KABANATA 14
"So who's interested for the upcoming singing contest that will held by the Dean herself. We need a representative every department and year. For your batch, who would like to be the representative?" Anunsyo sa amin ng professor namin. Gusto kong sumali dahil kahit sino naman daw ay allowed sumali pero,
My voice can't be heard in public—lalo na at hindi naman ako si Ivy sa mata ng marami. Hindi ako si Ivy na sikat sa buong Pilipinas.
Madalas ko nang naririnig ang sarili kong kanta at boses sa iba't-ibang parte ng school. Maraming nakukuryoso kung ano ang mukha sa likod ng boses ni Ivy.
But that must stay a secret. Just s secret that nobody will know.
Walang nagpepresintang sumali. Most of my blockmates aren't into singing. Yes, Music Ed ang kinuha nilang kurso pero karamihan ay mas magagaling sa pagtugtong ng iba't-ibang instrumento at may mga talento sa pagsasayaw.
'Yong mga marurunong kumanta ay walang tiwala sa sarili, kumbaga, nahihiya silang ilabas at ipakita sa madla ang talento nila.
"Si Iris po prof! Narinig ko na boses n'yan dati kapag kumakanta. Ang ganda ng boses niya prof! Pwede na pang AGT!" Sinamaan ko ng tingin si Kiko, isa sa mga paepal na blockmate ko.
Tiningnan ako ng professor namin at agad akong umiling. No, never and no!
"Can I hear your singing voice?" Napakagat labi ako. Humugot ako ng malalim na hininga bago tingnan sa mata ang prof namin.
"Prof, sorry po. Pero ayoko talagang sumali. Hindi naman po kagandahan ang boses ko. 'Wag po kayong magpaniwala dyan kay Kiko."
"Lah? Prof, pakinggan mo 'to."
Inilabas ni Kiko ang cellphone niya at lumapit kay Sir. May pinarinig siyang audio kay Sir at rinig na rinig ng dalawang tainga ko 'yon.
That was me, singing inside the library! Ang kinakanta ko pa is 'yong main song sa album ko months ago!
"Wow, Iris. Kaboses mo si Ivy!" Komento ng Muse namin na nakaupo sa harap. Damn.
"Iris! Ikaw na mag-represent ng batch natin. For sure ikaw na panalo niyan!"
Nayayamot na ako. Baka kapag tumanggi ako kamuhian pa 'ko ng mga 'to!
"Pag-iisipan ko Prof.." lahat sila nag-tilian sa sinabi ko.
Doomed.
——
Nakasimangot ako habang naglalakad patungo sa canteen. Sumasakit ang ulo ko kakaisip sa contest na 'yon. Bakit kasi may ganoong pakulo pa ang Dean? Da't in-exclude na lang ang mga member ng Music Club para fair!
Fair para sa akin, unfair para sa kanila.
Naghahanap ako ng empty seat nang makita ko si Azile na mag-isang kumakain habang hawak ang phone niya. Agad ko naman siyang nilapitan para maki-share.
"Azile Coleen!" Sigaw ko nang makaupo sa harap niya. Hindi niya napansin ang presensya ko dahil may nakapasak na airpods sa tainga niya na hindi ko napansin mula sa malayo.
Nagulat siya nang makita ako at tinanggal ang nakapasak sa tainga niya. Mabilis niyang ininom ang gamot na nasa table. May sakit siya?
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...