Acheros P.O.V
Nilakihan ko ang hakbang ko papunta sa parking lot. Banas na banas ako sa mga utos ni Catherine. Pasalamat talaga siya at importante siya sakin kundi hahayaan ko talaga siya sa buhay niya.
~kring~ ~kring~
Inis kong kinuha ang cellphone ko bago sinagot ang tawag. Hindi ba talaga siya makapaghintay sakin?
"Hello Cath?" pinalambot ko ang boses ko para hindi niya mahalatang naiinis ako sa kanya.
"Asan kana ba Acheros? Kanina pa ako naghihintay dito!"
Kahit kailan talaga ay hindi siya marunong maghintay. Ewan ko ba sa babaeng 'to parang laging may lakad.
"Nakalimutan mo bang inutusan mo 'ko?"
Ibinaba ko naman ang paningin ko sa mga binili ko. Inutusan niya kasi akong bumili ng sanitary napkin at hindi ko maiwasang mahiya pero dahil kaibigan ko siya, wala na din akong nagawa kundi ang pumayag.
"Nabili mo ba lahat? Huwag mong bilhin lahat ng makikita mo! Isang brand lang ang ginagamit ko!"
Wala nga siyang ibinigay na bayad sakin tapos lakas pa niya makademand.
"Oo na! Huwag kang atat okay? Babalik na 'ko diyan sa kompanya kaya huwag kang magulo." isang malakas na tawa ang pinakawalan niya bago ako sinagot.
"Kinakamusta ko lang naman kung ayos lang ba sa isang CEO ang bumili ng napkin HAHAHAHAHA. Akalain mo yun isang Acheros Dark Martinez bibili ng napkin sa mall HAHAHAHA"
Isa akong respetadong tao pero minamaltrato lang ako ng babaeng 'to. Panigurado kapag may nakakita sakin na empleyado malamang pagtatawanan ako at baka mawalan na ito ng respeto sakin.
"I'll end the call Cath. Hintayin mo na lang ako diyan"
Gusto ko pa sanang makipag-away sa kanya pero may kung ano sa loob ko ang nagsasabing kailangan kong lingunin ang likuran ko.
"Okay! Take care mejor amigo!!"
Pagkatapos kong marinig ang sinabi ni Cath ay agad kong ibinaba ang telepono at lumingon sa likuran ko.
Tila nabigla ako sa nakikita ko. May kung ano sa loob ko ang natutuwa nang makita ang babae at parang may bumubulong sa akin na dapat ko itong lapitan at hagkan pero ayon sa nakikita ko, masama ang tingin ng babae sakin na kahit anong oras ay pwede niya akong patayin.
Dahil sa takot ko ay agad akong pumasok sa sasakyan at agad itong binuhay. Siguro nahihibang lang ako at baka ilusyon ko lang ang lahat.
Binigyan ko pa ito ng isang tingin mula sa rear view mirror bago ko napagdesisyunang lisanin ang lugar.
Deianira's P.O.V
Nang nakita ko siyang pasakay sa kanyang sasakyan ay agad kong pinitik ang daliri ko upang mapatigil ang oras. Hindi ko pa kasi alam kung paano kumuha ng sasakyan kaya sariling sikap muna si ako. Pagkatapos huminto ng oras ay agad 'kong ginawang invisible ang sarili ko at pumasok sa sasakyan niya.
May parte sa katawan ko ang nangangating gawin ang matagal ko ng balak pero pinipigilan ko lang ito dahil baka ipatawag ako ng aking ama. Ipinitik ko ulit ang daliri ko at tahimik na nakatitig sa kanya mula sa likuran. Nagtataka lang talaga ako kung bakit nandito siya dahil ako mismo ang nagbigay ng parusa sa pamilya nila. Walang lalaki ang isisilang sa kanilang angkan.
Nang maramdaman ko na hihinto na ang sasakyan ay agad kong ipinitik ang daliri ko at dali-daling lumabas. Lumayo ako sa sasakyan bago ibinalik sa dati ang katawan ko at ibinalik ang paggalaw ng oras.
BINABASA MO ANG
Coquettish Nonpareil
FantasyAcheros is the reincarnation of the Goddess first love 100 years ago na nagbigay sa kaniya ng hindi malilimutang sakit at pighati na naging dahilan upang ipadala siya ng kaniyang ama sa mundo ng mga tao para makalimutan ang sakit. Maayos na sana ang...