Kabanata 25

95 15 2
                                    

KABANATA 25




I opened my eyes then I found myself lying in a bed in a room full of white walls. My head hurts so I can't stand up. I roamed my eyes around the room then I saw someone sleeping in the sofa. I'm with someone?


I quickly touched my right eye then found out that my eye patch was removed. I barely remember anything that happened before I got here. But who's the guy lying in there?


I tried my best to stand up. Hinawakan ko ang sintido ko dahil sa kirot. Mahina akong napadaing at ipinikit ang mata ko. Huminga 'ko nang malalim saka muking idinilat ang mata ko. Nanlaki ang mata ko nang makita si Kairron na nakatayo sa harapan ko. Halatang nagmamadali sa pagtayo dahil may pag-aalala sa kaniyang mga mata. Narinig niya?


"W-what are you doing in here?" Tanong ko na may halong pagtataka. Napako ang tingin niya sa abo kong mata. Shit.


Iniwas ko ang tingin ko saka yumuko. Narinig ko ang malalim niyang pag-buntonghininga.


"You passed out after the first part of your concert. The doctor said the reason of your blacking out are hunger and stress." Nakahinga ako nang maluwag.


"That's it?" Nag-aalangan pa siyang tumango. Hinanap ko ang eye patch ko pero hindi ko ito mahanap sa kahit saan. Where is it?


"Did you saw my eye patch?"


"Alam ba ni Hiro 'to?" Nanigas ako sa kinauupuan ko. Sinabi sa kaniya ng doktor, alam na niya kung anong dinadamdam ko ngayon. Sigurado akong alam niya.


"N-no. Don't tell him. Don't tell anyone. I'm begging you.." I almost tear up when I looked at him again. Wala na 'kong paki kung makita niya ang mata ko. Alam na rin naman niya eh. Ano pa bang itatago ko?



"The heck, Iris? You could be blind because of that!"  Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Bakit siya pa? Bakit siya pa ang makakakita ng kahinaan ko ngayon? Bakit siya pa ang makakaalam ng kondisyon ko? Bakit siya pa?


"A-alam ko... a-alam kong maaari akong mabulag.. p-pero wala namang k-kaso sa 'kin 'yon..." humihikbi kong tugon. Nagitla ako nang bigla niya akong kabigin saka yakapin nang mahigpit. Anong ginagawa niya?



"Pinakawalan kita dahil alam kong mas maaalagaan ka niya. Pero bakit gan'to?" Mahinang saad niya na sapat na para marinig ko. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang ipinupunto niya. Pero hindi rin ako uto-uto para magpadala sa mga sinasabi niya.



"You're engaged. You can leave now. H-hinahanap ka na ni Kharyll. Just don't tell this to anyone.." Marahan niyang inilayo ang katawan niya sa 'kin. Inilabas niya ang isang eye patch mula sa bulsa niya. Akma ko na sanang kukunin sa kaniya pero inilayo niya 'yon sa akin. Akala ko ay nang-aasar pa lang siya pero natahimik ako nang maingat niyang isinuot sa kanang mata ko ang eye patch.




May ibinulong siya sa akin na naging dahilan para tumayo lahat ng buhok sa katawan ko.


"Isang sabi mo lang na mahal mo pa 'ko, babalik kaagad ako sa 'yo."



Napailing ako. Lumabas na siya ng silid at humiga naman ako. Gaya ng sabi ko noon, hinding-hindi na 'ko magpapaloko ulit sa kaniya. Sapat na 'yong nasaktan niya 'ko ng ilang beses noon, hindi na pwedeng masaktan niya ulit ako ngayon.


Hindi pa man ako tapos sa pag-iisip ko ng malalim ay may biglang kumatok sa pinto.


"Pasok." Iniluwa ng pinto si Hiro na may dalang Jollibee. He looks so worried when he saw me. He immediately hugged me so I hugged him too. I missed this guy, huh?



Voice of Fate  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon