Kabanata 5

142 18 0
                                    

KABANATA 5



Nagising akong mabigat ang pakiramdam ko. Ang sakit ng ulo ko na para bang binibiyak ito. Sinipat ko ang leeg ko at napamura ako nang marealize kong nilalagnat ako. Tangina naman.



Idinilat ko ang mata ko na halos hindi ko magawa dahil sa bigat ng talukap ng mata ko. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napagtantong nasa unit ako ni Levi. Ano na namang ginagawa ko rito?



Hindi ko pinilit na makatayo. Shit, hindi ko nga siya napapasalamatan at hindi ko pa natatanong sa kaniya kung p'ano niya ako nadala dito n'ong nag-bar kami dahil umalis kaagad ako n'ong makita ko si Aeshiea.



Geez, I looked like a jealous girlfriend in there!



Kahit malabo ang paningin ko ay nakita ko siyang patungo sa kama habang may bitbit na tray.



Kailangan ko na talagang magpasalamin. Hays.



"Levi? C-can I ask something?" Mahina kong tanong. Ipinikit kong muli ang mata ko dahil sa hilo na nararamdaman ko.



Naramdaman ko ang paghawak niya sa noo ko.



"Don't. Rest first. Save your questions kapag magaling ka na."



Hindi ako nagpatinag. I won't sleep while there are questions in my head.



"H-how did you b-bring me here? N'ong nasa bar t-tayo?" Mautal-utal kong tanong sa kaniya. Nagiinit ang pakiramdam ko dahil sa lamig at napipigilan n'on ang pagsasalita ko. Pota, kaya ayokong magkakasakit, ang hirap.



"Tss. Kulit." Idinilat ko ang mata ko at pinilit siyang titigan nang masama. He sighed as a sign of defeat.



"Fine. Your friends left you with me. Ibinilin ka sa akin n'ong Aeshiea. That's why kinuha ko ang number niya para ipasundo ka sa kaniya kinabukasan. That's the time when you left me all alone here with her. Why is that?" Natahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Tinalikuran ko na lang siya at nagkunwaring natutulog. Pero ang sinabi niya ay mas lalong hindi ako pinatulog.



"Don't get jealous, love. I don't want to assume."



——



Kasalukuyan akong nasa kusina ng unit ni Levi. I'm here for one whole day! Maayos na ang pakiramdam ko kaya napagdesisyunan kong magluto. Nagising akong wala siya sa paligid kaya nakatakas ako sa pagluluto. I even sneaked inside his walk in closet para makakuha ng pamalit. Long sleeve polo shirt  lang ang suot ko then messy bun. Yeah, I'm just wearing my undergarments inside.



I decided to cook Tinola. It's his favorite food, I guess? Dahil n'ong sinilip ko ang ref niya ay puro ingredients pang-tinola ang nandoon.



Nag-saing na rin ako at naging mabilis lang 'yon dahil sa rice cooker. It was already 7 o'clock in the evening. Bumalik ako sa kwarto niya para kunin ang phone ko. Yes, sa kwarto niya ako natulog pati n'ong nakaraan.



I texted them all na I'm in a good hands. I giggled because of that, para kaming couple ni Levi. Imagine, I'm here in his unit pero we don't know each other that much!



Huli kong binasa ang message ni Aeshiea. Pagka-exit ko ay biglang nag-text si Hiro.



From: Hiro

Sorry. I heard that you're sick. Can I take care of you?



I replied, "no, thank you."  to him. I haven't replied to Aeshiea's text yet kaya tiningnan ko ulit ito.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon