SIMULA
"Iris! Sabi ni President, samahan mo siyang bumili ng gitara mamaya." Tinanguan ko na lang ang sinabi ng blockmate ko at bumalik sa pag-aayos ng chords ng isinusulat kong kanta.
Kasalukuyan akong nasa music club ngayon dahil vacant ko. I have a project na kailangan kong magpasa ng sarili kong composition ng kanta. I was busy these past few days kaya hindi ko pa natatapos.
Ibinaba ko ang gitarang hawak ko at kinuha ang papel mula sa music stand. My work is kinda lame dahil distracted din ako at naghahabol ng requirements sa isang subject ko. Tapos kino-contact pa ako ng recording company na pinapasukan ko para mag-live recording. Shet. Nakaka-stress.
"Wow. You look so stressed, Sav. Ayos ka lang?" Tanong ng kaibigan ko habang may hawak na burger at nilalantakan iyon.
"Stressed talaga ako. Damn, Aeshiea, can you tell me why did I took Music Education?" Ani ko sa kaniya habang nakatitig sa mga music sheets sa na nagkalat sa harapan ko.
Tinawanan ako ng gaga pero nang samaan ko siya ng tingin ay nag-seryoso rin siya.
"You want to prove to your parents that music will never ruin your life. Cheer up girl, just talk to me if you need help, okay?" She answered. She tapped my shoulder before going inside the studio because the Secretary called her.
Damn. These are stressing me out.
Minutes after, my phone rang. Medyo nahirapan pa ako hagilapin kung nasaan iyon dahil puro music sheets ang nasa harapan ko. Natagpuan ko ito sa monoblock chair at muntik pang malaglag.
Tiningnan ko ang caller id at nakitang na manager ko ito. Chineck ko muna ang date ngayon, it's not my deadline yet. Sana hindi ako masermonan shems.
Sinagot ko ito at pinilit gawing pormal ang boses ko.
"Miss Ailee? Napatawag po kayo?" Maingay ang paligid ko dahil sa nagsidatingan ang mga club members kaya tumayo ako at lumabas.
"Sav, I know that you're busy. Pero we need you here later at 6. You need to be here for the live recording." Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. Tuesday pa lang ngayon at Saturday pa ang napagkasunduan naming araw. Napaaga naman yata bigla?
"Miss Ai, I can't. You know that I'm hella busy right now. I need to prioritize my studies first." Diretsang saad ko. Kapag nalaman ni Mommy na may ibang bagay akong pinagkakaabalahan maliban sa pag-aaral, paiimbestigahan na naman ako n'on!
Rinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Miss Ai mula sa kabilang linya, halatang naguguluhan na kung ano ang gagawin.
"Ganito na lang Miss Ailee, sa Saturday po natin re-sched. Tapos, maaga pa lang pupunta na ako. Just give me the number of the Head Director, ako na po ang kakausap sa kaniya." Saad ko habang kinokolekta ang music sheets para magligpit na. Dumapo ang tingin ko sa orasan at nakitang limang minuto na lang bago ang next subject ko.
"You sure, Sav? Alam mong never mo pang kinausap ang Head. Pero sige, I'm expecting something from you, okay? I'll send you his email and contact number para ikaw na ang kumausap sa kaniya. I need to go now, thank you Sav." Ngumiti na lang ako kahit hindi niya nakikita.
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...