Chapter 39

53 4 0
                                    

Tavarious P.O.V

Masyadong masakit sa akin ang pag-alis ni Deianira. Yung tipong wala silang planong sabihin sa akin ang pagkawala ni Deianira dahil hindi ko raw maiintindihan ang buong sitwasyon.

Wala naman akong magiging reklamo kung aabutin ng umaga ang pagkukwento nila sa buong nangyari, pero hindi pa rin nila ginawa.

Ang sakit lang kasi na yung taong una mong minahal ay iniwan ka at hindi ko man lang nasabi ang totoong nararamdaman ko sa kaniya dahil alam kong wala rin akong laban kay Acheros.

"Iniisip mo na naman ang first love mo?"

Napalingon ako sa babaeng nagsalita at ngumiti dito.

"Hindi naman siya nawala sa isipan ko."

Napatawa ito sa aking sinabi at tumabi sa akin.

"I'm so sorry Von kung dahil sa akin ay umalis siya. Hindi ko kasi kaya ang makitang nahihirapan ang mga magulang ko."

Nilingon ko ito at nakita ko na naman ang mga matang puno ng pagsisisi.

"Hindi ikaw ang dahilan ng kaniyang pag-alis. Alam kong napatawad kana ni Deianira kaya umalis siya. Stay happy Cath kung gusto mong mapatawad ka ni Acheros."

Iniabot ko dito ang isang baso ng wine na agad naman niyang ininom.

Pagkatapos kong malaman ang balitang umalis si Deianira ay nagmadali akong umuwi sa Maynila pero walang kahit sino ang nagkusang magpaliwanag sa akin.

Pinaimbestigahan ko ang lahat ng nangyari pero wala akong makalap na impormasyon hanggang sa naawa sa akin Cath kaya sinabi niya ang lahat.
Alam niyang magagalit ako sa kaniya pero nilakasan niya pa rin ang loob niyang magpaliwanag.

Noong una ay ginawa ko ang lahat para lang sirain ang kompanya nila pero hindi nagtagal ay naawa ako sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Mas lalo kong naintindihan ang takot na pinagdadaanan niya kaya itinigil ko ito at binigyan siya ng pagkakataong magbago at ngayon ay isa na siya sa mga importanteng tao sa buhay ko.

"Kailan kaya ako mapapatawad ni Dark?" malungkot na saad nito kaya naisipan kong asarin muna para naman gumaan ang pakiramdam niya.

"Kapag umalis ka na rin sa buhay niya."

Sinamaan niya ako ng tingin pero nagkibit balikat lang ako.

"Anong klaseng pag-alis ba? Napakalayo na kaya nitong Brazil sa Pilipinas."

Natawa ako sa kaniyang sinabi kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Talagang napakalayo na ng lugar na narating ko para lang makalayo sa kanilang lahat. Wala naman akong galit sa kanila pero gusto ko munang makalayo sa ala-alang nagbigay ng matinding sakit sa akin.

"Ikaw kaya?"

Nakakunot noo akong napatingin dito.

"Anong ako?"
Ngumisi muna ito bago nagsalita.

"Kailan mo balak puntahan ang paboritong lugar ni Deianira?"

Napailing ako sa tanong nito at itinuon ang atensiyon sa langit. Maganda ang kalangitan ngayon kaya hindi ito nakakasawang pagmasdan.

"Napakalayo ng Greece dito."

Nagulat na lang ako dahil sa bigla-bigla nitong paghampas sa ulo ko. Kung hindi lang siya babae baka kanina ko pa 'to nagantihan.

"Ang yaman mo tapos hindi mo kayang bumili ng plane ticket? Torpe kana nga, kuripot pa."

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at binato ko siya libro na agad naman niyang nailagan.

"Galit kana niyan? Kaya pala hindi ka magawang magustuhan ni Deianira. Tskk tskk." Naiinis akong nakangiti dito pero hindi pa rin siya tumitigil. "Kung ikaw ang pinili ni Deianira?" nagmukha siyang nag-iisip kahit wala namang utak. "Siguradong bugbog sarado siya. HAHAHAHA!"

Tumayo ako para paalisin siya pero lumayo ito sa akin at pumunta sa mini garden ng opisina ko para magtago.

"UMALIS KANA DITO!"

Tumawa siya at pagkatapos ay nagpakita sa akin.

"Bakit pala ako nagtatago sa mismong kompanya NAMIN?"

Diniinan niya pa talaga ang salitang namin para ipamukha sa akin na sa kanila ako nagtatrabaho.

"Edi ako ang aalis."

Panakot ko sa kaniya ta seryosong bumalik sa aking lamesa at sinimulang kunin ang aking mga gamit.

Ramdam ko naman ang pagkataranta nito kaya dali-dali itong lumapit sa akin upang pigilan ako.

"Hoy Vonkla joke lang naman. Huwag mo namang seryosohin ang biro ko dahil medyo totoo naman HAHAHA!"

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang pigilan ang pagtawa ko.

"Ganyan ka ba humingi ng tawad? Kaya pala hindi ka magawang patawarin ni Acheros."

Inaasahan kong malulungkot ito at titigil sa pagtawa pero mas lalo lang siyang tumawa sa akin at kinuha ang kaniyang telepono.

"I'll try to call Dark para humingi ng tulong sa pag-iinarte mo."

Kumunot ang noo ko pero hunintay ko na lang ang susunod niyang gagawin.

"Hoy Dark! Nagiging Vonkla na naman si Tavarious!" sigaw nito kahit napakalapit ng telepono niya.

"Problema mo na yan HAHAHA. Paki ingatan na lang 'yan ha."

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Hindi ko inaasahang magkaibigan na pala ulit ang dalawa. Ang buong akala ko ay may galit pa rin si Acheros sa kaniya.

"Miss ka na raw niya kaya uuwi na daw siya bukas sa Pinas."

Mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya minadali kong lapitan ito para kunin ang selpon.

"Sabihin mo na rin sa kaniya ang lahat para hindi na siya magtanim ng galit sa'kin. Bye!"

Pagkaputol ng tawag ay hinarap ako ni Cath ng nakangiti. Isa pa 'tong manloloko.

"Actually, si Acheros ang nag-utos sa akin upang sabihin sa'yo ang lahat at habang nagagalit ka sa kaniya, nag-aalala naman siya sa'yo."

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero para itong gumaan.

"Bakit ikaw pa ang ginamit niya? Pwede namang siya ang magpaliwanag hindi ba?"

Bago ako makatanggap ng sagot ay mas nauna akong makatanggap ng batok.

"Manhid ka ba? Malamang hindi niya kayang maipaliwanag sa'yo ang lahat kasi saksi siya sa lahat ng nangyari at hindi siya makapaniwalang nawala na ang FIANCE niya at isa pa alam niyang first love mo ang FIANCE niya."

Inayos ko ang buhok at ang damit kong medyo nagusot dahil sa pagiging makulit niya.

"Kailangan ba talagang ipagdiinan ang salitang fiance? Hindi ako magnanakaw ng fiance, stupid." nakangiti lang ako habang nagsasalita pero bigla akong napasigaw dahil sa pagsabunot niya sa'kin."G*go!!!"

"I graduated Summa Cum Laude in US so don't you dare call me stupid!"

Natatawa itong binitawan ang aking buhok na parang wala siyang ginawa.

"Akala ko ba dadamayan mo'ko? Umalis kana lang kaya dito?"

Umupo ako sa aking upuan habang hinihilot ang sumasakit kong ulo.

May kinuha naman ito sa kaniyang bulsa at inilapag sa lamesa.

"Sasama ka sa'kin pabalik sa Pilipinas bukas at hindi ka pwedeng tumanggi. Byee!" nakangiting saad nito at padabog na isinara ang pintuan.

Wala naman sigurong mawawala kung uuwi ako sa Pilipinas at isa pa, may sarili naman akong bahay. Pwede ko namang iwasan si Acheros kapag nagkataon.

"I'm coming home Deia."





Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon