Chapter 34

44 7 0
                                    

Deianira's P.O.V

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Drystan ay naisipan kong bumalik sa aking kwarto upang makapag-isip.

Totoong nasasaktan ako sa pagkawala ni Phoenix pero hindi parin maikakailang, ako ang dahilan ng kaniyang pagkawala. Gusto ko sanang umuwi sa palasyo upang humingi ng tawad sa kanilang lahat, pero alam kong galit silang lahat sa akin at natatakot akong maparusahan.

Alam kong dapat akong humingi ng tawad sa kanilang lahat at harapin ang mga parusang maaari nilang ibigay sa akin pero hindi ko pa kaya. Gusto ko munang tanggapin sa aking sarili ang pagkawala ni Phoenix, dahil iyon lang ang nag-iisang paraan upang maharap ko ang mga parusa.

Napalingon ako sa bintana ng aking kwarto at tila may tumutulak sa aking sarili upang buksan ito.

Pagbukas ko ng bintana ay agad sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin na tila may ipinapahiwatig sa akin at sa aking patuloy na pagdungaw ay nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na parang may yumayakap sa akin at tinatawag ang aking pangalan upang umalis sa silid na iyon.

Siguro nga kailangan ko munang ilayo ang sarili ko sa lahat. Siguro ipinadala ang kakaibang pakiramdam na ito upang maliwanagan ako sa dapat kong gawin.

Kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagkawala ko na parang bula.

Uuwi muna ako sa lugar kong saan tayo nabuo Flynn, I'll be back.

Third Person's P.O.V

Sa mga oras na iyon ay walang kaalam-alam si Deianira na nanunuod pala sa kaniya si Drystan. Kahit naiinis si Drystan sa kaniya ay may pag-aalala pa rin siya sa pinsan.

Gusto mang pigilan ni Drystan ang pag-alis ng pinsan ay hindi niya ginawa. Naiintindihan niya naman kung bakit pinili ng pinsan ang umalis muna. Alam din niya kung saan maaaring pumunta ang pinsan kaya hindi niya ito pinigilan.

Inilibot muna ni Drystan sa huling pagkakataon ang kaniyang paningin sa kwarto ng pinsan bago ito isinarado.

Naisipan niyang puntahan si Acheros dahil baka hinahanap na naman nito ang kaniyang pinsan.

"W-where is s-she?" mahinang saad ni Acheros pagkapasok ni Drystan sa silid.

Hindi agad sinagot ni Drystan ang tanong at sa halip ay humanap muna siya ng mauupuan.

"Are you strong enough to know the answer?"

Blangko ang ekspresyon ni Drystan na naging dahilan upang makaramdam ng kaba si Acheros.

"Did s-she leave?"

Tumayo si Drystan mula sa pagkakaupo at ginamot ang nanghihinang Acheros. Napagdesisyunan ni Drystan na gamutin muna ito bago ito sagutin.

"She'll be back soon kaya ayusin mo muna ang sarili mo." saad ni Drystan bago iniwan si Acheros na nakatulala.

Pag-alis ni Drystan ay agad lumabas ng silid si Acheros at dali-daling inikot ang loob ng bahay. Nagbabakasakali siyang makita ang diyosa pero sa huli ay nabigo siya.

Naputol ang kaniyang paghahanap nang may kumatok sa pintuan kaya dali-dali niyang tinungo ang pintuan, umaasang si Deianira ang kumatok.

Pagbukas niya ng pintuan ay nakita niya ang kaniyang ina.

"Anong ginagawa mo dito?"

Sinubukang hawakan ng kaniyang ina ang kaniyang mukha pero mabilis siyang lumayo dito.

"Kung wala ka namang kailangan sa akin ay maaari ka ng umalis."

Akmang isasarado na ni Acheros ang pinto nang iharang ng kaniyang ina ang sarili nito kaya napadaing ang kaniyang ina sa sakit.

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon