Third Person's P.O.V
{100 YEARS LATER}
Makalipas ang isang daang taon, ang batang lord na ipinanganak isang daang taon na ang nakalipas ay tuluyang lumaki sa pagiging matipunong lord. Halos lahat ng diyosa ay nabighani sa kaniyang angking lakas at pangangatawan, pero lingid sa kanilang kaalaman na ang matipunong lord ay may napupusuan ng diyosa.
"Nasa hardin ang aming Diyosa." saad sa kaniya ng isa sa mga katulong na nagbabantay sa kwarto ng Diyosa.
Magalang siyang nagpaalam dito at agad tinungo ang kinaroroonan ng Diyosa.
"Nikolette! Nikolette!" sigaw ng Diyos habang inililibot ang paningin sa napakalawak na hardin ng Diyosa.
"Pou eísai?" (Where are you?")
Dahil sa tanong niyang iyon ay nagpakita sa kaniya ang Diyosa. Nakangiti ito habang papalapit sa kaniya habang dala-dala ang isang kulay pulang rosas.
"Ti káneis edó?" (What are you doing here?)
Hinapit ng Diyos ang beywang ng Diyosa palapit sa kaniya at hinagkan ang noo nito.
"Gusto ko lang masilayan ang iyong ganda, mahal na Diyosa."
Napatawa ang Diyosa sa sinabi nito kaya mas lalong natuwa ang Diyos.
"Hindi ko alam na magiging ganito pala ka corny si Acheros sa susunod niyang buhay." mahinang bulalas ng Diyosa.
Napakunot naman ang noo ng Diyos at agad tinanong ang kasintahan.
"Maaari ko bang marinig ang iyong sinabi? Pagpasensiyahan mo na pero napakahina talaga ng iyong boses."
Hindi na napigilan ni Deianira ang kaniyang malakas na pagtawa.
"Wala naman akong sinabi." Bumalik sa isipan ni Deianira ang pagkalito kung bakit nandito ang kasintahan.
"Bakit ka ulit nandito? Hindi ba sabi mo sa'kin ay may pupuntahan kang misyon?" nakataas kilay na tanong niya.Napangiti si Acheros sa pagtataray nito dahil kahit anong pagtataray ni Deianira ay mahahalata pa rin sa mukha nito ang pagbibiro.
"Gusto lang talaga kitang makita at gusto kong tuparin ang pangako ko sa'yo."
Napakunot ang noo ng dalaga at hinintay ang sasabihin nito.
"Kinalimutan mo talaga?"
Mahinang tumango si Deianira pero may alam na siya kung ano ang gustong sabihin ng kasintahan.
"Tumalikod ka muna, mahal na Diyosa."
Ginawa ni Deianira ang utos nito at pagkatapos tumalikod ni Deianira ay lumuhod si Acheros at inilabas ang singsing na binili niya galing sa mundo ng mga tao.
"Maaari ka ng humarap."
Napangang si Deianira sa kaniyang nakita.
Deianira's P.O.V
May alam ako sa gusto niyang sabihin sa akin pero iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag nasa sitwasyon kana.
BINABASA MO ANG
Coquettish Nonpareil
FantasíaAcheros is the reincarnation of the Goddess first love 100 years ago na nagbigay sa kaniya ng hindi malilimutang sakit at pighati na naging dahilan upang ipadala siya ng kaniyang ama sa mundo ng mga tao para makalimutan ang sakit. Maayos na sana ang...