Kabanata 12

96 16 0
                                    

KABANATA 12



Pinatunog ko ang mga daliri ko habang hinihintay si Yviane na lumabas mula sa restroom. Nasa school kami ngayon at vacant ni Yviane, samantalang ako ay mamaya pa magsisimula ang klase kaya napagdesisyunan naming kumain muna sa canteen habang maaga pa.



Nagdadalawang isip rin ako kung ikukwento ko ba sa kaniya ang nangyari between sa amin ni Levi n'ong isang gabi. 'Yong confession at paghingi niya ng permiso para manligaw sa akin.



Na tinakbuhan ko lang..



Natakot ako. Natakot akong magdesisyon ulit ng mali gaya ng desisyon ko kay Hiro. Ayokong magpadalos-dalos dahil ayokong makasakit na naman ako bandang dulo.



"Ano chika mo, babae?" biglang tanong ni Yviane na tapos na pala magretouch. Iihi lang daw siya pero visible na naman ang lipstick niya. Hays.



Inaya ko muna siyang pumunta muna sa canteen at naghanap ng pwesto. Umorder kami ng pagkain sa isang waitress at habang hinihintay ang pagkain ay nagsimula na akong mag-kwento.



Simula sa pagtawag sa akin ni Levi hanggang sa pag-amin niya ay detalyado kong ikinwento. Pati na rin sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon.



"Sino ba 'yang Levi na 'yan? Parang hindi ko pa siya namemeet. May picture ka?" Napasimangot naman ako. Napaka talaga nito, sa halip na magtanong nang ayos, hitsura talaga ang concern.



Pero agad ko ring kinuha ang cellphone ko at hinanap ang picture na sinend sa akin ni Miss Ai. Ipinakita ko 'yon sa kaniya at nanlaki ang mata niya bago nanlisik ang mga ito.



"That guy is—!" Nahinto ang kaniyang dapat sasabihin nang biglang magring ang telepono niya. Tinitigan muna niya ang larawan sa cellphone ko bago sinagot ang tumatawag at lumayo sa akin.



Tinitigan ko ang larawan ni Levi. 'Wag mong sabihing may galit din siya rito gaya ng galit niya sa Blaze?



Ilang minuto akong naghintay at maya-maya rin ay bumalik siya. She's now biting her lower lip and parang something bad happened to her.



"Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong. Dahan-dahan siyang tumayo pero may pagaalangan pa rin sa kaniyang mukha.



"By the way, kilala mo na si Levi?" Balik ko sa topic namin.



Iniwas niya ang tingin bago umupo at lumamong muli.



"H-hindi..may kamukha lang pala.." kumunot ang noo ko at inobserbahan siya. Para siyang balisa, hindi mapakali. Alam n'yo 'yong mga kriminal na nahuli na sa ginawa nilang kasalanan pero ayaw umamin? Gan'on ang hitsura ni Yviane ngayon.



"Sigurado ka bang ayos ka lang? Para kang may sakit." Paninigurado ko. Ibinaba niya ang kutsarang hawak niya bago ngumiti sa akin nang malapad.



"Perfectly fine. So about L-Levi, uhm, I think you should talk to him and be honest with him kung ano ang nararamdaman mo, 'yong reason kung bakit mo siya tinakbuhan."



Napaisip naman ako. Hindi ko alam kung gusto ko siya. Pero I won't kiss him if wala akong nararamdaman 'di ba? Pero ano ba? Huhu. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Masyadong puno ang utak ko at hindi ko na alam kung paano isisingit 'yong problema ko kay Levi.



Iwinaglit ko muna 'yon sa aking isipan at tinapos ang pagkain. Sinilip ko ang violet na folder na ibinigay sa akin ni Miss Deviana n'on, na naglalaman ng bagong schedule ko.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon