KABANATA 16
"It's your last week staying here. Hindi ka ba masaya na babalik ka na sa Makati?" Tanong ni ate Irithel sa akin habang tinutupi ang damit ng anak niya.
I sighed. Time flies so fast. Wala akong communication sa mga kaibigan ko lalo na kay Levi dahil kinumpiska ni Mommy ang gadgets ko. Na-contact ko sila, isang beses pero hindi ko rin sila nakausap nang matagal.
I've been here for 3 months and 3 weeks. My mother promised me that I'll come back in Makati next week kaya apat na buwan ang stay ko rito. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman, kung magiging masaya ba ako o hindi. Baka nga mamaya, magalit pa ang mga kaibigan ko sa akin. Lalo na si Levi.
I closed my eyes and lay down in my sister's bed. Simula noong sabihin ni Mommy na maaari na akong makabalik next week, nagsimula na akong mag-isip kung ano ang dapat kong gawin once na makabalik na akong Makati.
The number one that worries me the most are my work and studies.
Hindi naman ako nakapag-home schooling. Ang ginawa ko lang dito ay alagaan ang pamangkin ko at sundin si Mommy sa mga gusto niyang gawin ko. Nakapag-sulat na rin ako ng ilang kanta dahil sa boredom. Plus the fact na hindi pa 'ko pinapayagang pumunta sa mall mag-isa.
About Del Rio's company, gusto kong bumalik. Pero paano ako babalik kung si Miss Ailee na mismo ang nagsabi na tanggal na 'ko bilang artist under nila?
"Spacing out again, lil sis. C'mon, try to smile! I miss the bubbly Sav." Isang tipid na ngiti ang binigay ko kay ate Iri. Inirapan niya lang ako saka umiling-iling, halatang hindi kumbinsido sa ngiting ibinigay ko.
"By the way, sa buong stay mo, nakakalimutan kong itanong 'to sa 'yo.." she paused and leveled her face same onto mine. "...Who's Levi?"
Nag-init ang pisngi ko sa tanong na 'yon. Kahit pangalan lang ni Levi, malaki pa rin ang epekto sa akin kahit ilang buwan na ang lumipas, at kahit hindi kami nagkikita.
"H-He's my..suitor.." her mouth formed into an "o" bago impit na tumili.
"Omg! Akala ko may gusto lang sa 'yo tapos manliligaw mo na pala. That's why Mom is so furious about it." Nasapo ko ang noo ko. Ilang buwan na akong nandito pero lagi niyang nakakalimutan itanong? Ibang level ng makakalimutin 'yan ah.
"So..may feelings ka ba sa kaniya?"
Dahan-dahan akong tumango. She's my sister anyway. There's no reason for me to lie about my feelings. I kinda like Levi, sure ako doon. Hindi ko nga alam kung gusto ko lang ba, o mahal ko na. Kahit may pagka-tahimik, mag pagka-masungit, in short, kahit may pagka-abnormal iyon, malakas ang impact niya sa akin.
"What's your plan?" Nagkibit-balikat ako. I'm completely clueless kung ano ang una kong gagawin once na makabalik ako sa Makati. At least, I'm known as Ivy kahit ilang taon lang.
"Speak up, Iris Saveah! Mukha kang nalantay na pechay na 'di nadiligan ng ilang buwan!"
"Ate naman! I'm frustrated okay?!"
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang akong may naibulong sa hangin.
May babalikan pa kaya ako?
Naramdaman ko bigla ang takot. Paano kung napalitan na niya ako? Sa ilang buwan kong pagkawala, imposibleng 'di siya makahanap ng ipapalit sa akin. Imposibleng hintayin niya ako. Hindi nga niya ako naipaglaban sa mommy ko eh.
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...