Chapter 1

425 109 8
                                    

Third Person's P.O.V

Deianira wanted to burst into tears. Kanina pa siya paikot-ikot sa parke kung saan sila dinala ng lagusan. Kanina pa siya naghahanap sa assistant niyang si Phoenix. Ang buong akala niya kasi ay sabay silang dadating sa mundo ng mga tao pero bigla itong nawala nang malapit na silang tumapak sa lupa. Mabuti na lang at may alam pa si Deianira sa lenggwahe ng mga tao at nakikibalita parin siya sa mga bagong ganap sa mundo kaya hindi siya gaanong nahirapan sa pakikipaghalubilo.

Magtatatlong oras na siyang paikot-ikot sa lugar pero kahit anino man lang ni Phoenix ay hindi niya nakita. May mga pinagtanongan na rin siyang mga tao pero lahat ng ito ay pinagtatawanan lang siya. Dahil sa pagkalito, naisipan niyang lumapit sa isang coffee shop at tinignan ang repleksyon niya sa salamin. Bigla namang ngumiwi ang mukha niya sa nakita. Hindi niya kasi inaakala na napakadungis niya palang tignan. Bigla naman siyang ngumisi sa naiisip na paraan.

Ipinitik niya ang daliri ng palihim bago tinignan ang paligid. Napangiti naman siya sa kanyang nakikita. Ipinitik niya ulit ang dalawa niyang daliri at awtomatikong may perang lumabas sa kamay niya. Napatingin siya sa paligid at nakita niya ang isang eco bag na walang laman kaya naisipan niyang ilagay doon ang pera.

Ipinitik niya ulit ang daliri upang ibalik ang paggalaw ng oras. Kung kanina ay nababahala siya sa maaaring sapitin niya sa mundo ng mga tao, ngayon ay nagpaplano na siyang sa mundong ito nalang siya maninirahan.

Deianira's P.O.V

Malaki ang ngiti ko habang hinahanap si Phoenix. Napakadali lang kasi para sakin ang manirahan sa mundong ito. Ayon sa mga nakukuha kong balita, pera ang pinakaimportante sa mundong ito at madali lang sakin ang gumawa ng pera kaya masasabi ko na magiging maganda ang buhay ko dito.

Kung hindi na lang kaya ako bumalik sa mundo namin?

Napailing na lang ako sa naiisip. Hindi pwedeng magpakasaya ako dito lalo na't ito ang lugar ng mga mapanlinlang. Kailangan ko lang isipin palagi ang mga masasamang ala-ala sa mundong ito upang hindi ako sumaya sa mundo nila.

"Excuse me miss, ayos lang po ba kayo?" Napalingon naman ako sa likod ko.

Pinasadahan ko ito ng tingin at masasabi ko na HINDI SIYA PASADO SA STANDARDS KO pero pasok siya sa pagiging playboy.

Nagtataka itong tumingin sakin na para bang kinakausap ang sarili.

"Ayos lang ako. Ano pala ang kailangan mo?"

teka, masyado bang pormal? Naiilang kasi ako kapag nagsasalita gamit ang lengwahe nila.

"Nagtataka lang ako kung bakit ka nagbibilad sa araw. Sayang kasi ang pagiging maputi mo kung ibibilad mo lang."

Napangisi na lang ako sa sinabi nito. Hindi sa mabilis akong humusga ng tao pero nakikita ko kasi sa kanya ang larawan ng pagiging babaero.

"Ayos lang ako. Salamat sa iyong pagtatanong. Paumanhin, pero kailangan ko ng puntahan ang dapat kong puntahan. "

Bigla naman siyang napatawa sa sinabi ko. Kahit kailan talaga, napakawalang galang nila.

"Saan ba ang punta mo? Pwede kitang ihatid doon at pwede bang huwag kang maging pormal masyado?"

Sinuri ko ulit ito at wala naman akong nakikitang masamang intensyon kaya pumayag na rin ako. Mabuti na nga yun para mapadali ako sa gagawin ko.

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon