Kabanata 17

86 15 0
                                    

KABANATA 17



"Cheers for Ivy's victory! Congratulations Iris!" Sigaw ni Izannah at pagkasabi niya n'on ay itinaas namin ang baso namin na naglalaman ng iba't-ibang klase ng inumin.



Narito kami sa Execution ngayon para i-celebrate ang pagka-panalo ko kahapon. Hindi namin nai-celebrate kahapon dahil naghanda ang mga professors sa school. Ang pangit naman kung tatanggihan ko lalo na't ako 'yong nanalo.



Habang nagsasaya sila ay hinatak ako ni Azile sa lugar na walang tao.



"I saw that Kharyll. She's a model too. Kaya pala pamilyar ang pangalan niya. Kalaban namin ang kumpanya nila." Ngumisi ako. Hindi lang pala ako ang kakumpitensya ni Kharyll. Pero in fairness rin sa babaeng 'yon, tahimik kung umatake. Parang ahas.



"Nakita ko rin si Levi kahapon. Nanonood siya sa 'yo n'ong nagperform ka. Hindi pa ba kayo nagkaka-usap?" I sighed and shaked my head. Hindi ko alam kung kailan at paano ko siya makakausap ngayong hindi ko naman alam kung nasaan siya.



"Hoy! May sariling mundo kayo dyan ah! Balik na doon!" Rinig naming sigaw ni Iza. Napailing ako, panigurado tinamaan na 'to. Hindi pa nagsisimula kanina pero laklak na nang laklak.



Bumalik na kami sa loob at nanlaki ang mata ko nang makita si Kharyll at Levi na naroon. Humigpit ang hawak ko sa baso nang makitang nakakunyapit ang mga kamay ni Kharyll sa braso ni Levi. Ang kapal ng mukha.



Nagtama ang paningin namin ni Levi pero kaagad kong iniwas ang tingin ko at niyaya si Azile sa vip room. I can't stay here. Masyadong nakaka-suffocate.



"Bruha! Ano magpapa-apekto ka na lang sa kanila!? Hahayaan mo na lang na ganiyan? Mag-isip ka nga Iris!" Medyo lumayo ako sa kaniya dahil sa sigaw niya. Alam kong sa puntong 'to ay napupuno na siya sa akin. Hindi pa nga 'ko nakaka-recover sa sakit, tapos makikita ko pa sila?



"H'wag kang duwag. Wala akong kilalang Iris na duwag."



Iniwan niya ako room saka sinara ang pinto. What now? Should I face them? Ang hina ko na ba masyado kasi hindi ko sila maharap?



Hindi ko naman kasi kasalanan na sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon eh. Hindi ba pwedeng umiiwas lang muna 'ko sa sakit? Hindi ba pwedeng dinadahan-dahan ko lang 'yong sakit na nararamdaman ko?



Umupo ako sa sofa at sumimsim ng iniinom kong tequila.



"Pinasok mo 'yan eh, dapat handa ka na sa katumbas na sakit na pwede mong maramdaman. It's love after all. Hindi pwedeng puro saya lang."



Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Hiro. Tumingin ako sa pinto at nakitang nakatayo siya roon. What?! Kanina pa ba siya nandiyan?



"K-kanina ka pa?" Kinakabahan kong tanong. Kasi kung oo, maaaring narinig niya ang usapan namin ni Azile.



"Yeah. Sorry. But I'm here to help."



Natahimik ako. Nagmamagandang-loob si Hiro, tatanggapin ko ba? Ang hirap. Ang hirap tumanggi kapag nahihirapan ka na. Pero paano 'yon? Hindi ko alam kung may tiwala na ba ulit ako sa kaniya.



"Talk to him. Never assume. Never conclude. It might hurt you." Isang simpleng pangungusap pero naroon ang paksa. Tama. Dapat kausapin ko si Levi. Tama sila. Walang patutunguhan kung iiwas ako nang iiwas at magmumukmok sa isang sulok para maiwasan ang sakit.


Pinasok ko 'to eh, dapat panindigan ko hanggang dulo.



Tumayo ako at niyakap si Hiro. Isang mahigpit na yakap na bukal sa loob na walang halong galit at sama ng loob.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon