Chapter 26

41 13 0
                                    

Deianira's P.O.V

Tutal araw naman ng emergency ngayon, gagawa ako ng tunay na emergency. Tingnan lang natin kung wala bang pumunta sa'kin ngayon.

Itinaas ko ang aking kamay sabay pikit habang iniisip ang isang tao.

"Theá Gia ména, i akoí mou ... To Patepacio thymízei ólous mas!"

"Theá Gia ména, i akoí mou ... To Patepacio thymízei ólous mas!"

"Theá Gia ména, i akoí mou ... To Patepacio thymízei ólous mas!"

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang hindi siya ang nasa harapan ko kung hindi ang pinsan ko. Kailan pa'ko nagkamali sa mga mahika?

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ikaw ang nandito?" tanong ko dito habang sinusuri siya.

Naupo siya sa aking harapan at napapikit na para bang tinatamad.

"Aba malay ko sayo. Natutulog ako ng mahimbing sa bahay tapos nang gumising ako para kumuha ng tubig ay napunta ako dito."

Napailing ako sa kanyang sinabi. Hindi ko naman siya iniisip habang isinasagawa ko ang pagtatawag ng tao pero siya ang dumating.

"Bakit ikaw?" dismayadong saad ko dito na agad naman niyang natunugan kaya lumapit ito sa'kin at hinila ako paupo sa kanyang tabi.

"Minsan kasi insan, ang taong iniisip mo ay hindi ka iniisip o malamang wala ka sa puso niya kaya hindi mo siya kayang tawagin. Pasalamat ka na lang at nandito ako, pwede akong makinig sa mga hinanaing mo." nakangiting saad nito sa'kin bago ipinikit ulit ang mga mata.

Napabuntong hininga na lang ako at humilig sa sofa. Mapanakit talaga ang mga kauri ko, pisikal man o emosyonal.

"Bakit wala ako sa puso niya? Ang sabi naman niya, mahal niya raw ako."

Ilang minuto pa ang dumaan bago ito sumagot na tila nag-iisip muna siya kung paano sasagot ng hindi ako masasaktan.

"Baka kasi ano..Ano..Baka..you know." nakapikit na saad nito pero halata sa boses nito ang kaba.

Naisipan ko tuloy palibutan siya ng baging para kahit papaano ay matakot ito sa'kin.

"Kapag hindi mo inalis ang mga baging na ito, talagang maghihintay ka ulit ng ilang taon bago ako makita."

Ibang-iba kung magbanta ang pinsan ko at talagang hindi siya nagbibiro sa lahat ng mga sinasabi niya. Minsan ay nawawalan ng preno ang bibig niya pero wala naman kaming magagawa dahil buhay niya naman yun at nakakatulong naman siya upang hindi kami maloko ng kahit sino.

"Ayusin mo kasi ang sagot mo. Hindi naman ako naaapektuhan." matapang na saad ko dito.

Ibinuka niya ang kanyang kaliwang mata bago nagsalita na sana hindi niya na lang ginawa.

"Hindi ikaw ang nagmamay-ari ng puso niya o baka may lugar ka lang pero hindi kasing laki ng taong minamahal niya. Sa mundo ng teleportation, dapat mas lamang ka sa mga pinapahalagan niya para gumana ang mahika. Katulad ko, lamang ka sa lahat dahil ikaw ang itinuturing kong batang kapatid kaya kahit hindi ako ang iniisip mo, ako ang napunta dito dahil hindi ka kailan man nawala sa puso at isipan ko." paliwanag nito sa'kin.

Napapikit ako sa sagot niya. Pinipigilan ko ang luhang malapit ng tumulo. Nakakahiya kasing ipakita sa kanila na ang Diyosa ng sakit ay nasasaktan.

Third Person's P.O.V

Nagtaka si Drystan kung bakit wala siyang nakuhang sagot kaya ibinuka niya ang kanyang mga mata para tingnan ang pinsan at laking gulat niya  ng unti-unting namumula ang mukha nito habang may luhang tumutulo na pilit nitong inaalis.

Coquettish NonpareilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon