KABANATA 15
"Mom? Anong...ginagawa mo rito?" Magkahalong gulat at pagtataka ang mawawari sa tono ng aking boses.
"Why, Sav? Am I not allowed in my daughter's place?" Mababatid ang sarkasmo sa kaniyang pananalita. Magkahalong kaba at pagtataka ang naramdaman ko. Sa ilang taong pananatili ko rito, ni isang beses ay hindi naman ako binisita ni Mommy. Tanging si ate Irithel o si Daddy lang ang bibisita sa akin para kamustahin ako.
"It's not like that..Nakakapagtaka lang na binisita mo ho ako dito."
Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Kumuha ako ng juice sa ref at nagsalin sa paborito kong baso. Naramdaman ko ang presensya ni Mommy sa aking likuran.
"How's your studies?" Tanong niya habang kinukuha mula sa kamay ko ang pitsel at nagsalin rin sa isang baso. Nakakaramdam na 'ko ng hindi maganda sa pagpunta niya rito.
"It's fine. I'm doing good.." sagot ko kahit maging ako ay hindi sigurado kung maayos lang ba ang pag-aaral ko. Simula ng maging rush ako sa trabaho, nagpatong-patong ang gawain ko at hindi ko na alam kung nakakapagpasa pa ba 'ko. Hindi ko alam kung nasa tama pa ang grado ko.
"I heard that you changed your schedule. Wait, no—someone changed it for you. Why?"
Napapikit ako sa narinig. I'm right, there's a problem kaya narito siya. Hindi niya ako sasadyain ng dahil lang sa wala.
"Hindi ko po alam. Hindi sinabi ng dean ang pangalan niya sa akin." Totoo naman. Halos nakalimutan ko na nga ang tungkol doon. Simula n'ong pinasok ni Levi sa buhay ko ay hindi na ako nagkaroon ng oras pa para kilalanin ang taong nasa likod n'on.
"Then, who's that guy earlier?"
Knew it.
"He's Levi."
Nagtaka ako nang bigla akong ngisian ni Mommy na para bang may bagay akong hindi nalalaman.
"Such a fool. Wala akong anak na uto-uto, Saveah."
"Mom! Can you just please tell me what do you want from me!?" I can't help it but to shout. Kanina pa 'ko nagpipigil. Wala akong magandang relasyon sa mommy ko. Hindi naman kasi niya ako nakikita bilang anak niya. I'm just like a living robot to her that will do whatever she wanted me to do.
"You'll go home in Davao with me."
Para bang huminto ang oras ng mga sandaling iyon. Hindi pwedeng bumalik ako d'on ngayon. I have an album to release, a threat to find out, a contest to attend, and a boyfriend to take care of. Hindi ko pwedeng iwan basta-basta ang responsibilidad ko rito.
"Right now? Mom, I'm sorry, but I can't." Akma na sana akong aakyat sa kwarto ko pero hinawakan niya ang braso ko at hinatak paharap sa kaniya.
"Give me a valid reason to approve your disagreement in this."
I gave her a bitter smile, "I have my priorities now, Mommy. I didn't come here to play, I came here to pursue my dream." With that, I left her and entered my room.
—
Unti-unti kong inalala ang mga bagay na mas kailangan kong seryosohin. Mga bagay na nakalimutan ko na at kailangang pagtuunan ng pansin.
Una, ang mga natanggap kong death threats. Ipinagsawalang-bahala ko iyon dahil hindi na siya nauulit pa. Marahil ay umiisip na ng paraan ang may pakana n'on kung ano ang sunod niyang gagawin. Pero ano ba ang ginawa kong mali para padalhan niya ako ng ganoon?
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...