EPILOGUE

170 4 0
                                    

Third Person's P.O.V

"Let's all hail to our Lord Acheros and Goddess Deianira for their successful union."

Lahat ng Diyos at Diyosa ay masayang pumapalakpak habang nakatingin kina  Acheros at Deianira na kasalukuyang pinapakain ang kanilang biyaya mula sa maykapal.

"Let's all welcome our little God, Lord Phoenix Flynn!"

Ang nasabing bagong little God ay ang anak nina Acheros at Deianira na pinaniniwalaang reinkarnasyon ng napayapang Diyos na si Phoenix.

Walang naging tutol si Acheros sa ipinangalan ni Deianira sa kanilang anak dahil may utang na loob si Acheros dito. Alam ni Acheros kung gaano kalaki ang isinakripisyo ni Phoenix para lang makasama niya si Deianira.

"Anong iniisip mo ama?"

Napalingon si Acheros sa anak niyang lumapit sa kaniya at kinarga ito paupo sa kaniyang paa.

"Iniisip ko lang kung bakit ako binigyan ng malakas na anak." nakangiting saad ni Acheros sa anak.

Dahil sa tuwa ng anak niya ay naglabas ito ng apoy pero dahil sa bata pa ito, ang apoy ay naging usok.

Nalungkot ang bata at biglang umiling kay Acheros.

"Hindi ako malakas ama. Nagkakamali po kayo."

Nakakamanghang isipin na kahit bata pa lang ito ay tuwid na itong magsalita.

"Sinong nagsabi sa iyong mahina ka?Mana ka kaya sa akin."

Parehong napatingin ang mag-ama sa nagsalita at pareho silang napangiti ng makitang si Deianira ito.

"Inaway ka na naman ba ng iyong ama?" tanong ni Deianira sa anak habang nakatingin ng masama kay Acheros.

Umiling ang anak nila at tumingin kay Acheros.

"Nakita ko po na malungkot ang ama kaya nilapitan ko siya para pasayahin."

Hinaplos ni Deianira ang mukha ng anak at nginitian ito.

"Napakabait mo naman anak. Saan ka kaya nagmana?" pabirong saad ni Deianira.

Alam kasi ni Deianira sa kaniyang sarili na malabong magmana sa kaniya ng kabaitan ang anak dahil alam niyang hindi siya isang mabuting Diyosa.

"Sabi ng ama na nagmana raw ako sa kaniyang kaibigan. Totoo ba 'yon ina?  Hindi ba't ang anak ay dapat magmana lang sa kaniyang mga magulang?"

Umupo ng maayos si Deianira dahil alam niyang gustong makipagkwentuhan ang anak.

"Wala namang masama kung magmana ka sa kaibigan ng iyong ama dahil talagang napakabait niya at napakatapang."

Kumislap ang mata ng kaniyang anak at halatang namamangha ito sa kaibigan ng kaniyang ama.

"Nasaan po ang kaibigan ni ama? Ano po ang taglay niyang kapangyarihan? Nasaan po siya ngayon?"

Hindi mapigilan ng anak ni Deianira ang pagbibitaw ng maraming tanong kaya napatawa na lang siya at sinensyasan si Acheros na siya na lang ang sumagot na agad naman nitong nakuha kaya nagsalita ito.

"Bakit mo ba pinapaulanan ng mga tanong ang iyong ina? Nasa isang kasiyahan tayo ngayon kaya dapat tayong makisalamuha sa ating mga nasasakupan."

Paglilihis ni Acheros sa usapan pero hindi pa rin tumigil ang kaniyang anak at sa halip ay inaway pa siya nito.

"Hindi naman ikaw ang aking ina at may pinag-uusapan kaming dalawa."

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon