Kabanata 11

95 17 0
                                    

KABANATA 11


Nakatingin ako sa kawalan habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko. Nasa loob ako ng room namin at hindi sumama sa PE. PE is our current subject and since I had been hospitalised, hindi muna ako pinayagang mag-participate.



Inilabas ko ang phone ko at nagscroll muna sa Twitter. Ako lang naman mag-isa ang nasa room—well, joke. May kasama akong lalaki rito at hindi ko siya ma-recognize dahil pagpasok ko kanina ay nakadukdok na ito sa mesa at hindi na tumayo pa. 'Di rin naman siya sinaway ng prof namin. Sino kaya 'to?



Nagulantang ako nang may nakita akong post mula kay Kairron. Yeah, I followed him last night n'ong naging active ulit ako sa Twitter. Na-disappoint pa nga ako dahil black lang ang icon niya and wala siyang picture sa media. Parang si Iza na rin siya, anonymous. Pero dati daw ay sandamakmak ang photos nito sa social media, bigla na lang daw nawala.



Parang nang-ghost sa 'yo, biglang nawala.



Charot.



Kairron Levi
@leviron

Staring at you secretly while you're looking at me..



Napaawang ang bibig ko dahil d'on. Omg, may gusto kaya siyang babae?



I retweeted his tweet then turned off my phone again. The guy is sitting two seats apart from me. Sa harapan ko siya nakaupo pero sa bandang kanan. Gets ba? Basta 'yon.



"Stop staring." Napahinto ako at nilingon siya sa kaniyang direksyon. Nakadukdok pa rin ito sa mesa pero p'ano niya nalamang nakatitig ako sa kaniya?



Wait, what?



No! Tinitingnan ko lang siya pero hindi ko siya tinititigan! Magkaiba kaya 'yon!



"I'm not." His voice a little bit familiar, by the way. Pero hindi ko ma-identify kung sino ang kaboses niya.



Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at iniluwa n'on ang mga blockmates ko. Karamihan sa kanila ay pawis. Nang makita ako ni Aeshiea ay agad niya akong niyakap.



Niyakap ko naman siya pabalik at binigyan niya ako ng mapanuksong tingin.



"What?"



"Nag-usap ba kayo ni Kairron, huh?" Kumunot ang noo ko saka umiling. Wala naman si Kairron dito, para ngang hindi na siya pumapasok. Mayaman kasi kaya hindi naeexpel ng dean.



"Oh my dee, ayon siya oh!" Nakahawak siya sa kaniyang labi saka itinuro 'yong lalaking nakaupo at kasama ko kanina dito sa room!



Nanlaki ang mata ko.



He's Kairron!?



"Nak ng yawa, si Kairron 'yan? As in? Del Rio!?" Sinamaan niya ako ng tingin bago ako batukan kaya naman inambaan ko siya pero she's still glaring at me kaya ibinaba ko ang kamay ko.



"Unli sis, unli? Yes! Kairron, the one and only. Tanga tanga mo naman Iris,"



Napadaing ako nang pingutin niya ang tainga ko. Aish, kaya pala kanina pa siya pinagtitinginan! Halos lahat ng babae rito ay nakatingin sa kaniya ng malagkit. Parang anytime huhubaran na siya ng mga 'to!



Maya-maya pa ay biglang umayos ng upo si Kairron. Pinilit kong silipin ang mukha niya at nanlumo ako nang makitang may itim na mask siyang suot saka sunglasses. Kagaya n'ong suot niya n'ong nagkaroon ng audition ang music club.



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon