KABANATA 27
Nakakapanlumo. Nakakapanghina. Wala akong maramdaman na kahit ano. Namamanhid ang buong katawan ko pati na rin ang buong pagkatao ko. Hindi ko matanggap. Ayaw i-proseso ng utak at puso ko ang nangyari. Panaginip lang ba 'to? Hindi naman siguro totoo ang lahat ng 'to 'di ba?
"Iris...Kumain ka na.." tanging iling lang ang sagot na ibinigay ko kay Kairron. Simula n'ong matapos ang operasyon ko at malaman naming wala na si Hiro, hindi na siya lumisan sa tabi ko. Kahit hindi niya 'ko makausap nang maayos ay nandiyan pa rin siya para intindihin ako.
Yumuko ako. Ito na naman, ito na naman ang mga traydor kong luha na bigla-biglang tutulo. Ang sakit. Walang mapaglagyan 'yong sakit. Naninikip ang dibdib ko tuwing magre-replay sa utak ko ang oras ng pagkamatay niya na sana ako na lang 'yong nasa posisyon niya.
I was so selfish to him. He's always there, asking me if I'm doing good and I'm okay. Pero siya, ni isang beses, hindi ko man lang siya tinanong o kinonsulta kung ano ang nararamdaman niya. Kung ayos lang ba siya, kung kailangan niya ba 'ko sa tabi niya. Napaka-wala 'kong kwenta.
"Hiro will curse me to death if you'll not eat, Iris." Dagdag pa niya. Wala 'kong nagawa kun'di kainin ang niluto niya. Ni panlasa nga, wala ako. I can't even tell the taste of the food. Basta makakain lang ako para kay Hiro.
Tumingala ako sa kalangitan. Biglang bumuhos ang ulan. Binuksan ko ang pinto saka itinapat ang palad ko sa ulan.
"A-ayos lang kaya siya?" Wala sa sarili kong tanong. Napaupo ako sa lapag nang marealize ang mga ginawa ni Hiro para sa 'kin n'ong nabubuhay pa siya.
When he took me out on a candlelit dinner on his penthouse that night, that's the sign. Pamamaalam na pala 'yon. Pamamaalam na alagaan ko dapat ang sarili ko dahil mawawala na siya. Kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, dahil naghahanda siya para sa operasyon na mangyayari.
Hiro naman eh. Bakit mo naman ako iniwan? Kinangina, nasanay akong siya 'yong nandito sa tabi ko palagi. 'Yong mga luto niya, 'yong mga payo niya, lahat ng tungkol sa kaniya ay hinding-hindi ko makakalimutan.
Is this my karma? Ito na ba 'yong kabayaran sa mga masamang nagawa ko? Kung oo, pero bakit si Hiro? Bakit si Hiro pa? Bakit hindi na lang ako? Bakit si Hiro pa na walang ginawa kun'di protektahan at pasayahin ako. He's too precious! I don't deserve his sacrifice. Hinayaan niyang mawala ang buhay niya kapalit ng habangbuhay kong 'di pagkabulag.
Dumiretso ako sa guest room. Ito ang kwarto kung s'an nananatili si Hiro kapag kailangan ko siya. Kapag may sakit ako, kapag kailangan niya 'kong alagaan. Siya 'yon lahat! Siya 'yong dahilan kung bakit kilalang-kilala na 'ko sa buong mundo ngayon. Siya 'yong dahilan kung bakit ang succesful ng buhay ko ngayon. Siya 'yong dahilan kung bakit ako naging masaya at kung paano ko nakalimutan lahat ng sakit noon.
I took the one and only picture frame of Hiro na mayroon ako. I hugged it tight then I closed my eyes. Tears raced down my cheeks again when I felt Hiro's warm embrace. He's still here in my heart. Nandito pa rin siya. Babantayan niya 'ko 'di ba? Hindi niya ako pabababayaan kahit anong mangyari. Nandito lang siya at hindi siya aalis.
Malaki ang naging parte ni Hiro sa buhay ko. Sa tatlong taon na pwedeng maging patapon 'yong buhay ko, pero tinulungan niya 'ko sa mga desisyon ko sa buhay. Hindi lang niya 'ko mahal, kaya niyang ibigay ang kahit ano sa 'kin kahit buhay niya pa ang kapalit.
"H-He sacrificed..a lot...for me..." humihikbi kong saad kay Kairron na nasa harapan ko na pala ngayon. His eyes were bloodshot. May eyebags na rin siya. I weakly smiled then held his hand.
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...