Kabanata 19

96 14 0
                                    

KABANATA 19



Nitong mga nakaraang araw ay tuloy-tuloy ang paglabas namin ni Levi. Busy pa rin siya pero nakakahanap siya ng time para sa 'kin. Trabaho, family, at ako lang naman daw ang priorities niya.



"Lev, you haven't told me your full name yet." Wika ko sa kaniya nang mapagtanto iyon. Totoo, hindi pa niya sinasabi sa 'kin ang buong pangalan niya. Narito kami sa isang beach resort sa Batangas. We have no classes for 1 week and n'ong sinabi ko 'yon sa kaniya ay nagpa-book kaagad siya rito.



"I'm a Del Rio." Nanlaki ang mata ko sa narinig. Isa siyang Del Rio!?



"It means that you're related with—"



"I'm related with Kairron."



I'm shocked! I didn't expect that he's a part of Del Rio family. He's a relative of oh-so-famous Kairron Del Rio! Oh my gee.



"Baby...uhm.. Can I ask you a fav—"



"Yeah fine. Alam ko na 'yan, Iris. You want an autograph from Kairron?"


Unti-unti akong umusog palapit sa kaniya at saka niyakap siya sa baywang. He's cutting my words! Nagtatampo 'to.



"Yes po. Eh, please? Hindi ko pa siya nakikita sa pictures or videos. Oh wait! Nakita ko na siya in person pero hindi ko naman nakita ang mukha niya then umalis kaagad siya."



He avoided my gaze and messed up my hair.



"For you, I'll do everything you want, okay? For now, please don't mention him." Natawa ko dahil naiirita na talaga siya. Don't tell me nagseselos siya kay Kairron? Eh napaka-hirap abutin n'on.



"Banana boat tayo? Bukas uuwi na tayo oh." Suhestiyon ko. 3 day-stay lang kami rito dahil may trabaho rin siya. N'ong una ay balak niya pang i-cancel ang mga schedules niya pero pinigilan ko siya.



Gusto ko kasing unahin niya muna ang main priorities niya kaysa sa akin.



"Hold on tight, you might fall."



"I already did, sa 'yo." His jaw clenched and he's now biting his rosy lips. Pft, kinilig pa ha.



Ilang beses na akong muntik mahulog pero mahigpit ang pagkakayakap ni Levi sa akin mula sa likod kaya hindi man lang ako nahulog ni isang beses.



Pagkatapos mag-banana boat ay inaya ko na siyang kumain. Hindi naman kasi kami nag-breakfast, pagkagising ko ay nagtampisaw kaagad ako sa dalampasigan lalo na't nauna akong nagising. Hindi na niya ako napilit kumain dahil kapag nag-lunch daw kami ay marami raw ang ipapakain niya sa 'kin.



"All time Filipino foods! Nagutom ako lalo.." nakatulala kong saad habang nakatitig sa buffet ng mga Filipino foods sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong unahin na kainin. Amoy pa lang ang sarap na eh. Pwede ba lahatin 'to? Ta's take out?



"Kumain ka na. Kunin mo na lahat, love. Hiya ka pa eh, naglalaway ka na oh." Pang-aasar niya sa 'kin habang nakaturo sa bibig ko. Argh!



Inismiran ko siya saka ko kumuha ng dalawang plato at kumuha ng pagkain ko—oo, akin lang! Gutom ako!



Unang sabak ko ay kumuha ako ng pinakbet, adobong sitaw, pritong manok, at saka adobong baboy. Kanin naman ang nasa isa pang plato. Parang buong oras na kumakain ako ay nakatitig lang si Levi sa 'kin. Hindi naman ako nailang o ano dahil sa sobrang gutom. Hinayaan ko lang siyang nakatitig sa 'kin. Mahirap talaga kapag patay na patay sa 'yo 'yong boyfriend mo 'no?



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon