Kabanata 28

96 13 4
                                    

KABANATA 28



Walang kagana-gana kong kinain ang agahang inihanda ni Kairron para sa 'kin. Hindi ko nga alam kung kailan pa ba ang huling kain ko. Simula n'ong nabasa ko ang laman ng liham na 'yon, parang gusto ko na lang sumunod kay Hiro sa itaas at samahan siya d'on hanggang sa maibalik ko sa kaniya ang mga kabaitang nagawa niya.



Lahat ng nakapaloob niyang kasalanan at pag-amin ay hindi ko inaasahan. I did not expect that those weren't his real self. It's not him, it's his other personalities that were controlling his mind and body. Kaya pala kahit isang beses ay nagduda ako sa mga ikinikilos niya noon.



Kagabi ko pa hinihiling na sana ay panaginip lang lahat ng 'to. Ayos na sana eh, makaka-move on na sana 'ko sa pagkawala ni Hiro tapos biglang may hindi pa pala ako alam tungkol sa kaniya. I'm not blaming his parents tho 'cause alam kong huling hiling iyon ni Hiro sa kanila bago ito mamaalam.



Simula noong nalaman ko 'yon, walang pinagbago sa tingin ko kay Hiro. Mas nakaramdam pa nga 'ko ng pangongonsensya dahil napagbintangan ko si Ishia noon na may kagagawan ng lahat ng 'yon. Paano kaya kung hinayaan kong bigyan kami ni Tadhana ng pangalawang pagkakataon para mahulog muli sa isa't-isa? Mangyayari kaya ang lahat ng ito?



I badly want to blame myself for what happened to him. Pero may utak naman ako eh, ano pa ba ang mangyayari kung sisisihin ko lang din ang sarili ko? 'Di ba parang pinahirapan ko lang lalo ang sarili ko pati ang mga taong nakapaligid sa 'kin? If I will just sit here, cry all day long then blame myself, parang ipinamukha ko na rin kay Hiro na nasayang ang pagsasakripisyong ginawa niya para sa 'kin.



Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko kaagad ang pinagkainan ko saka walang imik na bumalik sa kwarto ko. Ayoko na maging ganito dahil pakiramdam ko nahihirapan na si Kairron sa pinaggagawa ko sa kaniya, pero hindi ko naman mapigilan na hindi maging malungkot. Bawat araw na lumilipas ay mas lalo ko lang napagtatanto na may isang taong napaka-halaga sa 'kin na nawala dahil sa pagsasakripisyo niya para sa 'kin. Ang sakit lang 'di ba?



Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng isang text message mula kay Kairron. Sinilip ko ang cellphone ko at bahagyang kumurba ang isang ngiti sa 'king labi.



From: Kairron Levi

Fight for yourself and always have a fighting spirit. Please remember that I'm always right here for you to watch your back. I love you, my queen.



Every morning, he is like this. He's gonna sent me some motivational messages, sometimes it's a quote or bible verse that can make me lighten up for a bit. Now, I'm feeling guilty again 'cause I'm ignoring him. How long will I be like this? Will this take forever?



I deeply sighed then took a bath. Kumpara sa routine ko noong kamamatay pa lang ni Hiro, mas naaalagaan ko ang sarili ko ngayon. I've learned something from these past few weeks that I should take care of myself. Para kay Kairron, kay Hiro at para na rin sa sarili ko. I'm doing this not just for them but also for myself.



Lumabas ako ng aking silid at naabutan kong nanonood ng Netflix series sa telebisyon si Kairron. Naka-dekwatro siya ng upo at sa kanang kamay naman niya ay may hawak siyang bowl na naglalaman ng popcorn. His hair is messy that suited him. He's wearing a dark green coloured long sleeve shirt then a jogger pants.



Dumapo ang tingin ko sa labi niya. Habang nanonood ay siyang kain rin niya ng popcorn. Mariin kong ikinuyom ang kamao ko nang maakit sa labi niyang mapupula at sa adams apple niya. Shit, ang gwapo talaga. Ito 'yong kagwapuhang hindi nakakasawang titigan kahit gaano pa katagal.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon