KABANATA 4
Today's Wednesday, meeting and the audition day. Mabuti na lang at cinontact ako ni Miss Ai n'ong Lunes na hapon daw ang meeting.
Hanggang ngayon, ilap pa rin ako kay Aeshiea simula n'ong maabutan niya ako sa unit ni Levi. I felt something weird kaya pagkakita ko kay Aeshiea ay umalis kaagad ako r'on at hindi na nagpahatid o nagpaalam kay Levi.
Could it be that I'm jealous?
No. Impossible. We just met! Ni hindi pa nga namin gan'on kakilala ang isa't-isa. Maybe, nashock lang ako.
"Hoy, ayos lang ba kayo ni Aeshiea?" Iza asked. Kasama ko sila ngayon ni Yviane at nandito kami sa field. Dahil sa Music Club, excused kami pare-parehas sa mga classes namin.
Tumango ako. Aware naman akong napapansin nilang hindi kami gaanong nag-uusap ni Aeshiea. Knowing her, she should be approaching me now, pero hindi. May something siguro sa kanila.
"Sino nga pala 'yong isa pang judge mamaya?" I asked Iza. Hindi ko matanong si Yviane dahil nag-babasa siya. Kapag inistorbo 'to, magwawala 'yan eh.
"'Yong vocalist ng Blaze, Kairron!" Kumunot ang noo ko.
Kairron? Kairron Levi Del Rio?
Wait, Levi? Siya ba si Levi na producer sa company?
Umiling-iling ako sa sarili kong iniisip. Baka mamaya magka-pangalan lang sila.
Kairron Levi Del Rio is one of the famous students here in Meridia. Kairron is one of my favorite singer but sadly, hindi ko pa siya namemeet in person, or even in pictures!
But I'm lucky this day! Makikita ko siya!
Sumimsim ako sa milktea na hawak ko bago ito ilapag at kumagat sa hotdog sandwich na binili ko kanina. Breakfast ko na 'to, pang-mabilisan na agahan lang dahil baka wala akong masabi mamaya na matino.
"9:00 AM start ng audition. Tara na." Iza told us kaya nagligpit na si Yviane ng gamit. Inubos ko muna 'yong pagkain ko saka tinapon saka basurahan ang balat pagkatapos.
When we entered the field for the audition, marami na kaagad estudyante. Napa-iling ako. Ano kay ipinunta nila dito?
Audition, si Hiro, o si Kairron?
Inilapag ko ang bag ko sa studio namin at kaagad na hinanap si Hiro. Naabutan ko siyang inaayos ang speaker, instruments at microphone sa stage.
"Hiro? Ahm, anong oras pupunta si Kairron?" Nag-aalangan kong tanong. I won't waste this chance, kahit autograph lang o picture kasama siya, solve na ako.
"10:30." Simpleng sagot niya at bumalik ulit sa ginagawa niya. Iniwan ko na rin siya d'on dahil wala ako sa mood para sabayan ang pagka-masungit niya, baka mahampas ko lang siya ng wala sa oras.
All of the auditionees already passed their profile kaya 'yon na lang ang pinagkaabalahan kong i-check. Halos lahat ay galing sa ibang department at course. Ni wala nga ako masyadong nakita na Music Educ ang course e.
Maya-maya pa ay pinapunta na ako ni Hiro sa upuan ko. May tatlong upuan tapos table, ako ang nasa gitna. Nasa kaliwa ko si Hiro at kalaunan ay bigla kaming nakarinig ng malakas na tilian.
Hindi na ako nag-abalang maki-usyoso pa dahil panigurado, it's Kairron Del Rio! The one and only.
Kinalabit ko si Hiro na hindi rin umalis sa kinauupuan niyo.
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...