Chapter 9

150 71 2
                                    

Third Person's P.O.V

Nagdadabog si Tavarious habang naglalakad papunta sa HR. Naiinis siya sa katotohanang nautusan na naman siya ni Acheros. Napansin kasi ni Tavarious na palaging siya ang nauutusan nito kahit may sekretarya ito.

"Bakit ganyan ang mukha niyo sir?"
Agad na napatingin si Tavarious sa nagsalita.

"Ah eh wala naman manang hehe" saad niya sabay kamot sa kanyang ulo.

"Naku sir, kung may problema ka sa trabaho niyo ayos lang yan dahil normal naman talaga iyan." saad ng matandang ginang sa kanya.

Tumango si Tavarious dito at ngumiti bago nagsalita.

"Nasa loob po ba si Ms. Cruz?" tanong ni Tavarious dito.

Ngumiti naman ng nakakaloko ang ginang at tahimik na tumango. Napailing na lang si Tavarious sabay pasok sa opisina ni Ms. Cruz.

"Ikaw na naman? Sababihin mo nga sakin kung talagang manager ka ba o sekretarya ni sir Ache"

Hindi sumagot si Tavarious dito at agad sinabi ang kanyang pakay.

"Ibigay mo na lang sakin ang mga report about sa meeting kanina at please lang pakibilisan." saad ni Tavarious sabay upo sa harap ng lamesa nito.

"Edi ikaw ang maghanap. Napaka demanding mo masyado." saad ni Ms. Cruz bago nakasimangot na tumayo.

Tahimik lang si Tavarious habang inililibot niya ang paningin sa loob ng opisina nito. Namangha siya sa awra ng opisina nito. Ngayon lang kasi niya napagtuonan ng pansin ang loob ng opisina dahil hindi naman siya nagtatagal sa loob dahil palagi silang nag-aaway ni Ms. Cruz.

Naputol ang pag-iisip ni Tavarious nang may humampas sa lamesa kaya agad siyang napatingin dito. Galit na Ms. Cruz ang nakita niya pero hindi siya nabahala at sa halip ay agad niyang kinuha ang mga papeles at walang pasabing umalis.

Lakad takbo ang ginawa niya papunta sa opisina ni Acheros. Paminsan-minsan ay napapatingin sa kanya ang ibang empleyado at pagkatapos ay pinagtsitsismisan siya.

"Ito na l---" naputol ang pagsasalita ni Tavarious nang makitang wala si Acheros. Inilagay niya na lang ang mga papeles sa lamesa nito at agad tinungo ang kanyang sariling opisina.

Pagbalik niya sa opisina ay isang nakangiting Deianira naman ang naabutan niya.

'Maganda na sana kaso weirdo' saad ni Tavarious sa kanyang isipan.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni Tavarious sa nakangiting Deianira habang paupo sa harapan nito.

"Bakit? Ayaw mo ba kapag nakangiti ako?"  saad ni Deianira at mas lalong nilakihan ang ngiti na naging dahilan upang mapangiwi si Tavarious.

"Para kasing may binabalak ka?" patanong na sagot ni Tavarious at tumango naman si Deianira.

"Hindi ko lubos akalain na matalino ka pala Tava hehe. May favor sana ako?" saad ni Deianira at ginamitan ng hipnotismo si Tavarious.

"Anong kailangan mo?"

"Gusto kong magtrabaho sa kompanyang ito." saad ni Deianira at agad namang tumango si Tavarious. Nang makita ni Deianira ang pagsang-ayon ni Tavarious ay agad niyang kinuha ang ibinigay niyang hipnotismo.

Biglang napailing si Tavarious at kinusot ang kanyang nata bago tinignan muli si Deianira.

"Ano nga ulit ang sabi mo?" tanong niya dito.

"Magtatrabaho ako dito" inayos ni Deianira ang buhok niya bago nagpatuloy. "So, kailan ako nagsisimula?" nakangiting tanong niya kay Tavarious.

"Pumayag ba 'ko?" nanghahamong tanong ni Tavarious na sinuklian lang naman ng tawa ni Deianira.

"Ofcourse! So kailan ako magsisimula?" mapang-asar na sagot niya kay Tavarious.

"Wala kang pruweba na pumayag ako Deianira" nakangising saad ni Tavarious.

Ngumisi lang si Deianira sa kanya at muling ginamit ang hipnotismo. Kinuha niya ang isang pirasong papel at isinulat ang kasunduan nila.

"Diba papayag ka na magtrabaho ako dito?" nakangiting tanong ni Deianira sa lutang na Tavarious.

"Yes, my lady" saad ni Tavarious at agad namang ibinigay ni Deianira ang papel at pinaperma si Tavarious.

Ngiting tagumpay si Deianira matapos makita ang pirma ni Tavarious. Ipinitik niya ang dalira upang mawala ang hipnotismo.

Nalilitong napatingin si Tavarious sa papel na hawak ni Deianira.

"Nasaan na ang pruweba mo Deianira?"

Itinaas ni Deianira ang papel at nagulat naman si Tavarious kung bakit nakita niya ang sariling pirma.

"Teka! Paanong? Hindi ko maalala na pumirma ako at ngayon ka lang naman nagtanong." saad ni Tavarious habang sinusuri parin ang papel.

Nagkibit balikat lang si Deianira at lihim na napangiti sa reaksiyon ni Tavarious.

"Hoy Deianira! Siguro ay inaral mo ang pirma ko 'no?"

"Aanhin ko naman ang pirma mo? Tsaka baka hindi mo maalala dahil marami kang iniisip." walang ganang sagot ni Deianira.

"Sige, isipin natin na pumirma ako pero wala ka pang interview at hindi ko din alam kung ano ang kaya mong gawin." diretsong tanong ni Tavarious.

"Edi interviewhin mo ako at paano mo malalaman ang mga kakayahan ko kung hindi mo ako tatanggapin? Pinapalala mo pa ang sitwasyon." malditang sagot ni Deianira.

Napabuntong hininga na lang si Tavarious habang napakamot sa kanyang ulo.

"Sige introduce your self muna at sabihin mo ang mga kaya mong gawin." kalmadong saad ni Tavarious.

Inikot muna ni Deianira ang kanyang mata bago sumagot pero hindi tumitingin kay Tavarious.

"Deianira Nikolette may dugong mabait at maganda. Kaya kong gawin lahat kaya tanggapin mo na lang ako. I'm sure gagaan ang pakiramdam mo."

Hindi alam ni Tavarious na sa bawat bigkas ni Deianira ay may halong mahika upang manlinlang. Kaya hindi tumitingin si Deianira dahil hindi niya kayang tignan ang inosenteng si Tavarious.

"Sige na nga. Bukas ay makakapagsimula kana" blangkong saad ni Tavarious.

"Sige salamat."

Napatingin si Tavarious sa walang ganang sagot ni Deianira.

"Akala ko ba ay gusto mong magtrabaho dito? Bakit hindi ka masaya?" nagtatakang tanong ni Tavarious.

'Paano ako matutuwa kong alam ko na ang mangyayari' saad ni Deianira sa kanyang isipan.

"Masaya naman ako, sadyang may bumabagabag lang sa akin." 
Isang ngiti ang ibinigay ni Deianira dito para maging kapanipaniwala.

"Ano yun? Pwede mong sabihin sakin at baka matulungan kita." nag-aalalang saad ni Tavarious.

"Hindi naman importante."

Tumingin si Tavarious sa kanyang relos at napagtanto niya na malapit na palang matapos ang lunch time.

"Kumain na muna tayo sa labas at tuturuan kita sa mga gagawin mo" imbita ni Tavarious kay Deianira.

Umiling si Deianira at tumayo para ayusin ang kanyang damit.

"Pasensya kana Tava pero may lakad kasi ako ngayong hapon at baka hindi na ako makabalik dito." pagpapaumanhin ni Deianira.

"Magkikita naman tayo bukas." pagpapagaan niya kay Tava dahil sa nanlulumong reaksiyon nito.

"Okay..See you" saad ni Tavarious at binigyan ng isang pilit na ngiti si Deianira.

"SEE YOU TAVA!!!"









Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon