Kabanata 9

100 19 0
                                    

KABANATA 9


Kaka-discharge ko lang sa ospital. Bukas pa dapat ako papayagang lumabas pero nagpumilit ako. Hindi ako sanay sa ambiance sa ospital dahil sa kemikal na maaamoy sa loob.



Wala akong dalang pera dahil hindi pala ipinakuha ni Hiro ang bag ko sa room namin kaya si Levi ang nagbayad pansamantala. Sabi ko sa kaniya ay babayaran ko na lang siya kapag nakuha ko na ang bag ko. Pero kinakabahan ako dahil baka mamaya ay wala na palang laman 'yon.



Dumaan kami sa school. Sabi ni Levi siya na lang daw ang kukuha pero tumanggi ako. Hindi niya alam ang room and building ko saka baka ma-issue kami. I just want to keep a low profile and ayokong ma-issue na malandi ako.



They all know that Hiro's courting me. I don't want them to see Levi getting my things. Sa simpleng galaw na 'yon pwedeng maging iba ang tingin nila. Hindi naman sa may paki ako kung anong iisipin nila. Natatakot lang ako sa maaaring kalabasan.



Nang nasa pinto na ako ay nakita ko si Miss Peralta na nagdidiscuss. I coughed to get her attention.



"Good afternoon, Miss Peralta. Uhm, I was excused because an accident happened. I just want to get my things." I saw Aeshiea worriedly smiled at me. I gave her a thumbs up sign using my hand to show her that I'm fine.



"Mr. Delarama has your bag. I think he's in the club. Tell him to go here and take my class, pronto." Agad akong tumango at nagpasalamat.



Pero kinakabahan pa rin ako.



Na-guilty ako sa ginawa kong pagpapaalis sa kaniya. Siya naman kasi 'yong mali 'di ba? If he didn't punch and accused Levi, it wouldn't turn out like this.



On my way there, nakasalubong ko si Izannah. Matipid niya akong nginitian at huminto para kausapin ako.



"You okay? Nabalitaan ko ang nangyari."



"Yup..pagod lang siguro," I lied? Kasi sabi ng nurse kanina, I have a fucking disease! Kung hind siguro dumating si Levi, nag-papanic na siguro ako dahil sa malalaman ko.



Pinanliitan niya ako ng mata, halatang hindi kumbinsido sa sinabi ko.



"Never lie to us, Iris, understand? If may masakit sa 'yo, if may nararamdaman kang kakaiba, please tell us immediately." I smiled and nodded, kahit hindi ako sigurado kung magsasabi ba ako sa kanila lalo na't ayokong makaistorbo sa kanila.



Never lie to us, I already did, Iza. I'm sorry.



"Nasaan nga pala si Akihiro?" Tanong ko. Much better na i-change ang topic, baka kung s'an pa mapadpad 'yong usapan.



"Nakita ko siya sa club kani-kanina lang. Dala niya gamit mo. Ang sama nga pala ng mukha n'on, nag-away kayo?" Tuloy-tuloy niyang sambit.



Umiling ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Tinitigan niya ako nang mariin, tingin na hindi kumbinsido at hindi naniniwala sa akin.



"Hm, okay. I believe in you. Una na ako. Bye, take care Iris," saad niya bago ako niyakap. I waved my hand and continued walking 'til I reached the music club.



Mula sa glass door ay kitang-kita sa labas na walang tao sa loob. Walang trainees. Kinakabahan ako.



Pinunasan ko ang butil ng pawis na namuo sa noo ko gamit ang panyong nasa bulsa ko. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at pumasok sa loob. Nagulat ako nang makita kung gaano kakalat ang buong silid.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon