Kabanata 7

123 16 0
                                    

KABANATA 7



"Oh my God, sabi na eh! That Akihiro likes you!" Tili ni Yviane matapos ko i-kwento ang nangyari.



Kasalukuyan kaming nasa Execution, wala kaming pasok bukas dahil may meeting daw lahat ng professors kada department.



E ang gagang Aeshiea, sinundan pala ako sa garden n'ong uwian. Kaya ayon, nalaman niya at pinagkalat na agad sa tatlo. Ni hindi man lang hinintay na ako 'yong magsabi, but no hard feelings naman.



"Ba't ka pumayag na ligawan ka ni Hiro?" Seryosong tanong ni Azile at hinawakan ang labi niya. Tiningnan niya ako sa mata at nilapit ang mukha niya sa akin.



"Do you like him?" She asked sincerely.



Napakagat-labi ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Maybe, crush ko si Hiro, slight? Pero feel ko kapag sinabi kong oo, parang nagche-cheat ako sa isang tao na hindi ko ma-wari kung sino.



Tiningnan ko sila isa-isa at yumuko, "Crush ko siya." Matapos kong sabihin 'yon ay narinig ko ang tawanan nila.



"Ano ka Iris, elementary? Crush? Neknek mo!" Pang-aasar pa ni Iza. Napanguso ako, daddy help pinagtutulungan nila ako.



Sumimsim na lang ako sa juice na iniinom ko—oo, juice, marami pa akong dapat gawin kaya hindi pwedeng magpaka-lasing at mag-walwal.



Inilibot ko ang aking tingin at nahagip nito ang isang lalaki na nakatayo at mukhang nakatitig sa direksyon ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa malabo ang mata ko at naka-dim ang ilaw sa lokasyon niya.



"Holy! Guys, Kairron Del Rio is here!" Agad nanlaki ang mata ko at d'on dumapo ang atensyon ko sa sinabi ni Aeshiea. Hawak niya ang phone niya habang nanlalaki ang mata sa nakita.



"How?"



"Blaze na naman amputa!" Singhal ni Yviane. Tumayo siya at iniwan kami dala ang purse niya. Napa-iling ako. Hindi naman siya aalis and I'm sure of that.



Kinuha ko ang phone ko mula sa clutch ko at in-open ang instagram ko. Ini-stalk ko kaagad si Kairron at tiningnan ang ig story niya.



Silhouette ang picture pero makukumpirma mong siya 'yon because of the caption "gonna perform tonight at execution @8pm".



Chance ko na ba 'to para makita siya?



I felt nervous when the crowd went wild. Puro tili ang naririnig ko lalo na sa mga kababaihan. I looked at Izannah. Binulungan ko siya, "You're gonna perform?" She smiled and nodded. Umalis ako sa pwesto ko at hinanap si Yviane. Natagpuan ko siya sa smoking area at nakatitig sa kawalan.



"Yviane.." I called. She stared at me blankly and avoided my gaze.



"You..still mad at Blaze?" I asked hesitantly.



Ilang segundo bago siya sumagot. Ilang segundo pa at nakita kong may luhang tumakas mula sa mata niya.



"I still hate them, Iris. Masakit lang 'cause all of you are a fan of that shitty band. Pero 'yong akin, hindi n'yo man lang ma-suportahan."



Umalis siya sa harapan ko matapos niyang sabihin iyon. Napaupo na lang ako sa lapag sa sobrang frustration. Gan'on ako ka-worthless na kaibigan?



I can support those bands and groups na walang chance na makita ko, pero sarili kong kaibigan, sariling banda ng kaibigan ko hindi ko man lang magawang kamustahin o suportahan.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon