Kabanata 20

87 12 4
                                    

KABANATA 20



Malamlam at namamaga ang mga mata ko nang pumasok ako sa school. Nanlalata ang buong katawan ko dahil tatlong araw na 'kong wala sa sarili. Hindi ako nakakatulog at nakaka-kain nang maayos.



Dumiretso ako sa music club para i-refresh ang utak ko. Tatlong araw na kaming hindi nag-uusap ni Levi. I've been contacting him for continuous days pero wala akong nakukuhang response.



Hindi ko alam kung saan na siya hahagilapin. Ayoko namang magpatulong pa kay Azile dahil ayoko na siyang maistorbo. Kahit pa sinabi nilang magsasabi ako ng problema sa kanila, ayoko namang laging dumepende sa kanila.



"Spill the problem, Iris.." nakagat ko ang labi ko nang ibulong 'yon ni Azile sa tainga ko. Inayos ko ang aviators na suot ko saka umiling.



"Wala ah? Studio muna 'ko.." pagpapaalam ko dahil paniguradong kukulitin niya 'ko kapag nanatili pa 'ko roon.



Ini-lock ko ang pinto at sinuot ang headphones. Kinuha ko ang gitara sa case nito at inayos ang music sheets sa harapan ko saka tinono ang gitara.



I started strumming the guitar to check if the tune is okay. Then, I opened the studio monitors, the microphone, and also fixed the height of the microphone stand. Pati 'yong pop filter ay inayos ko. May kumatok sa pinto pero hindi ko 'yon inintindi.



The studios in here aren't soundproof. Once na buksan ang studio monitors ay rinig sa labas ang boses ng kumakanta. Narinig na rin naman ako ng iba kumanta n'ong sumali ako sa contest, wala na yata akong dapat pang itago.



Kinabit ko ang cable sa guitar at sinaksak sa studio monitor. Siyempre ito 'yong gagamitin kong instrument 'no.



I decided to play one of my covers na nag-blow sa mga fans ko before which is See You  Again by Wiz Khalifa ft. Charlie Puth. Hindi naman ako broken ng mga panahong 'yon pero ewan ko ba kung bakit ko 'to cinover.



"It's been a long day without you, my friend
And I'll tell you all about it when I see you again
We've come a long way from where we began
Oh I'll tell you all about it when I see you again
When I see you again."



We're not friends anymore. We are in a relationship already, we should understand each other's feelings, we should hear out eeach other's explanation, but why you didn't wait to hear my side?



'Di bale, handa naman akong hintayin ka.



"What the heck?! Is that Ivy!?" Rinig kong sigaw sa labas. Ginawa ko rin 'yong rap part at mabuti na lang ay hindi ako sumablay.



I stayed inside for 5 minutes. Tangina, kumanta na nga ako para mailabas 'yong sakit, hindi pa rin pala sapat? Kahit pala anong gawin ko, hinding-hindi mababawasan 'yong sakit na nararamdaman ko.



I calmed myself before turning off the equipments that I used. Naglagay rin ako ng concealer para takpan ang eyebags ko, tapos ay sinuot ko na ang eyeglasses ko.



Paglabas ko ay halos lumuwa ang mata ko nang makitang napakaraming estudyante sa labas. Karamihan ay nagsisiksikan; parang hinihintay akong lumabas sa studio.



"A-Ano'ng mayr'on?" Gulat kong tanong kahit alam kong obvious na ang sagot sa tanong ko.



"Ikaw si Ivy!?" Dumako ang mata ko kay Azile. Nandito pa rin pala siya?



Shit. Nagpa-dala yata ako masyado sa emosyon ko.



"U-uh.."



Wala akong masabi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pwede bang tumakas na lang ako?



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon