Chapter 6

203 89 0
                                    

Deianira's P.O.V.

"Acheros"

Hindi ko napigilan ang bibig ko sa pagsasalita kaya agad itong humarap sa akin. Halata sa mukha nito ang pagtataka.

"Ikaw muna ang bahala sa meeting Cath. May inaayos pa ako dito."

Sa hindi malamang dahilan ay biglang kumulo ang dugo ko matapos marinig ang pangalang iyon. May kung anong bumubulong sa akin na ang babaeng kinaiinisan ko dati ay ang babaeng kausap niya sa telepono.

Ibinaba niya ang cellphone niya at pagkatapos ay sinuri ako. Medyo nailang naman ako kaya inayos ko ang damit ko na medyo nalukot.

"I'm so sorry miss. Hindi mo kasi ako sinabihan na nandiyan ka pala." saad niya na naging dahilan upang umigting ang tenga ko.

"What? Ako pa ang may kasalanan? Acheros, Acheros.  Hindi mo ba alam kung sino ako?" pagtataray ko dito para sinuklian niya lang ako ng tawa.

"Wala akong planong kilalanin ka at paano ka pala nakapasok sa kompanya KO?" panghahamon niyang saad sakin.

"May kakilala nga kasi akong taga dito kaya pinasama niya ako! Ano okay ka na?" sinubukan ko talagang hindi mainis sa kanya pero biglang tataas ang dugo ko sa tuwing makikita siya.

"Saan ka nga sabi dumaan?!" sigaw niya kaya napatingin ako sa paligid. May ibang nagbubulong-bulongan habang nakatingin sa amin.

'Parang hindi nabaliw sakin dati ah. Kung makasigaw akala mo naman napakalayo ko'

"Dumaan ako sa pinto? Hindi naman ako abnormal na dadaan sa bubong." pamimilosopo ko dito.
Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone nito.

'Pag yung babaeng yun ang tumawag sayo Acheros, swear hindi kayo sisikatan ng araw!'

'Kumalma ka Deianira! Galit ka ha hindi ka nagseselos!'

Kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Hello tito?"

'Good! Akala ko kung sinong hampaslupa ang tatawag sayo.'

"I'll be back po. May inaayos lang ako dito...Yeah sure po..Okay sige po.."

Ibinalik niya ang tingin sakin at nakipagtitigan lang. Sinuklian ko naman siya ng tingin at sa huli ay siya ang nagbawi ng tingin.

'Kahit kailan ay hindi ka mananalo sakin Ache'

"Back to my questiom miss. Paano ka nakapasok sa kompanya ko at saan ka naglalagi dito?" agad niyang tanong at inikot ko na lang ang mata ko.

Bakit pa ako sasagot kung nasagot ko na siya kanina? Sa pagkakaalam ko ay maayos ang pandinig niya kaya hindi ko sasayangin ang laway ko kakasagot sa kanya.

"Inuulit ko miss. Paano.ka.nakapasok.sa.kompanya.ko?" may diin sa bawat bigkas niya.

As if naman matatakot ako sa kanya. Hindi niya ata alam na kayang-kaya ko siyang patayin kong gusto ko.

"Sinama ako ni Tavarious okay? Ano ayos na ba? Huwag kang mag-alala dahil sasamahan ko lang si Tavarious at wala akong planong manggulo dito." diretsong sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

Bigla namang kumunot ang noo niya sa sinabi ko at basta na lang akong hinila palapit sa pinakamalapit na elevator.
Nagpupumiglas ako sa pagkalahila niya pero hindi parin niya ako binitawan at sa halip ay mas lalo itong hinigpitan. Pasalamat lang talaga siya at hindi ko ginagamit ang kapangyarihan ko.

"Pasensya na miss pero hindi pwedeng pumasok ang kung sino-sino lang sa kompanya ko. Hindi ito tambayan kaya maaari ka ng umalis o kung hindi mo gustong umalis ay mapipilitan akong ipakaladkad ka ng mga gwardiya" saad niya na ikinagalit ko.

"Sinong maysabing nandito ako para tumambay? Ikaw na nga ang maysabing kompanya ito diba? Bobo ka ba?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko kaya nay ibang empleyadong napatingin sa amin.

Sasagot na sana siya nang biglang may tumawag sa kanya mula sa likuran.

"Acheros!" biglang umigting ang tenga ko at ang galit ko ay unti-unting namumuo. Pilit ko itong pinipigilan pero hindi ko kaya lalo na't bumabalik sa aking isipan ang mga panahong siya ang pinili ng lalaking minahal ko.

"Nandito ka lang pala! Kanina ka pa hinihintay doon. Hindi na kasi naipagpatuloy matapos kang umalis." saad nito pagkalapit sa amin. Hindi na lang ako sumagot at nakatungo na lang. Pakiramdam ko kasi kapag nakita ko ang pagmumukha niya ay mapapatay ko ito.

"May inaasikaso lang ako Cath." sagot ni Acheros.

Ibinaling niya ata ang paningin niya sakin dahil biglang nagsalita si Catherine.

"Hello miss! Pasensya kana kay Acheros ha. Masyado kasing mainitin ang ulo nito sa mga babae." saad niya pero hindi ko ito sinagot kaya nagsalita siya ulit.

"Narinig ko na si Tavarious ang nagdala sayo dito. Huwag kang mag-alala pwede kang manatili dito. Akong bahala dito kay Acheros, hindi siya marunong pumalag sa akin."

Kusang gumalaw ang aking mga daliri dahilan upang tumigil ang pagtakbo ng oras. Pagkatigil ng oras ay agad ko siyang tinignan.

Sayang naman kung dito ko siya sasaktan. Paano na lang ang kutis niya kung mababalot lang din naman ito ng dugo? Pasensya nalang pero kahit kailan ay hindi ako makikipagkaibigan sa kanya.

Parang may komokontrol sa akin upang  itaas ko ang kamay ko. Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari, basta ang alam ko lang ay gusto ko silang patayin.

Sinasakal ko ito habang binibigyan ng sakit si Acheros. Halata sa kulay ng labi nila na unti-unti na silang nawawalan ng hangin. May parte sa akin ang umaangal sa ginagawa ko pero may parte din sa akin ang nagsasabing kulang pa ang ginagawa ko.

Naglabas ako ng baging at unti-unti itong inilibot sa katawan ni Cath. Panigurado kung alam nila ang ginagawa ko, malamang sa malamang ay sisigaw ito sa hapdi.

'Nikolette gumising ka sa kahibangan mo!'

Hindi ko alam pero kusang tumulo ang luha ko habang unti-unting nilalagyan ng maraming tinik ang baging at unti-unting idinidikit sa leeg niya.

'Hindi ikaw yan Nikolette! Huwag mong pairalin si Deianira'
sigaw ng kung sino sa loob ko.

Binalingan ko ng tingin si Acheros. Kitang-kita sa mata nito ang saya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit siya masaya gayung kanina ay galit na galit ito sakin.

"I'm sorry baby, but you need to sleep and wait for another 100 years"
Naglabas ako ng kutsilyo gamit ang apoy at unti-unti itong inilapit sa kanya. Bigla namang gumalaw ang isa kong kamay upang pigilan ang isa kong kamay.

Malapit ko na sanang masaksak si Acheros nang biglang may kumuha ng kutsilyo ko at walang tigil na kinain ito. Unti-unti ding natutupok ng apoy ang mga baging na ginawa ko.

"Salamat sa pagkain my lady"
Napatingin ako sa taong nagsalita at sinamaan ito ng tingin.

May parte sa akin ang nasiyahan dahil hindi natuloy ang binabalak ko pero may parte din sa akin ang nagagalit dahil sinayang ko ang pagkakataon.

"Anong ginagawa mo dito?"
agad na tanong ko habang hinihipan ang maliliit na sugat nina Acheros.

"Siyempre pinatawag mo'ko"
kaswal na saad nito.

"Salamat Fin. Ibalik mo na sila sa dati" saad ko bago nagteleport papunta sa opisina ni Tavarious.

'Kumalma ka Deianira!'

Kinuha ko ang gamot sa ulo at inamoy ito. Kailangan kong kumalma at baka masira ko ang kompanyang ito.

Naaaliw ako sa paglanghap ng oil nang may biglang pumasok na napakaseryoso.

"Let's talk Deianira"

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon