng kotse at hindi ko inaakalang siya pala ang taong kakatok. Paano siya nakapunta dito? Hindi ko naman sinabi sa kanya ang bahay namin.
Binuksan ko ito at may ibinigay siya saking pulang kahon. Tinignan ko ito gamit ang may pagtatakang ekspresyon pero nginitian niya lang ako.
"Dalhin mo yan kung sakaling m--"
"TAVARIOUS WAKE UP! TAVARIOUS WAKE UP!" bigla akong napabangon dahil sa maingay kong alarm clock.
Imbes na patayin ko ito ay natulala ako saglit dahil sa naging panaginip ko. Para kasing nangyari na yun noon pero hindi lang ako sigurado kong totoo. Hindi kasi ako naniniwala sa reincarnation kaya napakahirap sa akin ang maniwala.
Ilang minuto pa ay napagdesisyunan kong mag-ayos upang hindi ako ma late sa opisina. Sana lang talaga pagdating ko dun ay nandoon si Deianira.
Sana lang~
BINABASA MO ANG
Coquettish Nonpareil
FantasyAcheros is the reincarnation of the Goddess first love 100 years ago na nagbigay sa kaniya ng hindi malilimutang sakit at pighati na naging dahilan upang ipadala siya ng kaniyang ama sa mundo ng mga tao para makalimutan ang sakit. Maayos na sana ang...