Kabanata 8

114 18 1
                                    

KABANATA 8


"What?! The school gave you some activities? What the hell? You have an excuse for your absence!" Azile is frustrated right now. She's with me at the computer laboratory since it's our vacant time.



Kinwento ko sa kaniya kung ano ang mga binigay na activities sa akin ng school because of my tardiness. Naiinis siya dahil si Aeshiea naman ay hindi binibigyan n'on, tapos ako biglang bibigyan ng activities nang pabigla-bigla.



In-on ko ang computer sa harap ko at sinimulan ang literacy paper ko. Isang oras ang free time ko samantalang siya ay 30 minutes lang kaya hindi niya ako magagabayan nang matagal. Siya ang kasama ko dahil pinagawa na raw sila ng literacy paper last week.



Halos two pages ang nagawa ko dahil irereject raw 'yon kapag hindi detailed. For an hour, 13 pages ang nagawa ko. Shet, ang haba pala.



13 pages kasi naka-focus lang ako sa ginagawa ko. Minamadali ko pero iniisip ko ng mabuti kung ano'ng ilalagay ko. Napag-alaman ko rin na mas mabuti raw na ito 'yong binigay sa akin since it's a performance task.



I stretched my hands up and twisted my neck a little bit. Para akong magkaka-stiff neck. Ang sakit sa leeg kapag iginagalaw ko.



Sinave ko 'yon sa flashdrive ko at isinilid sa bag ko, mahirap na, baka mawala pa, uulitin ko na naman.



In-off ko ang computer at habang inaayos ang mga gamit ko, naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko mula sa bulsa ko.



Kinapa ko ito at tiningnan, then I saw a text message from Hiro.



From: Hirorororo

Hey bb, the dean told me that she wanna talk with you. Is everything alright?



Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba. Hindi ko sinasabi sa kaniya dahil knowing Hiro, marami siyang connection sa school. His parents were one of the biggest stockholders of this school, at kapag nalaman niya 'yon, posibleng magalit o mainis siya at makagawa ng reckless decisions.



Thankful na rin ako dahil hindi sinabi ng dean kung anong mayr'on.



To: Hirorororo

Hey.. uh yes everything's okay. May sasabihin lang siguro. Btw thank you!



Pagka-reply ko n'on ay kinuha ko ang bag ko at lumabas ng lab. Hindi ako sure kung saan ko hahanapin ang Dean dahil gala rin 'yon sa loob ng school, pero napagdesisyunan kong hanapin muna siya sa opisina niya.



I knocked twice and an engineering professor opened the door. Oh my, she's the freakin' terror prof in Engineering Department!



I fixed myself and greeted her politely.



"Good afternoon, Miss. U-uhm, I'm looking for the Dean? S-she called me here.." kinakabahan kong saad. Sa sobrang kaba ay nauutal na ako. Ayon kasi sa mga kilala kong engineering ang kurso, namamahiya raw ito ng estudyante sa klase. Masama raw ugali dahil matandang dalaga.



Nilawakan niya ang pagbukas ng pinto kaya naman nagpasalamat ako at tumuloy sa loob. Puro matataas na guro ang nasa opisinang ito. Bawat gurong madadaanan ko ay binabati ko.



Nang makaakyat ako sa second floor ay kitang-kita si Miss Deviana na nakaupo sa swivel chair at may kausap. May glass wall at glass door na nakapagitan bago makapasok sa loob.



Nakita niya kaagad ako kaya agad niyang ibinaba ang teleponong hawak niya at sinenyasan niya akong pumasok.



Binuksan ko ang pinto at binati siya.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon