KABANATA 10
Ala-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Wala na rin si Aeshiea sa unit pagkagising ko. Siguro ay may pinuntahan iyon. Hindi siya nag-iwan ng sticky note dahil siguro sa kakamadali, pero she cooked me a breakfast. Kaka-alis niya lang yata dahil medyo mainit pa ang pagkain nang magsimula akong kumain.
Since yesterday, mabigat na ang dibdib ko pati na rin ang ulo ko. Para akong may sakit pero wala naman. Hindi rin ako makatagal sa phone or sa social media dahil mabilis sumakit ang mata ko. Mostly my right eye pa nga.
I checked my the day today and saw that it's Thursday already. Ngayon 'yong araw na itinakda ni Levi upang i-take ko 'yong exercises. Ni hindi ko pa nga tapos basahin lahat iyon.
I was about to take a shower when I suddenly received a text message from Azile.
From: Zilengleng
No classes today. Restwell, gonna visit u later. Loveya.
I smiled. Muntik pa naman akong magtampo sa kaniya dahil hindi niya ako kinakamusta. I sighed, lalo naman 'yong dalawa, yes, I'm talking about Yviane and Iza. Simula nang mangyari 'yon sa Execution ay hindi na ko na sila nakausap nang maayos.
Well, oo nakasalubong ko si Iza and kinamusta niya pero si Yviane..I haven't seem her around. Wala siyang updates sa social media accounts niya at hindi rin niya kami kinocontact. Seems like galit pa rin talaga siya.
Napag-desisyunan kong ituloy ang pagligo. Pupuntahan ko muna siguro si Yviane sa bahay niya para makausap ko siya nang maayos. Hindi kami makapag-gala dahil sa lintek na misunderstanding.
Nagsuot ako ng white fitted shirt and black jeans and tried my newest sandals which is MK Plate Flat Thong sandals. I bought it online and it was hella expensive so I tried dahil wala naman sigurong ganito kamahal ta's hindi maganda quality, right?
I didn't put any make-ups dahil baka mangati ang mukha ko ngayon. Masama kasi sa akin na naka-make up then sobrang init ng temperature sa labas. Namumula ang mukha ko ta's nangangati pa.
I contacted kuya Miguel na pumunta na sa tapat ng building para makaalis na kami. Siguro'y dadaan muna ako sa mall to buy Yviane a present. Foods na rin siguro since may malapit na mall naman sa bahay ni Yviane.
Less than 5 mins nang dumating si kuya Miguel.
Sinabi ko sa kaniya ang plano ko at tumango siya bago ako pinagbuksan ng pinto. The ride went smoothly dahil nakatulog na naman ako nang payapa.
Minulat ko ang mata ko at laking gulat ko nang hindi na pamilyar ang dinadaanan namin.
"Kuya, s'an tayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong. Tinapunan niya lang ako ng tingin sa rear mirror ngunit hindi ako sinagot.
Attitude ka kuya Migs ah? 'Wag kaya kita swelduhan? Chareng. 'Di pala ako nagpapasweldo sa 'yo.
Medyo nainis ako n'ong hindi siya ako sinagot. Chineck ko ang phone ko at nakitang alas-nuebe na ng umaga. Jusko, saan ba ako dadalhin ni kuya Miguel?
Maya-maya pa ay huminto kami sa isang napaka-pamilyar na building. Pinagbuksan ako ni kuya Migs and I kept staring at him—no! More on like, glaring! But he's just giving me a straight face!
Humalukipkip ako habang nakatitig sa kaniya.
"Kuya, ano'ng ginagawa natin dito? Hindi naman tayo dito pupunta. Kuya, mall tayo, m-a-l-l." Saad ko na ini-spell pa isa-isa ang letters ng mall. Naiinis na ako pero hindi pa rin ako tinitingnan ni kuya Migs. Nasa kawalan ang tingin niya at para siyang robot na kinocontrol ng kung sino mang hangal.
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...