Kabanata 18

95 14 0
                                    

KABANATA 18



Tinanggal ko ang salamin ko saka sinuot ulit. Hindi pa tumatagal sa 'kin ng ilang minuto e nahihilo na kaagad ako. Naninibago ako sa pagsasalamin.



Hindi ko dapat 'to susuotin ngayon dahil wala namang pasok, kaso binigyan ako ng activity ni Miss Peralta. May sinend siya sa aking tema sa email ko kahapon at need ko raw 'yon gawan ng powerpoint presentation then ipe-present ko raw sa kaniya kinabukasan.



I checked the date today and it's Sunday, January 15. Tomorrow is my big day, huh?



Inayos ko ang salamin ko at nag-tipa ulit sa laptop ko. Dumapo ang tingin ko sa cellphone ko nang mag-ring ito. I saw ate Irithel's name on the caller id. Biglaan masyado ng tawag ni ate Iri ah.



"Hi lil sis! Busy ka ba?" She asked when I answered the call. Boses pa lang ay masasabi ko ng napaka-energetic niya ngayon.



"Hindi naman ate. Why?" I lied. Once kasi na sinabi kong oo, hindi niya na ako iistorbohin unless maka-receive siya ng text sa akin na wala na 'kong ginagawa.



"Can you give me Levi's contact number? Or e-mail?"



"Huh? Why?" I intruded. Ba't naman kakailanganin ni ate ng contact details ni Levi?



"It's a secret. Please?" I sighed. Ate's "please" can make me melt.



"Yeah yeah, alright. I'll send it to you right away."



Inilayo ko kaagad sa tainga ko ang phone ko nang marinig ang matinis niyang tili. Grabe ha? Singer si ate pero bakit kapag tumitili ang sakit sa tainga?



Sinend ko sa kaniya ang contact number ni Levi dahil sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman alam ang e-mail address niya.



Itinuloy ko ang ginagawa ko pero hanggang sa matapos ko 'yon ay hindi ako mapakali. I kept checking my phone, usually magtetext sa akin si Levi pero ni isang message mula sa kaniya ngayon ay wala pa akong natatanggap.



I breathed in, then out. Kalma Iris, baka busy lang 'yong tao. Mahal ka n'on.



Seems like my dearest sister has forgotten my birthday tomorrow.



Sa sobrang pagka-bored ay nag-chat na lang ako sa group chat namin nila Yviane. Lahat sila naka-online, wow, hindi ba busy ang mga 'to?



irisssy: Hoy! Gala tayo, free ba kayo?



I hit the send button and waited for their reply. Nang tumunog ang phone ko ay akala ko papayag sila. Pero nagulat ako nang lahat sila ay tumanggi.



yvianednns: hindi ako free bakla. sorryyy b3h

queenquinn: May shooting ako.

azilecoleen: May student ako sa piano class ngayon eh. I'm sorry :((

izannah.adler: May date ako e, bawi ako next time Iris. Loveyou.



I pouted. Mabuti pa si Iza, may date. Wait what!? May lovelife si Izannah!? How come?



Kahit shocked ako sa rason ni Iza ay hindi ko pa rin mapigilanh ma-dismaya. Lahat pala sila may pinagkakaabalahan. Well, pwede naman yata akong mag-gala mag-isa kahit walang kasama 'di ba?



Recently kasi ayoko na lumabas o mag-gala nang mag-isa. Simula n'ong nanggaling kami sa optical clinic ni Levi, hindi na maganda ang kutob ko dahil doon sa motor na nakasunod sa amin. Parang kahit anong oras, malalagay ako sa panganib.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon