KABANATA 22
"Are you sure about your decision, Iris?" Hiro asked while making a coffee for me. We're currently in his house here in France. It's been 3 years since I moved in here. Tatlong taon na simula n'ong lisan ko ang Pinas.
"Of course. Why not? I left without informing them, I'll come back without notice," sumimsim ako sa kape na iniinom ko.
Pinag-uusapan namin ang balak kon pag-uwi sa Pilipinas. Straight three years akong narito sa France at kailanma'y hindi ako bumisita d'on. Wala rin akong contact sa mga kaibigan ko dahil gusto ko ng peaceful na buhay.
Sa tatlong taon kong pananatili rito, si Hiro 'yong naging sandalan ko at siya rin ang gumabay sa akin. He helped me moved on and because of that, napatawad ko siya kaagad sa lahat ng nagawa niyang hindi maganda noon.
"Silly girl. I'm talking about him." Ibinaba ko sa mesa ang coffee mug hawak ko.
"Kairron Levi Del Rio, huh? I don't care about him anymore. It's all in the past. I'm perfectly healed."
Yes. Sina Levi Del Rio, Kairron Levi Del Rio, Head Director ng DRR, and CEO ng DRR. It was all him. Akalain mo 'yon? Nagawa niya 'kong lokohin at ako namang si tanga, hindi man lang siya kinilala nang buo. He talked to everyone not to call him Kairron. Kaya pala tuwing babanggitin ang pangalan niya noon ay pinuputol niya 'yong sinasabi ng isang tao.
Kasabwat din si Hiro dahil childhood friend niya ito. Nagalit ako n'ong una pero wala namang saysay kung magagalit ako sa kaniya dahil siya lang ang kakampi ko n'ong mga panahong 'yon. Siya lang ang makakapitan ko at siya lang ang makakatulong sa 'kin.
"Bakit hindi ko naman nakikitang nagbago ka na?" Biglaang tanong niya. I looked at my reflection in the mirror.
I can't see the old Iris in me right now. 'Yong dating Iris ay mahina, uto-uto, tatanga-tanga. 'Yong Iris ngayon, marunong lumaban, hindi nagpapatalo, hindi basta-basta nagpapaniwala. Hinding-hindi na 'ko babalik sa katauhan kong iyon.
"Wala na siya Hiro. 'Wag mo na siya hanapin sa 'kin ngayon." Malamig kong pakiusap saka siya tinalikuran. Maraming nagbago sa 'kin. Hindi lang ugali, pati hitsura't status ko sa buhay ay nagbago rin.
Ang mahaba't wavy kong buhok ay pinaiklian ko. It's now shoulder length bob with chopped bangs. I also removed my eyeglasses and changed into contact lenses. Actually, my right eye can't see anything clearly kahit ano'ng gawin ko, that's why may eye patch ang kanang mata ko. Para nga raw akong pirata pero they don't mind.
"Don't be mad. Nagbibiro lang naman ako e," rinig kong sabi niya habang minamasahe ang magkabilang balikat ko. Napailing ako.
"Yeah yeah. Can you contact Tanya? I need to see my schedule for this month." Tanya is my secretary in Hiro's company. I'm an artist under Delarama Studio. Kung sikat ako n'on bilang Ivy, triple ang kasikatan ko ngayon.
My albums for the past 2 years were always sold out worldwide! Philippines pa nga ang nangunguna sa nakakaubos ng albums ko. We already produced 9 albums and I'm ready for a world tour. Pinag-uusapan na ng team kung kailan at saang mga bansa ako magheheld ng concert.
If I am the biggest soloist singer in the nation today, there's this band that's always blocking my way.
Blaze.
I can't hate Izannah kahit parte siya ng bandang 'yon dahil kaibigan ko siya. Gusto ko ngang makausap si Yviane na pumirma ng kontrata under Delarama Studio para ma-beat nila ang Blaze, pero alam kong hindi 'yon papayag dahil naroon si Izannah.
BINABASA MO ANG
Voice of Fate (COMPLETED)
RomanceMUSICA SERIES #1 (COMPLETED) Iris Saveah Lagrand, a talented musician hailing from Meridia International University, embodies a unique aura of humility and artistry. Despite her exceptional vocal prowess and guitar skills, she shies away from the li...