Chapter 35

48 7 0
                                    

3 months later....

Deianira's P.O.V

"Bang your head!"

"Life is getting easier without you!~"

Tatlong buwan na ang lumipas pero hindi ko pa rin kayang magpakita sa kanila kahit alam kong alam nila kung nasaan ako.

"Come on Deia!"

Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa aking likuran bago ko ito nginitian.

"Later Paul"

Tumango ito sa akin bago pumunta sa dance floor.

Sa tatlong buwang pagtatago ko sa kanilang lahat, hindi ko alam kung paano ako napadpad sa lugar na ito. Wala sa aking plano ang tumambay sa isang bar para lang makalimutan ang pagkawala ni Phoenix. Plano kong mamuhay ng normal pero unti-unti kong napapansin ang kabaliktaran.

Unang pasok ko dito ay muntik pa akong makagawa ng away pero mabuti na lang at naiwasan ko kaagad ito. Takot na takot ako sa lahat ng tao dahil baka masaktan ko sila kagaya ng ginawa ko kay Acheros.

"I think we should dance, Queen."

Agad kong inilayo ang sarili ko sa lalaking hahalik sana sa pisngi ko.

"I can't. I'm tired."

Nanlumo ang mukha nito pero hindi ako nadala dahil alam kong peke ang reaksiyon niya.

"I want to dance with you, Queen. Just give me a chance."

Nginitian ko ito bago sinagot.

"I'm so sorry but I won't, so please leave."

Mabuti na lang at hindi matigas ang kaniyang ulo at umalis siya kaagad.

Hayss..

Sa palagi kong pagpunta sa bar na ito ay nabansagan na akong reyna nila. Halos lahat ng oras ko ay inilalaan ko sa bar na ito na kahit ang mismong bahay ko ay pa minsan-minsan ko na lang inuuwian.

"My Lady"

Pakiramdama ko ay nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan.

Hindi ako pwedeng magkamali. Iisang tao lang ang kilala kong may matapang na boses.

"Flynn?"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses pero wala namang tao.

"Deianira"

Tubig lang ang ininom ko kaya imposibleng malasing ako.

"Magpakita ka sakin Flynn."

Para akong timang habang nagsasalitang mag-isa.

"Keep walking Deia."

Dahil sa narinig kong boses ay agad kong pinuntahan ang pinanggalingan nito.

"Wait for me Flynn."

Habang naglalakad ako ay panay ang lingon nila sa akin. Siguro iniisip nilang nababaliw na talaga ako.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang aking vip room. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dali-dali itong binuksan,. At sa aking pagbukas ay agad sumalubong sa akin ang nakangiting Phoenix.

"FLYNN!!"

Dinamba ko siya ng yakap habang tumutulo ang mga luha. Hindi ko alam kung isa na naman ba itong panaginip o talagang buhay siya.

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon